Press Release
July 31, 2019

PCSO

Ang muling pagbubukas ng operasyon ng lotto sa buong bansa ay patunay na umuusad ang ginagawang imbestigasyon ng Pangulo tungkol sa anomalya sa PCSO.

Maganda ito para sa marami nating kababayan na umaasa sa lotto bilang kanilang kabuhayan pati na rin sa pondong ipinapasok nito sa kaban na siyang pinagkukunan para ibigay sa mga pasyenteng tinutulungan ng PCSO.

Kasama ako sa maraming naghihintay na matapos ang imbestigasyong ginagawa at malaman kung sino-sino ang mga personalidad na nasa likod ng korupsiyon sa PCSO.

Gayundin, hinihintay ng nakararami ang direksyon ng administrasyon ni Pangulong Duterte hinggil sa Small Town Lottery (STL), Peryahan ng Bayan at Keno kung nais pa rin nilang ipagpatuloy sa kabila ng mga kontrobersyang bumabalot dito.

News Latest News Feed