Press Release
November 21, 2019

Dispatch from Crame No. 650:
Sen. Leila M. de Lima's Statement on Duterte's Deceitful Intentions vis-à-vis VP Leni Robredo

11/21/19

Patuloy ang panloloko ni Duterte kay VP Leni Robredo. Ngayon, ang sinasabi niya ay wala siyang tiwala kay VP Leni kaya hindi niya gagawing kasapi ng Gabinete niya. Pero hindi naman daw niya pinagbibitiw bilang co-chair ng ICAD. Mananatili pa rin daw si VP Leni sa ICAD kahit sa tingin niya at ni Panelo ay mali-mali ang mga pinaggagagawa niya na pakikipag-usap sa mga international na organisasyon at mga kinatawan ng US sa Pilipinas.

Well Mr. Duterte, how does it feel now that the joke is on you?

Alam naman namin na isang masamang biro ang paghamon mo kay VP Leni na tanggapin ang posisyon sa ICAD. Sabi mo pa nga na lahat ng kapangyarihan na kakailanganin niya ay ibibigay mo.

Pero pagkatapos ninyong matulala nina Bong Go at Bato nang biglang tanggapin ni VP Leni ang inyong hamon, wala naman kayong ginawa kung hindi maliitin siya nang todo. Ratsada pa ang inyong mga trolls sa paninira sa kanya gamit ang "fake news".

Kayo ang gumawa ng kagaguhan, ngayong binaligtad ni VP Leni ang masama mong biro laban sa inyo, biglang kambyo naman kayo ng iyong mga alipores.

Parang usapang lasing lang di ba? Ano pa ba ang aasahan namin sa isang gobyerno na pinamumunuan at pinapatakbo ng mga utak kriminal? Gaguhan na lang talaga.

Kesyo wala kang tiwala kuno at baka kung kanino pa sabihin ni VP Leni ang mga sensitibong impormasyon na hinihingi niya para magampanan ang kanyang tungkulin, pero wala ka namang preno sa pagbenta mo ng Pilipinas sa China. Sino ba talaga ang mas may kakayahang magtraydor sa Pilipinas? Si VP Leni na hayag ang mga layunin sa pakikipag-usap sa US at mga international na organisasyon tulad ng UN? O ikaw na wala man lang nakasulat sa laman ng iyong mga pakikipag-usap sa China?

VP Leni is a proven patriot. You, on the other hand, are a Chinese stooge.

Kung hindi na mapagtakpan ng iyong mga alipores ang malaking pagkakamali ninyo na hamunin si VP Leni, bawiin na lang ninyo ang hamon, at aminin na talagang mas may bayag pa kaming mga babaeng lumalaban sa mga nagtitigas-tigasan na mga macho at siga kuno.

You're a big joke, Mr. Duterte. A deceitful bane...###

(Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 650, here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_650)

News Latest News Feed