Press Release
September 30, 2019

BARANGAY AT SK ELECTIONS POSTPONEMENT LUSOT NA SA SENADO

INAPRUBAHAN na ng Senado ngayong araw sa third and final reading ang panukalang postponement ng Barangay and Sangguniang Kabataan elections sa May 11, 2020.

Sa ginawang botohan, pumabor ang 21 Senador, walang tumutol at walang abstentions sa Senate Bill No. 1043 na inisponsoran ni Senadora Imee Marcos.

Ito rin ang kauna unahang batas na iniakda ni Senadora Marcos na inaprubahan ng Senado.

Itinakda ang susunod na eleksyon sa December 5, 2022 matapos tutulan ng mga senador ang original na panukalang gawin ang BSK polls sa May 8, 2023.

Lumusot na rin sa House Suffrage and Electoral Reforms ang panukala at nakatakdang isalang sa plenaryo para aprubahan sa third and final reading.

Ayon kay Sen. Marcos, chairperson ng Senate committee on electoral reforms and people's participation, matitipid ng gubyerno ang halagang P5-B para sa halalan at pwedeng ilaan sa ibang ahensya na mas kailangan ng pondo.

Sinabi ni Marcos na pwedeng ilaan ang pondo sa Dept of Agriculture para ibili ng aning palay ng mga magsasaka sa gitna ng pagbagsak ng presyo ng palay.

Bukod dito, maaari ring ilaan ang pondo sa Department of Education para sa K to 12 program nito.

"Nagpapasalamat ako sa mga kapwa ko Senador, lalo kina Senate Pres. Sotto, House Majority Leader Migz Zubiri sa mabilis an pag-apruba sa postponement ng Brgy. and SK elections. Ang kailangan na lang ay bicam conference ng 2 kapulungan ng Kogreso para sa ratification at maisumite sa Pangulo para sa paglagda nito," ayon pa kay Sen. Imee.

News Latest News Feed