Press Release
July 23, 2019

Transcript of Interview of Senate President Vicente C. Sotto III
with Ted Failon of DZMM Teleradyo

On plunder being added to the death penalty.

SP Sotto: ...Ako personally, high-level drug trafficking. Pero yung plunder nga naman, (unclear) tatalab doon. Nag-plunder ka, eh di hindi ka mahirap.

Q: Borrowing your line of thinking doon sa drug lord, sa plunder, ang mga starring dito, mataas usually ang position.

SP Sotto: Oo. Kaya kami dito sa Kongreso, pangit na umayaw kami sa plunder. Dapat isama namin sa death penalty.

Q: Ginagamit yung perang kinulimbat sa depensa mo, ganyan po ang nangyayari, di po ba?

SP Sotto: Totoo yun, kaya lang meron ding depensa diyan ang gobyerno. For example, ifi-freeze lahat ng asset mo. Freeze lahat ng bank account mo, gagarnishin, Tapos yung mga properties mo, naka-freeze lahat. Medyo nahirapan ang gobyerno kahit paano.

Q: Kung may aabutan pa sa bangko.

SP Sotto: Ayun. At yung nasa pangalan niya yung mga properties.

Q: As far as the Senate is concerned sa high-level na drug transaction, tingin ho ninyo with this new members coming in, kaya na po ninyo makuha yung numero?

SP Sotto: Palagay ko squeaker pero kaya. Kung baga sa mga 13-14, kaya natin. Kung high-level drug trafficking lang.

Q: And then sa plunder, po, siguro...

SP Sotto: Idadamay na yun. Syempre, kung ipapasok ang plunder at hindi naman magandang umayaw kami doon, kasama na rin sa squeaker yan, mga 13-14, baka kayanin sa Senado.

Q: Di po ba panukala din po para ma-streamline yung government bureaucracy, pero may pinapanukala na creation po ng mga bagong departamento.

SP Sotto: Nung pinag-uusapan na namin yung...meron silang finile, yung department of culture, department of disaster, department of OFW, yung mga ganun. Ang sinasabi muna namin, ayusin muna natin yung right-sizing. Kasi kung hindi tayo magra-right-sizing, blinow-up lang natin yung bureaucracy lalo. So, kung magra-right-sizing tayo, mababawasan yung mga departamento, na mga iba-t-ibang napakaraming departamento ng gobyerno ng maraming empleyado na 65 percent ng ating budget ay napupunta sa personnel services, kung mai-cut down natin ito, sabayan pa natin ng early retirement program, ang tingin ko okay na i-create yung mga bago na yan. Pwedeng i-create yung mga bago na yan, sapagkat nai-right-size natin yung mga departamento na bloated.

Q: Meaning uunahin ninyo muna yung right-sizing. Dito po ba kaakibat na yung isa pang panukala din na magkaroon ng early retirement?

SP Sotto: Oo. Yun naman ay personal idea ko, naisuggest ko na sa kanila, hindi lang napaguusapan, pero meron kaming plano na next week ay meron na kaagad na mini-Ledac, tapos tuloy kaagad sa main Ledac, isa yun sa mga itutulak ko kaagad.

Q: Ano po ang basic concept po noon ng early retirement, ginawa na po dati yan sa PNP. Nag-offer sila if you recall, panahon ito ni FVR, pero naging problema dito eventually yung pagbabayad naman doon sa retirement benefits na gustong maavail ng early retirement.

SP Sotto: Oo. Yun ang iuutang natin, at iutang natin sa local, para hindi lumabas ang pera. Sapagkat pagpalagay mo, kaunti lang ang iuutang doon. Sa ngayon, ilang ang budget natin? P3.7 trillion, 65 percent of that would be close to P2 trillion, mga P1.8 trillion. Personnel services yun., so kung mag-eearly retirement program, ang study na nakita ko, halos mag-fifty percent, lalo na kung ang mga sweldo, mga P10,000 to P24,000 a month, pagkatapos merong early retirement program package natatanggap na mga P300,000 to P500,000, makakapag-tayo ng negosyo, may lump-sum na makukuha kaagad na ganun, ang tingin namin doon sa studies is almost 50 percent mag-oopt ng early retirement. Wala namang ginagawa doon sa ano tapos ang liit ng kita niya, ang nagpapalaki doon yung mga allowances, kung anu-anong benefits na nilalagay, di ba? Palagay nating mga 30 percent lang ang mag-opt nito, doon sa P1.8 trillion, 30 percent of P1.8 trillion, napaka-laki ng isasave natin, Yun mismo, pwede na rin ilagak doon sa magreretire at hindi lang yun, maraming maitatabi para napakarami nating gagawing eskuwelahan, ospital doon sa budget na yun kung kakapusin at saka mo iutang yung pang-early retirement program nila. Yung ang proposal ko sana. Ibibigay ko sa kanila yun pagdating sa Ledac. Hindi nabanggit ng Presidente yun.

