Press Release
December 3, 2019

Transcript of Interview with Sen. Cynthia Villar
by Kabayan Noli De Castro on DZMM Teleradyo regarding Php3 billion budget transferred as cash assistance to farmers

Q: So ang paliwanag niyo, hindi naman inalis yung P3 billion kundi nilitpat lang sa Landbank ganun ba?

Villar: Opo, para ipamigay ng DA na cash assistance sa farmers, hindi na ibibili ng bigas, ibibigay na lang na pera sa mga rice farmers.

Q: Paano Senator?

Villar: Ibibigay na cash assistance sa mga rice farmers.

Q: Ah, pera na?

Villar: Oo, derecho na para sigurado.

Q: Eh papano ang proseso ng pagbibigay ng pera baka naman mamaya kung saan mapunta?

Villar: Hindi po. May listahan sila (DA) ng 600 thousand farmers na merong less than 1 hectare. Ito din po ang bibigyan ng pera sa December ng DA.

Q: Less than 1 hectare na magsasaka?

Villar: Oo. Next year bibigyan uli kasi hanggang maka adjust sila ng liberalization ng importation of rice.

Q: Magkano po yan Senator?

Villar: Lumalabas po 5 libo bawat isang farmer.

Q: Sino po magbibigay?

Villar: Ah, Department of Agriculture po.

Q: Department of Agriculture. Derecho na ho wala ng dadaan na local official?

Villar: Wala na po, derecho. Siguro parang yung CCT natin. Ganun.

Q: Hindi po yan loan, hindi utang?

Villar: Hindi po, cash assistance. Kasi bakit pa ipambibili ibigay ng derecho. Baka hindi pa bumili, sayang. Diba?

Q: Opo.

Villar: Gusto natin maka adjust lang yung mga farmers dito sa liberalization. Talaga naman makaka adjust sila kasi may P10 billion tayong Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) every year for the next 6 years. Kaya lang syempre it will take time for them to adjust. In the meantime magbibigay tayo ng cash assistance sa kanila.

Q: Ilang libo ho yan?

Villar: P3 billion po.

Q: Hinde. Yung magsasaka ilan sila?

Villar: Anim na raan libo po.

Q: Anim na raan libo, madami pala yan.

Villar: Only 1 hectare and below, for 5 thousand pesos.

Q: Buong Pilipinas na ho yan?

Villar: Buong Pilipinas po.

Q: Anong lugar ang pinaka maraming makikinabang?

Villar: Ang biggest rice producing natin is Nueva Ecija and Isabela. But the others are Pangasinan, Ilocos Norte, Tarlac and then Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Iloilo and then North Cotabato, Zamboanga del Sur at Bukidnon.

Q: Ayun pala naman. Kailan ho ito?

Villar: Pagka aprub po ng budget next year, 2020 budget po yan. Pero ngayon pong December mamimigay din sila eh.

Q: Sisimulan na ho?

Villar: Opo. Iba naman budget yun.

Q: Ah, ibang budget yun?

Villar: Yun po yung DOF.

Q: Ah okay.

Villar: So talagang tinutulungan po natin ang rice farmers para maka adjust sila sa liberalization habang nag aaral sila maging competitive through the Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Q: Tsaka hindi pa naipapamahagi yung mga machine. Diba?

Villar: Opo. Ipapamahagi na po, bini BID na.

Q: Bini BID na. Okay pala naman eh.

Villar: Opo. Hindi tayo titigil hanggang hindi natin sila matulungan, magkakasama po tayo.

Q: Nag usap na ho kayo ng House of Representatives?

Villar: Opo. Nag agree na sila kaya lang syempre yung Finance lang ang kausap namin, the rest of the House of Representatives hindi naman, pag uusap na lang sa Finance Committee yan.

Q: Ayun! Okay. Edi ayos na.

Villar: Kaya medyo fake news.

Q: Fake news, na parang inalis ng Senado ang P3 billion.

Villar: Hindi po inalis. Gusto nga namin huwag na ipambili, derecho na ibigay na para wala ng problema talagang mapunta sa farmers sigurado.

Q: Okay. Senator maraming maraming salamat po. Good Morning.

Villar: Maraming salamat, Kabayan. At maraming salamat din sa ating taga pakinig.

News Latest News Feed