Press Release
November 30, 2019

ON 156th BIRTHDAY OF BONIFACIO

Let's celebrate workers, athletes in SEA Games: Pangilinan

"As the country kicks off the SEA Games on the 156th birthday of Andres Bonifacio, we are reminded of the toil and sacrifice of the thousands of workers and athletes of working-class roots who make the country's hosting and participation possible.

The Great Plebeian is hero of the regular Filipino working person. Like many Filipino workers, Bonifacio had to work at an early age. It fell on him to raise his siblings after they were orphaned when he was 14.

Bonifacio's strong sense of responsibility and optimistic attitude are traits that many Filipino workers and athletes live by. Sa kabila ng maliit na suweldo at madalas ay hindi kanais-nais na mga kondisyon sa paggawa o sa sports, patuloy ang mga manggagawa at atletang Pilipino na nagsusumikap, madalas di lang para sa sarili kundi para rin sa pamilya.

Sa likod ng pagtatayo ng New Clark City at renovation sa Rizal Memorial Stadium at iba pang mga venues para sa pagho-host ng Southeast Asian Games (SEA Games) ay ang madalas nag-o-overtime na mga manggagawa sa construction, hospitality, transportation, at logistics. One worker had an accident and is recuperating in the hospital. We hope that assistance will be extended to him for the duration of his recovery.

Tuloy-tuloy rin ang ating mga atleta, lalung-lalo na yung mga galing sa grassroots tulad nina Efren Bata at Hidilyn Diaz, sa pag-e-ensayo at pagpapagaling sa kanilang piniling sport para sa ikagagaling ng sarili at ng bayan.

Inaasahan din natin na ang lahat ng mga manggagawa at atleta ay mabayaran nang maayos, mabigyan ng mga safety gear at tamang mga kasangkapan, at makatanggap ng mga nararapat na benepisyo at karangalan lalo na para sa sakripisyong kanilang ibinahagi para sa SEA Games na ito.

Araw-araw ay pagkakataon na maging Bonifacio, si Bonifaciong walang balak maging bayani, ngunit dahil sa pagkamakabayan at pagkamasipag ay nagbago sa landas ng kasaysayan ng Pilipinas."

News Latest News Feed