Press Release
September 2, 2019

Statement & Questions of Senator Bong Go

Gusto ko po linawin na hindi tayo nandito para magsisihan. Nandito tayo para ayusin ang sistema at siguraduhin na hindi maipagkakait ang hustisya para sa mga biktima ng krimen. Welcome ang imbestigasyon na ito para malaman ng tao ang totoo. In fact, pabor po si Pangulong Duterte sa imbestigasyon para malaman natin saan ang mga lapses at kung may kailangan managot sa nangyari.

Kailangan natin silipin at linawin ang mga probisyon ng Republic Act No. 10592 pati na rin ang Implementing Rules and Regulations (IRR) nito. Sa ngayon, nagmumukhang iba-iba ang interpretasyon ng batas at may mali sa application ng batas na ito.

Pero ang malinaw para sa akin at sa mga ordinaryong Pilipino, hindi tama na ang isang high-profile convict, na pinatawan ng pitong reclusion perpetua dahil sa karumal-dumal na krimen at nahulihan ng iligal na droga sa loob ng bilangguan, ay bigla na lang mapapalaya.

Maaaring maganda ang layunin ng batas na RA 10592. Maganda naman na mayroong mga insentibo para sa mga kriminal na magbagong buhay. Pero dapat siguruhin natin na kung sinuman ang mapalaya sa batas ay yung mga qualified talaga for Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Alam rin naman po natin na kahit anong "good behavior" sa kulungan ang gawin ng isang kriminal na nagcommit ng heinous crime, HINDI nito maibabalik ang buhay na nawala. Hindi dapat maging polisiya ng gobyerno na mawalan ng hustisya ang mga naging biktima ng mga karumal-dumal na krimen o mapalaya ang mga kriminal na may pagdududang maaaring maging banta at salot muli sila sa lipunan.

Sa aking pananaw, kailangan suriin nang mabuti ang pinanggalingan at aplikasyon ng batas na ito:

Kailan ba ipinasa ang batas na ito?

Sino ba ang nagsulat at nag-apruba ng Implementing Rules and Regulations na nagsabing kasama ang mga convicted sa heinous crimes sa computation ng GCTA?

Bakit ba naging ganyan ang aplikasyon ng batas? Kailan pa ba yan ginagawa?

Saan ba ang lapses? Sa implementasyon ng batas o sa itinakdang polisiya mismo?

Kung kailangan amyendahan ang IRR o maging ang mismong batas, gawin natin. Suportado ko ang mga panukala dito sa Senado para amyendahan at maklaro ang batas na ito.

Pangalawa, paano naman naging "good behavior" ang pagpupusilit ng shabu at marijuana sa loob ng bilangguan? Ginamit pa ang estatwa ng Birheng Maria para magtago ng shabu.

Ang mga taong gumagawa nito ay walang konsensya at walang takot sa Diyos. Good conduct ba ito? Paano ba nakokonsidera na good conduct? Ano ba ang qualifications? Gusto natin malaman ano ba ang implikasyon sa GCTA kung magkaroon ng prison violations ang mga inmates.

Pangatlo, bisitahin rin natin ang kasalukuyang estado ng ating mga bilangguan. Dati, ginagawa ang iligal na droga mismo sa loob ng kulungan, ngayon sinasabi natin hindi na. Ano na ba ang status ng illegal drug clearing ng BuCor? Ano na ang ginagawa ng BuCor para tuluyang mawala ito?

Panghuli, sa tingin ko po, kung tatanungin ninyo ako at ang ibang senador, hindi kami sang-ayon sa pagpapalaya sa mga convicted ng heinous crime kaya may iilan sa amin na sinusulong maibalik ang death penalty.

Tulad ni Pangulong Duterte, galit po kami sa mga criminal lalo na sa mga involved sa heinous crime. Consistent kami sa stand na iyan.

As legislators, it is important for us to make sure there are no dubious provisions or contentious issues in the application of our laws. Ang layunin natin dito ay siguraduhing may Hustisya sa ating bansa.

Our laws should provide protection to our innocent people and justice to victims, and not provide a sanctuary through a law that benefits perpetrators of heinous crimes. Huwag natin ipagkait ang hustisya sa mga biktimang nangulila dahil lang sa isang batas na salungat sa hustisyang ating inaasam para sa bawat Pilipino.

