Press Release
July 29, 2019

GRACE POE AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT
After the 24th PNP PCR Culminating Activity

Q: Sen. Grace Poe will give us a statement...

Sen. Grace Poe: Unang-una, nais kong i-congratulate si General Albayalde at ang ating PNP na mayroon silang magandang community relations program. Maganda po na itinutuloy at itinutulay nila ang relasyon ng pulis at ng komunidad para magkaroon nga ng tulungan at mas marami tayong magawa para maipagpatuloy ang maayos na pamamalakad sa ating bansa.

Q: About sa PCSO, ano po 'yung masasabi ninyo sa mga pagpapasara?

Poe: Unang-una kasi kapag mayroon talagang duda ng korapsyon, dapat ay maisiwalat ito. Ang pagkakaroon ng closure, kapag mayroon kasing korapsyon sa PCSO, ang ninanakawan bale niyan ay ang ating mga kababayan na dumedepende dito sa tulong ng gobyerno sa pamamagitan ng PCSO. So kung wala 'yang mga lotto, ang tumataya diyan 'yung mahihirap, nilalagay nila ang kanilang mga pangarap na sana ay mapabuti ang buhay nila. 'Pag may korapsyon dyan, sila ang nananakawan kaya sana mas mabilis na maresolba kung sino man 'yun; maisiwalat na kung sinong responsable dahil kung walang pondo ang PCSO, maraming programa ng gobyerno katulad ng kalusugan ang maapektuhan.

Q: Do you think it's proper na isara agad without waiting for any documents, orders, memo?

Poe: Siguro ang mas magandang sumagot diyan tungkol sa legalidad ay ang ating mga kinauukulan, ang ating mga abogado. Pero para sakin, kapag may duda talaga ng korapsyon, dapat maibulgar agad kung sino 'yun at 'yung mga hindi naman dapat apektado ay maipagpatuloy para naman makapagbigay ng pera para sa pangangailangan ng ating mga kababayan.

Q: Legislation-wise Ma'am, would you like to bring back this scheme na ito ng PCSO or hindi na?

Poe: Alam mo, 'yan ay kailangan nating rebyuhin kasi hindi naman lahat gawa lang ng gawa ng batas, tingnan natin kung ano 'yung nariyan na at ang importante ay maipatupad kung anuman ang nasa batas ngayon at kung may pagkukulang ay maisaayos.

News Latest News Feed