Press Release
February 12, 2020

Poll says many Filipinos dissatisfied with K-12; Gatchalian reiterates need for urgent reforms

Almost half of Filipinos are dissatisfied with the K-12 program, revealed by Senator Win Gatchalian, who commissioned Pulse Asia to measure public satisfaction over the program's implementation.

With 1,200 respondent-families nationwide, Gatchalian shared that 47 percent of Filipinos are not satisfied with K-12, 38 percent are satisfied, and 13 percent are neither satisfied nor dissatisfied.

Among those who expressed dissatisfaction with the program, 78 percent said that K-12 is an added cost, 40 percent said a high school diploma is not enough in getting a better job, 40 percent feared that two more years of high school will increase the drop-out rate, 39 percent cited the need for more classrooms and teachers, and 31 percent said that they would opt to have better education rather than just having more education.

They also cited that students cannot work immediately or help their parents at once because of the additional two years in school. Furthermore, they share the view that companies prefer those who have finished college more than those who have only finished high school.

When the K-12 program was enacted into law in 2013, it promised better employability for graduates of the senior high school (SHS) program. A 2018 survey by online portal JobStreet revealed, however, that out of 500 companies, only 24 percent are willing to hire K-12 graduates.

"Kung susuriin natin ang opinyon ng taong bayan, makikita natin na hindi natutupad ng K-12 ang pangako nito. Ngunit hindi ang mismong programa ng K-12 ang may problema kundi ang pagpapatupad nito, kaya mahalagang mabigyan natin ng pansin ang mga repormang kinakailangan upang maiangat natin ang kalidad ng ating edukasyon," said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

According to Gatchalian, the fastest way to improve the K-12 program is to decongest the curriculum. He says that the curriculum currently requires too many competencies, teachers and students found themselves having less time to teach and absorb the lessons. It also prevented students from having sufficient competence in Reading, Writing, and Arithmetic, which leads to continued presence of non-readers in higher grades.

Teachers' readiness should also be given more focus, Gatchalian said, noting that teachers are not adequately equipped with the expertise required in teaching K-12 competencies. Another issue that needs to be addressed is the availability of quality and updated learning materials such as textbooks, Gatchalian added.

Gatchalian recently filed a resolution calling for a Senate inquiry on the implementation of the K-12 program. The inquiry's findings are expected to guide policy recommendations and complementary legislation to ensure that the program meets its objectives.

###

Mga pinoy hindi kuntento sa K-12; mga reporma sa edukasyon isinusulong ni Gatchalian

Maraming mga Pilipino ang hindi kuntento sa pagpapatupad ng programang K-12. Ito ang lumabas sa isang Pulse Asia survey para suriin ang pananaw ng taong bayan sa naturang programa.

Ayon sa mahigit isang libong (1,200) respondents ng isinagawang survey, halos limampung (47) porsyento ng mga Pilipino ang hindi kuntento sa K-12. Halos apatnapung (38) porsyento naman ang nagsasabing kuntento sila, at labintatlong (13) porsyento naman ang hindi sigurado kung kuntento nga ba sila o hindi.

Sa mga nagsabing hindi sila kuntento sa programa, halos walumpung (78) porsyento ang nagsasabing dagdag gastos ang karagdagang dalawang taon sa high school. Apatnapung (40) porsyento naman ang nagsasabing hindi sapat ang high school diploma upang magkaroon ng sapat na trabaho, at mahigit tatlumpung (31) porsyento naman ang nagsasabing mas nais nilang makatanggap ng dekalidad na edukasyon imbes na karagdagang taon ng pag-aaral.

Apatnapung (40) porsyento rin ang nangangambang tataas ang drop-out rate dahil sa K-12, at halos apatnapung (39) porsyento rin ang nagsasabing nangangailangan pa ang mga paaralan ng karagdagang silid-paaralan at guro.

Noong isinabatas ang K-12 taong 2013, ipinangako ng programa na madaling magkakaroon ng trabaho ang mga makakatapos ng senior high school. Ngunit ayon sa isang survey na isinagawa ng JobStreet noong 2018 sa limang-daang (500) kumpanya, wala pang tatlumpung (24) porsyento ang handang tumanggap sa mga nagtapos ng K-12.

"Kung susuriin natin ang opinyong ito ng taong-bayan, makikita natin na hindi natutupad ng K-12 ang pangako nito. Ngunit hindi ang mismong programa ng K-12 ang may problema kundi ang pagpapatupad nito, kaya naman mahalagang mabigyan natin ng pansin ang mga repormang kinakailangan upang maiangat natin ang kalidad ng ating edukasyon," pahayag ni Gatchalian na Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Ayon kay Gatchalian, ang pag-reporma sa curriculum ang pinakamabilis na hakbang upang ayusin ang programang K-12. Dahil sa dami ng kailangang pag-aralan sa ilalim ng curriculum, kulang na ang panahon ng mga guro at mag-aaral upang lubos na maunawaan ang kanilang mga aralin.

Dagdag ni Gatchalian, kailangan ding tutukan ang kakayahan ng mga guro. Ibinahagi ni Gatchalian ang naging karanasan ng mga guro, kung saan hindi sila nabibigyan ng sapat na training para sa K-12. Ani Gatchalian, isa pang isyu na kailangang tutukan ang pagkakaroon ng mga dekalidad at napapanahong mga kagamitan tulad na lamang ng mga textbook.

Kamakailan ay naghain si Gatchalian ng isang resolusyong magpapatawag ng isang pagdinig hinggil sa pagpapatupad ng programang K-12. Anumang resultang makukuha sa pagdinig ay inaasahang gagabay sa anumang polisiya sa sektor ng edukasyon para siguruhing natutupad ang layuning mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang mga mag-aaral.

###

News Latest News Feed