Q: Pag nag-early retirement, yung kanyang position, what will happen to that?

SP Sotto: Wala na. Kung hindi masyadong mahalagang position katulad ng sinasabi ko, bloated lang ang burokrasya, streamlined yung burokrasya. Mawawala na yun, mabubura.

Q: So kung baga, to trim itong ating burokrasya kasi nga, palaki ng palaki.

SP Sotto: Totoo yun, sapagkat nung panahon pala ni Marcos, pag-upo ng panahon pala ni Cory, pagpasok ng mga bagong empleyado, walang puso para tanggalin yung mga dati. Pagdating ni FVR, hindi rin niya inalis yung mga dati. Pagdating ni Erap, dagdag na naman. Pagdating ni Gloria, dagdag na naman, ni Noynoy, dagdag na naman, kaya ngayon, bloated tayo. Isipin mo 65 percent ng budget ng gobyerno, personnel services?

Q: At saka if you think about the future, baka po hindi na kayanin ng gobyerno yung pension ng lahat ng ito?

SP Sotto: Naku, ay grabe, kasi ganun, ito naman pag early retirement, one time yun, one time big time. Hindi katulad ng mga pension, yung pension ay hanggang buhay, eh padami ng padami yan.

Q: Pag hindi na nakontrol yan, puproblemahin yan ng next generation, ng ating mga opisyal ng gobyerno, paano masusustain itong pagbibigay mo ng pension sa napakalaking burokrasya, ano po?

SP Sotto: Tama.

Q: So far, doon sa mga binanggit ng Pangulo, yung binabanggit niya na TRAIN 2, Trabaho Law, what do you think, ito ba ay squeaker din na matatawag?

SP Sotto: Not exactly. Pagka na-streamline, pagka naalis yung mga provisions na controversial kasi marami namang magagandang provisions, okay naman, lulusot naman ng maayos yan. Katulad ng Land Use Act, merong mga ilang kontra sa amin doon, pero pahgka napaliwanagan lang ng mabuti yung mga kasama namin, tingin ko okay din. Marami, marami doon sa mga binanggit niya kakayanin talaga namin. As a matter of fact, nakikita ko, at least sixteen sa mga sinabi niya malaki ang pag-asang mapasa lahat.

Q: It pong sweldo ng mga guro, mga nurses, definitely wala itong problema in the Senate?

SP Sotto: Walang problema yan, yung salary-standardization (unclear), dapat nga yan priority.

Q: Ito pong ROTC for Grades 11 and 12?

SP Sotto: Malamang lusot din sa amin, kaya lang ewan ko kung Grade 11 and 12 ang gusto ng karamihan. Doon magkakatalo kung kailan.

Q: So far doon sa binabanggit ninyong labing-anim, wala pong masyadong, maliban doon sa death penalty na may plunder na ngayon, so far sa tingin ninyo makakalusot sa inyong liderato?

SP Sotto: Oo. Tinitingnan ko yung listahan, pinakikinggan ko kahapon, puro talagang kayang-kaya at talagang dapat. Kailangang-kailangan. Yung lang reimposition ng death penalty siguro ang mahaba ang debate.

Q: Yung paglimita sa pagsilbi ng alcohol, yung pagbebenta ng alcohol sa mga club, sa mga bars and restaurants after 12 midnight, ang gusto niyang mangyari, maging national daw. What do you think?

SP Sotto: Kailangang pag-aralan munang mabuti, paano gagawin, sapagkat baka mag-impose tayo kaagad ng national, mas maganda siguro mag-local muna. Mga local ordinances, tingnan muna natin kung ano yung magiging mga advantages at disadvantages nito. Baka lolokohin lang tayo nung mga bars, sabihin sarado sila pero...parang yung curfew nung araw? Sarado daw sila pero punong-puno yung loob?

