Press Release
September 24, 2019

Transcript of Interview of Senate President Vicente C. Sotto III with Ted Failon of DZMM

On BuCor's budget

SP Sotto: Naghearing kagabi yung subcommittee ng finance para sa DOJ. Siniguro namin na kung ano yung mga pangangailangan, yun ang pinasubmit namin para yung modernization, pagkatapos, hindi mahirap yung paglilipat, yung Luzon, Visayas, Mindanao na target, because ang Luzon, ang Nueva Ecija, halos may naka-ready doon, but that is for Luzon. Sa Visayas, medyo pinagiisipan lang ng kaunti, between Capiz and Iloilo, pero ang suggestion, merong malaking kampo sa Capiz, malapit doon, na pwede doon. Sa Mindanao, would be the Davao Penal Colony. Iuupgrade lang, so hindi masyadong mahal ito.

Q: Doon sa amin sa Leyte, sa Abuyog, merong existing ngayon.

SP Sotto: Ayan, kung ganyan, pwedeng pagpilian yan. Maeexpand yan, magagawang very secure, baka yan yung pwede. At saka kailangan kasi diyan, gusto natin yung local government, gusto nila. Mahirap yung kumokontra. Anyway, the budget, pati yung budget ng modernization, sa ngayon, pwede namang dalhin yun. Kung imomodernize natin yung existing ngayon, pwede namang ilipat yun, pag nilipat yun, ganun din dun sa tatlong paglalagyan, at doon sa super max. Kailangang may super max, yung pang-apat na yun yung super maximum na tinatawag, katulad nung nasa ibang bansa na lahat lang ng mga high level crimes ang doon.

Q: They are going to be isolated?

SP Sotto: Oo. Yung budget hindi namin nakikitang magkakaproblema. Doon pa lang sa budget ng Comelec, meron ng P6.7 billion na nasilip si Frank na pwede kaagad kaltasin ang ilan doon at ilipat, and then gusto ng (unclear), sa DOJ. Kayang-kaya naman. Maraming pagkukunan. May mga excess fund, alam mo naman yan.

Q: Speaking of budget, kailan ninyo nakikitang matatapos dahil dito sa Kamara, in all fairness, record time yung kanilang pagpasa.

SP Sotto: Kung isusubmit nila sa amin this week, kasi nagpiprinting pa yata sila ng third reading, or at the latest next week, ang mangyayari niyan, dahil continuing naman ang hearings namin, siguro pagbalik namin ng November, the second week ng November, pwede ng interpellation period na, interpellation na siguro kami. And then give it two to three weeks, palagay mo pinakamatagal na yung three weeks, last week ng November, pwede naming i-second and third reading sapagkat certified as urgent.

Q: Bagamat sinasabi nila Speaker Cayetano na hindi naman pork yan, kasi itemized naman yan sa budget, sabi naman ni Senator Lacson, mukhang tingin niya pork ito, hindi kaya maging usapin na naman ito na medyo matagal bago kayo magkaayos ng inyong counterpart para humantong na naman tayo sa reenacted budget?

SP Sotto: Kung ito ay manggagaling sa tinatawag na bottom-up budgeting, nasa NEP, sinubmit sa House, wag lang masyadong exorbitant yung mga nakalagay per district, hindi pwedeng tawaging pork kung nakalagay na doon at bottom-up budgeting at saka nga ay merong program of (unclear), naka-itemize, okay din yan. Pero, kung ito ay binalasa mo, at meron kang ginalaw at meron kang nilumpsum kung saan-saang lugar, ay pwedeng tawaging pork yun, hindi maiwasan yun. Kung masyadong malalaki naman, di ba ang mentality ng mga kasama namin, lalo na si Senator Lacson, is wag naman masyadong matingkad. Wag naman masyadong nakabukol, di ba? Kasi kung hindi man pork yan, mukha ng pork tuloy. Anyway, to answer the main question, meron kaming bicam. Ito ang maganda kung matatapos ng maaga ito, at let's say second or last week ng November nag third reading kami, pagpasok ng first week ng December, nagbabicam na kami. Nandoon na yung tinatawag na debate, balasahang mabuti. Unlike yung nangyari last year na sinubmit sa amin November 24. Sinubmit sa amin November 24 dahil nagkaroon sila ng issue-issue ng palitan, kung anu-anong nilipat doon, so pagdating sa amin, after the Christmas break, saka pa lang kami nag-interpellate, at saka doon pa lang natatapos kami, tapos doon yung bicam pa lang. Yung bicam, alam mo naman yun, matindi ang sikuhin doon. So ito, malaki ang pag-asa na by December 1, nagbabicam na kami.

Q: (Unclear)

SP Sotto: Oo, water under the bridge pero uulitin ko lang, noong natapos na yung bicam, tsaka ginalaw. Yun ang kauna-unahang sa Congress yan. Sila (unclear) yung gumalaw ng ganoon.

Q: May mga tax measures na panibago, inaaral ngayon sa Kamara, pagdating sa inyo, ano po ang inyong take dito sa dagdagan ng halos 300 porsiyento ang road user's tax?

SP Sotto: Mahihirapan sa amin yun. Mahihirapan sa amin yun kasi may mga present budget na yun. Meron pang hindi nagalaw na budget, di ba? Yung nakuha sa road-user's tax...

Q: Wala pa daw IRR kasi nga inabolish yung Road Board.

SP Sotto: Ang remedyo diyan, dito sa GAB, pwede naming ilagay. Remember, the budget is the single most important piece of legislation that we pass and it becomes law. Pag pinasok namin diyan, it becomes law, hindi na kailangan yung IRR nila. Q: Dapat yan itemized din, otherwise malaking lumpsum yan?

SP Sotto: Oo. Tatanungin lang namin ang Department of Finance, gustong itaas yung road user's tax, saan ninyo ilalagay? Eto yung budget, ilagay natin ito. Wag na tayo magtaas.

Q: Kung baga may hindi pa nagagalaw na P50 billion, kung paguusapan natin specifically for roads and maintenance ng kalsada?

SP Sotto: Oo, mahirap, mahirap yun. Medyo very meticulous yung aming bagong chairman ng ways and means kaya tuwang-tuwa ako, pagka-nireport out ni Pia, siguradong maayos, hindi kami masyadong mahihirapan. Pero, pagdating dito sa issue na ito, may solution.

Q: So klaro po yan, sa inyong pananaw, mahihirapan itong panukalang ito na magdagdag po sa road user's tax?

SP Sotto: Mahihirapan, yung mga tatamaan diyan, yun ding mga nagbabayad ng taxes na matino.

Q: Ang hearing ninyo ay sa Thursday, doon pa rin sa BuCor controversy? Yung sinabi ninyong gustong sumuko sa inyo, ano ang development doon?

SP Sotto: Supposed to be, tutuloy daw siya ngayon, pero sa October 1 pa, hindi sa Thursday. October 1, it's a Tuesday nakasechedule.

Q: Yung sinasabi ni Senator Lacson na he will consult the body kung pwedeng isapubliko yung naging talakayan doon sa executive session?

SP Sotto: Hindi pa namin napapag-usapan, baka tumawag ako ng caucus before October 1 or earlier kung talagang kakailanganin. Hindi pa namin napaguusapan. Medyo maselan.

News Latest News Feed