Death is better than being in jail until you die. Kung ganon ka tigas ang Pilipino then ibalik ang death penalty. Kung gusto nila humanitarian we have to implement this law but ayusin lang. We can't have both.

Mr. Chair, with your indulgence, allow me to ask the following questions. At mayroon lang po akong gustong ibahagi.

Kasi po, para maintindihan lang po ng publiko, gusto ko i-emphasize that President Duterte exercises prudence for executive clemency. Binubusisi niya ang lahat ng dumadaan sa kanya for his approval. Hindi po siya padalos-dalos at pinag-aaralan po niya lahat ng dumadaan sa kanya. In fact, nasa la mesa pa niya ang iilang humihingi ng executive clemency or pardon, at pinapabalik niya, humihingi siya ng narrative - sino ba ang mga ito, matanda na ba ang mga ito, deserving na ba ang mga ito lumabas at lumaya?

Ibig ko po sabihin, kung ganoon po kasigurista ang ating Pangulo, dapat din dapat ang mga kasamahan natin sa BuCor, DoJ, lalong-lalo na po yung mga involved sa heinous crimes.

---------

Nakikiramay ako kay Mrs. Sarmienta at Mrs. Gomez, alam ko hindi na maibabalik ang buhay ng inyong mga anak.

Anyway, bago po pumutok itong balitang ito, gusto kong sabihin sa inyo ang totoo. Maalala ko August 20 nabasa natin sa mga peryodiko ang possible release of Mr. Sanchez. Araw-araw po may presidential briefer na binabasa ang ating Pangulo including confidential ones.

Noong August 21 ng gabi, nabasa niyo ito. Ang pinakaunang niyang ginawa ay pinatawagan niya kaagad si BuCor Chief Faeldon at Mrs. Sarmiento at sinabi niya kay Chief Faeldon: "Do not release."

At ang sinabi niya, "order from the higher authority." Hindi niya muna pinangalanan pero ibig sabihin, wala naman ibang higher authority. Pinarating rin po kay Sec. Guevarra na hindi po papayag si Pangulong Duterte.

In fact, sinabi ko nga, nagbigay na lang ako ng statement kay Mr. Sanchez na pagdusahan at pagbayaran mo na lang ang kasalanan mo sa loob kaysa lumabas ka, baka iikli pa ang iyong buhay. Ang sabi ko nga, mabuti pang hintayin mo na lang na si San Pedro na lang ang humatol sayo.

Anyway, tuloy-tuloy ang kampanya ni Pangulong Duterte laban sa kriminalidad. Magkasama po kami rito. Asahan po ng mga biktima na hindi papayag si Pangulong Duterte na ganun na lang po basta-basta.

Sabi ni Pangulong Duterte, magkakaroon siya ng sarili niyang imbestigasyon. Gusto niyang malaman kung may korapsyon na involved kung bakit na-release ang mga prisoners na involved sa heinous crimes.

After the GCTA law was enacted in 2013, then DOJ Secretary de Lima and DILG Secretary Roxas caused the issuance of the corresponding IRR, did they not? I am addressing my question to DoJ.

In the said IRR, Secretary de Lima and Secretary Roxas did not include a rule or guideline categorically stating that heinous crimes convicts were not covered by the GCTA law? Is that correct?

Are you aware of any incidents of corruption in the grant of GCTAs? Please explain.

What remedial steps do you think congress should take in the light of the present controversy over GCTAs?

Para po maintindihan ng publiko, iba't iba ang klase ng pagrerelease. May probation, court grants the probation. Parole dumadaan sa Board of Pardons and Parole. Yung GCTA sa BuCor. Sila na ang nagpa-process nito. Marahil nagtataka kayo kung bakit hindi po alam ni Pangulo yung narelease na almost 2000 dahil hindi dumadaan sa kanya. Yung absolute and conditional pardon lang dumaan (sa Pangulo).

If proven na excluded ang (convicts who committed) heinous crimes sa release and not qualified, pwede ba natin sila i-recall, consider na wanted, or shoot-to-kill? Ano ang pwedeng gawin sa kanila?

News Latest News Feed