Q: But if you notice po, sa ibang mga bansang mauunlad, talagang 12 midnight yung kanilang mga liquor stores, mga 7/11 na mga tindahan, wala ng alcohol.

SP Sotto: Kung magandang pilot yung Davao, magandang mapag-aralan natin, baka pwedeng nationwide.

Q: Sa inyong mga panukalang bills, 14th month pay law, what do you think?

SP Sotto: Maexplain ng mabuti doon sa mga kumokontra, I think lulusot. Kayang-kaya, kasi yung laman ng dating presidential decree na nagbigay ng 13th month law, may mga exemption. Yun pa rin ang exemption sa 14th month law, hindi naman sila umaangal. Yung iba nagbibigay naman talaga. Kaya lang, yung mga may kapasidad magbigay, na ayaw magbigay, yun lang naman ang tatamaan niyan.

Q: Hindi naman ito isusubo sa mga naghihingalong kumpaniya?

SP Sotto: Oo. Merong tinatawag na distressed employers.

Q: Hybrid election act?

SP Sotto: Sana. Pinupush ko yun kasi nakita na natin, ilang elections na itong automated natin, ang problema at ang reklamo doon sa botohan sa barangay. Mabilis naman ang bilangan, nakita ninyo yung barangay elections, di ba manual? Matagal pag ipapadala mo na sa national. Yun ang automated. Yun dapat ang automated, pero yung botohan, susulat ng pangalan, yun pa rin dapat. Mga ibang bansa, bumalik sa ganoon. Di ba sa Europa nagbalikan sila sa manual pa nga, pero yung sa atin, at least ay hybrid. Manual sa barangay, sa sulatan. Ang dayaan doon, barya-barya. Ang automated, ang dayaan, delikado, wholesale.

Q: Marami ang gustong sa presinto makitang nabilang ang kanilang boto, doon po sa transmission tayo mag-aautomate?

SP Sotto: Correct. Kasi kitang-kita nila pati bilang alam nila ay ito, ito, ganito, ganyan. Hindi katulad nung sinubo mo na yung balota mo, pagsubo mo ng balota mo, hindi mo alam kung ilan ang tinanggap na boto ng binoto mo.

Q: Itong lowering the age of criminal responsibility?

SP Sotto: Sa twelve lusot po sa amin, hindi pwede yung nine. Sa twelve malaki yung possibility na mapasa sa Senado.

Q: Yung increasing the penalty for perjury, finally?

SP Sotto: Oo, kasi nung araw na napag-uusapan namin yan, nung araw na yun, nag-draft ako ng bill na tama ka, kasi ang lalakas ng mga loob na magsinungaling. Paano, three to six months na imprisonment, pag napatunayan, patutunayan mo pa? Lakihan natin. Ikasa natin para madala yung mga nagsisinungaling kung saan-saan, hindi lang yung sa korte, pati sa media, sa Senado, sa Kongreso.

Q: Basta sinumpaang salaysay, sumumpa ka sa otoridad, tapos ikaw ay napatunayang nagsisinungaling, sampung taon na ang kulong nito?

SP Sotto: Oo. Bale pumapatak na ano pa rin yan, reclusion temporal.

Q: Sa tingin ninyo ngayon, dito sa lahat ng pinapanukalang ito, hindi kayo mahihirapan ipush kasi you have the super majority?

SP Sotto: Oo. As a matter of fact, some of these measures, suportado ng minority.

Q: Dumating na pala si Senator Manny Pacquiao?

SP Sotto: Papasok na siguro siya mamaya.

Q: We just hope that he is okay. Mukhang nakaligtaan lang siyang batiin ni Pangulong Digong kahapon?

SP Sotto: Hindi siguro, baka hindi lang niya muna binati. Ako din, plano ko din nung umaga sa aking acceptance speech, batiin ko muna siya pagbati ko sa mga bisita, pero alam kong wala siya, so kung sa ano hindi masyadong maganda, mas maganda yung nandoon siya. Baka ganoon ang naisip ni Presidente, tutal wala siya doon.

News Latest News Feed