Press Release
December 9, 2019

Manifestation of Senator Manuel "Lito" Lapid on the resolutions commending Senator Juan Miguel Zubiri and the Philippine Arnis Team

Sen. Lapid: Salamat po, Mr. President. Nais ko lang pong susugan ang sinabi ng aking mga colleagues na sina Senator Villanueva, lalo na ang aking kasamahan [Senator Zubiri]. Kung natatandaan siguro ano, congressman palang siya [Senator Zubiri] sa Lower House, siya po ang nag-sponsor ng batas na ito [Republic Act No. 9850] at ako naman po sa senado, ako rin ang nag-ano dito. Ten years na po ang nakaraan--December 11, 2009, kaya tamang tama po, sampung taon ang Arnis ay nagkaroon ng gold medal--labing-apat na ginto, apat na silver, dalawang bronze medal. At siguro may bumubulong kanina sa akin dahil ang ginawa kong pelikula ay iyong Kamagong. Sabi nila baka gusto kong gawing Part 2, kasi ang natatandaan po nilang dialogue ko doon ay "Lumipad ka na parang isang ibon, dumapo ka na parang isang dahon na tuyo sa lupa."

Senate President: So have you... Nagamit mo na ba ang Arnis sa pelikula?

Sen. Lapid: Kumita na po ako doon. Tatlo kasi po ang alam kong Arnis dahil nagturo, pero hindi po ako kamukha ng ating Majority Leader Migz Zubiri na lumaban po siya ng Arnis. Ako sa matatandang ano lang po ako, single mutton ang alam ko po, espada y daga at double mutton. Alam mo 'yun? Kaya nga po nakikita ko kanina, iyong mga ginawa niya, ay ginawa ko na rin sa pelikula iyon. Kaya po iyong lahat ng mga nanalo, umasa kayong gagawin natin iyong Kamagong Part 2. Kayo ang bida! Congratulations sa inyo.

News Latest News Feed