Press Release
November 27, 2019

Win transcript of ambush interview on Control over PH power grid and SHS Voucher Program

PH Power grid

Q: Sir yung issue doon sa national grid, Sen. Risa Hontiveros filed a resolution to investigate the Chinese ownership, would you support it?

SEN WIN: I support it, in fact I already talked to her yesterday and sinabi ko sinusuportahan ko yung kanyang interpellation, yung mga tanong niya, dapat mapagusapan natin ito dahil di lang negosyo ang importante sa atin bansa kung hindi ang national security natin. Pinrivitize natin ito sa gusto natin makakuha ng kapital na pumasok sa ating bansa pero ang transmission grid importante ito, isa lang ito sa bansa eh. Ang gera hindi na barilan, ang gera ngayon, i-switch off lang yung power sa atin wala na tayong kuryente sa buong bansa, so tignan natin ito at dapat siguraduhin natin na protektado tayo.

Q: Hindi kayo nagulat noong inadmit ng TRANSCO President na anytime kayang-kaya yan, may capability na i-shutdown?

SEN WIN: Nagulat ako, in fact madalas ko sila kausap dahil sa Committee on Energy pero ngayon ko lang nalaman ito at nagulat ako na meron palang ganitong technology na pwede nang gawin at mas nagulat ako na wala tayon ginagawa. Kung alam na natin ito at may ganyang na technology dapat may ginagawa tayo.

Q: Yun din daw ata yung gagamitin ng 3rd telco, hindi ba mas alarming ito?

SEN WIN: Titignan natin ito ng kabuuan, titignan natin hindi lang yung transmission line, pati na rin kung ano ang pwedeng gawin ng transmission line sa ating komunikasyon at sa iba pang mga bagay. Again, winewelcome natin ang pribadong sektor, winewelcome natin ang foreign investment pero importante na tignan natin na hindi ito makakaapekto sa ating national security dahil interest ito ng bawat Pilipino.

Q: Sir if proven na national security issue, under the 25-year consortium agreement, can we terminate that?

SEN WIN: Ang unang nakikita ko diyan ay doon sa franchise, ang pangulo po pwedeng mag take-over anytime, nakasulat doon kapag ang publiko delikado ang Pangulo ay pwedeng mag take over anytime. Pangalawa, pwede natin i-revoke ang franchise at kumuha tayo ng investor na hindi magiging problema sa ating national security o gobyerno na ulit na mag operate, ako kung ako ang tatanungin dapat gobyerno ang mag operate nito dahil iisa lang to, importante na may control tayo doon.

Q: Nabanggit niyo kanina bakit walang ginawa ang gobyerno, kasama ba ito sa mga tatanungin ninyo?

SEN WIN: Yes, kasi kung matagal na natin to alam, bakit wala tayong ginagawa? Doon ako na shoshock at nagugulat dahil kung alam natin ang ganitong technology ay available bakit hindi tayo gumawa ng mas agresibong paraan para hindi mangyari ito. So for the resolution, in fact nag file na rin ako ng sarili kong resolution para mapag-usapan itong mga issue na ito.

SHS Voucher Program

Q: SHS Voucher Program, bakit kulang na kulang?

SEN WIN: Unang-una ang private school natin tumutulong sa senior high schools natin at natuklasan namin na kulang yung pondo para makapagaral ang ating senior high schools sa private school. Hindi sila makakapag-aral sa public school ngayon dahil wala tayong enough classrooms para sa senior high school. So dapat dagdagan ng pondo and we estimated approximately 14 billion pa ang kulang dahil may utang pa tayo na close to 11 billion sa mga Senior High School. Hindi rin natin pwedeng hindi bayaran yun dahil paano naman mag ooperate yung mga private Senior High Schools, approximately 14 billion ang kakailanganin natin.

Q: Kung hindi nangyari ang resolution ninyo ano ang pinaka mabigat na epekto nito sa mag-aaral bukod pa doon sa kukulangin sa classrooms?

SEN WIN: Dalawang bagay yan; meron tayong 1.2 million senior high schools every year kapag hindi mabigyan ng pondo ito hindi makakapagaral itong 1.2 million, siguro makakapag aral lang doon mga 800,000 so mga 400,000 ang hindi makakapag-aral. Pangalawa yung mga senior high school na hindi nabayaran dahil may utang ang gobyerno, mapuputulan ng kuryente, mapuputulan ng tubig, baka magsara sila so importante mababayaran natin sila.

News Latest News Feed