Press Release
November 5, 2019

Transcript of Interview of Senate President Vicente C. Sotto III
with Vic Lima of DZMM Teleradyo

On President Duterte appointing Vice-President Robredo as co-chair of government committee on illegal drugs

SP Sotto: Ayos yun, mabuti. Maganda yun, tanggapin sana sapagkat para once and for all, marealize nila na itong problema ng illegal drugs ay matindi pala at matigil na yang kasasabi nila na matigil na din yung war on drugs. Di ba yung kampo nila, madalas sabihin na itigil daw? Bakit mo ititigil, eh it's an on-going struggle, I've always said it before, since 1988 hanggang ngayon. Hindi nawawala yan kasi kahit na ubusin mo lahat ang drug pusher nitong araw na ito, patayan natin lahat sa buong Pilipinas, bukas, may bagong pusher. Ngayon, ngayon ding araw na ito, lahat ng adik, ikulong mo, bukas, may bagong adik kasi itong mga pusher, hahanap ng mabebentahan. Walang katapusan, The only complex crime in the world kaya hindi ganun kadali ito, ito lang ang krimen na the victim is a criminal and the criminal is the victim. Walang ibang krimen na ganun, kaya kailangang pag-aralan ng mabuti at ika nga ay malaman nila na ang pagsugpo diyan hindi pwedeng puro illegal drugs ang target mo. Kailangan din targetin mo yung drug abuse. Magkaiba yung drug abuse sa illegal drugs, napapagkamalan ng iba. So you will never be able to stop the fight unless you give up. And then if you give up, you fail.

Q: Pag nag-give up ka tuloy ang piyesta.

SP Sotto: Then you fail. Kaya wag nilang sasabihin na itong laban na ito ay failure. That's baloney, that's the statement of people who do not understand the problem.

Q: Now dapat wala na tayong marinig from those who is criticizing the President na dapat ganito, dapat ganun.

SP Sotto: Oo, at saka nalaman nila na hindi pala pwedeng palpak. At ang target natin, kalimutan na nila yung, matagal ko nang ginive-up yung vision for a drug free Philippines na libro ko. Ang kapalit na libro ko niyan ay a vision for a drug resistant Philippines. Kailangan doon tayo tumarget. Nandoon yung address dapat ng (unclear), ginagawa sa kasalukuyan, kaya imbis na makialam at kumriticize tayo, tumulong tayo. Yun ang pinakamaganda.

Q: Alam ko dapat ganun.

SP Sotto: tama at saka ano, magcricriticize ka, magbigay ka ng alternative. Sabihin mo, teka, mali itong ginagawa ninyo, palpak, dapat ganito. Dapat ganun, eh hindi, sasabihin ninyo lang palpak. Wala namang masabi kung bakit palpak at hindi mo rin masabi kung ano ang dahilan mo.

Q: In all aspects yan, wala naman tayong tinutukoy pero tira lang ng tira, pero mas maganda siguro, tira, alternatibo?

SP Sotto: Correct. Tumitira ka, crinicriticize mo kasi mali, pero meron kang tinging tama. Ganito tama, eto gawin ninyo, ganun. Mas maganda yung ganun. Huwag natin isasama tsismis diyan. Eto pinakamagandang pagkakataon, kasi (unclear) ang adviser nila sa mga kampo nila, o ayan, pasok ngayon yung mga adviser nila at magtulungan sila, para tumulong sila sa pagsugpo, hindi sila kailangang tumulong sa gobyerno, alam kong ayaw nila yung gobyerno, yung administrasyon. Tumulong sila sa pagsugpo ng problema sa droga.

Q: Now is the time to shine, di ba?

SP Sotto: Correct. Hindi nila kailangang tumulong sa administrasyon, hindi kailangan ng administrasyon ang tulong nila, ang kailangan nila na tulong, yung tulong para sumugpo ng problema ng droga.

Q: Which is napakabigat na problema.

SP Sotto: Yes, it is the number one problem in the world. Saan galing yung funding? Baka hindi nila alam, galing ng funding ng mga Al Qaeda? Ng mga Golden Crescent? Ano yung Golden Crescent yun yung mga party (unclear), yung Golden Crescent na tinatawag Afghanistan, Pakistan Iran area yan. Yan ang nagfafund. Dito sa atin, (unclear) nagfafund at dito sa area natin ng mga droga at mga rebelde. Yung Golden Triangle, which is Thailand, Laos, Burma, Myanmar, kaya yan ang pinakamalaking problema dito, baka akala nila.

Q: Mas malaki pa sa mundo yan.

SP Sotto: Precisely. The money that passes through the hands of these high-level drug dealers, they are richer than the Philippine government.

Q: So, parang ngayon may panibago tayong bukas na aabangan, tingnan natin kung ano ang gagawin nila, kung tanggapin ni VP Leni Robredo.

SP Sotto: Sana tanggapin para makita nila at makatulong sila sa pagsugpo.

Q: Pareho kayo ni Senator Go, kayo rin, gusto tanggapin?

SP Sotto: Oo, dapat.

Q: Dun po sa adviser na pumipitik din sa administrasyon? Ano po ang payo ninyo?

SP Sotto: Magbigay sila ng alternatibo, hindi naman sila mapipigilang magcriticize, ayaw nila si Duterte. Okay lang yun, pero magbigay kayo ng alternative. Ano ang dapat gawin? Mali pala, mali pala yung gobyerno natin, ano ang dapat gawin? Hindi yung puro pintas. Nangyayari, puro pintas, magagalit ang Panginoong Diyos sa inyo.

News Latest News Feed