Press Release
December 1, 2019

SENATOR WIN GATCHALIAN'S PHONE PATCH INTERVIEWS WITH DZBB ON NGCP NATIONAL SECURITY CONCERNS
BANTAY BALITA SA SENADO WITH NIMFA RAVELO

Q: Ano ang gagawin ng Senado with this information na possible na national security issue ito sa ating kuryente?

SEN WIN: Ang tanong dito ay meron na bang ganitong teknolohiya? At possible bang maging national security issue ito? at ang sagot diyan ay possible, at hindi naman natin sinasabi ngayon na gagawin sa atin yan pero pag dating sa usaping national security dapat tignan natin ang lahat ng posibilidad at dapat paranoid tayo. Normal sa paguusap ng national security ang pagiging paranoid dapat tignan natin ang lahat ng posibilidad because anything can happen in the future. Sasabihin natin na hindi naman posibleng mangyari yan o di gagawin sa atin yan pero hindi natin masabi, next year, ten years from now, or twenty years from now--

Q: Yun nga po yung itatanong ko sana kasi sabi ho, after niyo i-raise yung concern sa Senado yung sa national securtity concern, yung teknolohiya present na, nagsalita po ang Chinese government and inaasure nila na hindi nila gagawin yun and si Pangulong Duterte sinabi po niya eh business lang po ito para sa China at andun din ang kanyang kumpyansa na hindi tayo sasabotahin ng China?

SEN WIN: Dalawang tao lang ang pakikinggan ko pagdating sa issue na ito, unang-una ang national security adviser ang papakinggan natin dahil national security concern ito so ibig sabihin sarili natin ang dapat nating pakinggan. Pangawala, ang DOE Secretary dahil sila ang may kinalaman dito sa kuryente at elektrisidad sa pang araw-araw na operasyon. So dalawang tao lang ang pinaka mabigat na boses pagdating sa issue na ito. Una, yung national security adviser natin at DOE Secretary.

Q: So despite that assurance ng China at saka confidence ni Pangulong Duterte, dapat pa rin po ituloy ninyo yung Senate investigation?

SEN WIN: Correct, an pangulo natin ay nakikinig sa national security adviser natin at sa DOE Secretary natin pero other than itong national security natin at DOE Secretary, hindi dapat natin pakinggan yung nasa labas ng issue na ito dahil natural naman na sasabihin nila yun para hindi tayo matakot pero kagaya ng sinabi ko, trabaho ng isang national security group na maging paranoid, tignan lahat ng possibility, tignan lahat ng teknolohiya na ginagamit ngayon, dahil ang teknolohiya ngayon mabilis na nagbabago. Kahapon nga incidentally, nag-attend ako ng isang conference ng electrical engineers at may nakausap ako on the sidelines na talagang posibleng mangyari ito, in fact yan technology na yan ginagamit na sa iba't-ibang parte ng bansa kaya pagdating sa availability ng technology na ganyan meron na talaga. Ngayon ang question is, gagamitin ba against us or hindi, ibang tanong naman yan pero ang importante ngayon gumawa tayo ng mga hakbang para hindi maging banta ito sa ating bansa.

Q: So pano po yun, ano po yung gagawin nating hakbang? Ang situation po ngayon 40% ng NGCP ay pagaari po ng China so may access sila sa lahat ng information, nakakapasok din sila ng mga tao diyan?

SEN WIN: Hanggang 40% yung kanilang ownership dito sa corporation na ito kung ang NGGP ay ine-exercise nila yung majority control nitong korporasyon na ito ibig sabihin ang mga local companies at mga Pilipino ang dapat nag co-control ng company na ito, hanggang ownership lang ang state grid ng China. Ibig sabihin dapat wala silang kinalaman sa day-to-day operations, sa management pwede sila magbigay ng advise pero hindi nila pwedeng galawin yung sistema ng NGCP, ito ay kung malaking kwestyon kung ginagawa nila ito at dito nga dapat pumasok yung tinatawag nating audit, hindi lang management audit, hindi lang financial at legal audit kung hindi technical audit. Importante din na pumapasok yung ating mga engineers para makita ang laman nitong sistema ito--

Q: Papano yun kasi noong hearing tinalakay ito sa budget deliberations, noong tinanong po ba kung na-iinspeksyon ho ba ng national transmission corporation, tama ho ba? ang TRANSCO ang dapat mag inspect or magawa ng technical audit, sabi nila limited yung access nila, hindi nila makita actually kung ano ba, Chinese po ba o ibang nationality yung nag-ooperate ng ating mga linya ng kuryente?

