Press Release November 4, 2019
Sa pagsirit ng presyo ng Noche Buena products SINITA ngayon ni Senator Imee Marcos ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagpapahintulot nito sa ilang manufacturer sa bansa na magtaas ng presyo ng "Noche Buena products" habang papalapit ang araw ng Pasko. Ginawa ni Marcos ang pagbatikos sa DTI kasunod nang ginawang pag-apruba ni Trade Secretary Ramon Lopez sa listahan ng mga produkto na pasok sa adjusted Suggested Retail Price (SRP). "Sa inilabas na listahan ng DTI, lumalabas na P3 hanggang P20 ang itinaas sa presyo ng ham. Pero sabi ni Sec. Lopez, maliit lang daw ang increase. Killjoy naman itong si Secretary. Lalong hindi na makatitikim ng ham ang mahihirap na Pinoy sa kanilang noche Buena kung ganito na kamahal ang presyo," naiiritang sabi ni Marcos. Sa price guide ng DTI, narito ang presyo ng mga ham:
Samantala, ang presyo naman ng fruit cocktail ay higit P1 hanggang P1.65 ang itinaas sa SRP list.
Sa keso, ang SRP ng 165g na Eden filled cheese ay P49.50 mula sa P48.50, habang ang 180-gram Danes classic cheese ay P48. Tumaas din ang presyo ng spaghetti noodles.
Giit ni Marcos, dapat ipagpaliban muna ng DTI ang implementasyon ng SRP list para makapag-enjoy at makapaghanda naman ng masasarap na pagkain sa Noche Buena ang mga Pinoy. |
Wednesday, March 27
Tuesday, March 26
|