SEN WIN: Nakakabahala yung sagot ng TRANSCO dahil nung sinabi nila na very limited at mababaw lang ang kanilang inspeksyon at audit, nakakabahala dahil pwede kang papasukin ng opisina tignan mo yung pasilidad pero hindi mo makikita yung laman ng sistema nila, yung software, anong ginamit na sa mga transmission line, hindi natin makikita at hindi natin masasbi kung talagang walang banta sa seguridad ang transmission lines natin. Kahapon nga narinig ko yung NGCP iniimbitahan yung mga Senador at mambabatas pero hindi naman kami engineers, kahit pumunta kami doon wala naman sa mga Senador ay engineer, kahit pumunta kami doon, papakita yung office, papakita yung sistema hindi talaga namin malalaman kung talagang may banta o wala. So ang makakasagot lang yan ay yung national security team natin na composed yan ng mga engineers, security experts and even IT experts. Importante din makasama sa auditing mga IT experts dahil ang labanan ngayon ay information technology na rin.

Q: Kailan kayo magpapatawag ng hearing dito sa Senator?

SEN WIN: Nakausap ko kahapon sa sideline si General Esperon ang National Security Adviser natin, as we speak no, kumukuha na sila ng data, pinagaaralan na nila itong sitwasyon na ito at alam niyo ang National Security Council natin ay talagang up-to-date ngayon no pagdating sa modern technology. In fact, gumawa na sila ng mga clusters, isa dito sa cluster na ito ay may kinalaman sa transmission line natin. So ang target sana namin ay second to third week of December pero mag depende pa rin ho yan sa information na makakalap ng ating National Security Council dahil nasabi ko nga kay General Esperon sila ang main actor dito at importante dito na full disclosure at full research yung kanilang ipapamahagi sa komite.

Q: Sir two questions na lang, one is, ano ang trajectory na inyong imbestigasyon ito po ba ay towards the review ng prangkisa sa NGCP at para mawala ang mga Chinese investors dito, sorry ho magiging extreme na ko--

SEN WIN: Dalawang bagay ang magiging objective dito; number one, yung national security concern natin at ano ang ginagawa ng ating pamahalaan para mawala o mabawasan ang banta sa ating seguridad at pangalawa, operational dahil nga ito ay isang concession agreement at may franchise na binigay natin, titignan rin natin kung NGCP ay tumutupad sa concession agreement at tumutupad sa kanyang fanchise. So itong dalawang aspeto titignan natin at ire-review. At the end of the day tayong lahat ay consumers, tayong lahat kumukunsumo ng kuryente. Meron tayong kinalaman dito sa operasyon ng NGCP both from operational side and national security aspect.

Q: May West Philippine Sea tayo tapos iniisip natin na national security yun, noong nagusap tayo sabi niyo gusto niyo i-distansya yun pero andun pa rin ho kasi yung iniisip na may national security concern tayo sa West Philippine Sea tapos may control pala sila sa ating kuryente, pwede tayo i-wire-tap dahil doon sa ating telecom may sosyo din sila, lahat na--

SEN WIN: Kapag sinabi natin na national security, isang aspeto lang ang transmission line, yung pangmalawakan aspeto na ito ay titignan na nila yung buong geo-political, political at iba pang mga concern natin pagdating sa China. So titignan rin nila yung iba pang mga may kinalaman tayo, for example sa trade, investment, titignan din ng national security ngayon yung pagkabuuang relasyon natin. So sigurado akong lalabas yan at mag re-recommend sila kung ito ay high-risk, ito ay low-risk, ito ay medium-risk at ano ba ang ginagawa natin sa mga iba't-ibang mga risk sa hearing natin. So pag sinabi natin national security ang transmission line ay isa lang, titgnan nila ang pangkabuuan at kaya nga nasabi ng ating Pangulo na nag nenegosyo lang ang China dahil titignan niya ang pangkabuuan na aspeto at dito natin pakikinggan ang national security council kung ano ang kanilang pag-aanalisa.

News Latest News Feed