Press Release
February 15, 2020

Gatchalian appeals for solidarity following anti-China sentiments

Discrimination is not right. And Filipinos ought not to be discriminatory. This is what Senator Win Gatchalian stressed in the wake of increasing negative sentiments towards China and the Chinese nationals in this time of the novel coronavirus scare.

Gatchalian, who has always believed that discrimination in the country is very low, reiterates that the Filipino people draw strength from being one of the most diverse in terms of race and nationality.

The lawmaker pointed out that this is the best opportune time to unite and bury our differences towards a common goal - to put an end to this emerging plague.

Since the authorities announced the first case of nCov in the country, many Chinese-looking individuals were ostracized. Cab drivers, for instance, have refused to pick them up.

It's no different in some schools. Adamson University have earlier advised Chinese students to immediately postpone all transactions in the school until they have observed self-quarantine for 14 days. The university later on apologized for such decision.

Even the social networking sites have been bombarded with anti-China (and anti-Chinese) sentiments, with some saying "Chinese should all be banned in the Philippines". Online photos were captured in other countries wherein some restaurants post signs at their doors not to allow Chinese from entering their establishments.

"Nakakalungkot isipin na sa gitna ng isang krisis ay ngayon pa tayo magkakawatak-watak. Ang kailangan natin ay magsama-sama para sugpuin ang tunay na kalaban", said Gatchalian.

"Of paramount concern is the continuing spread of nCov which spares no one, whether the victim is Chinese, Filipino or any other nationality. Let us not allow ourselves to get sidetracked by the culture of hate", Gatchalian pointed out.

Gatchalian says it is not fair for some misinformed people to propagate their anti-China racist sentiments especially that there are a number of legit Chinese business owners here in the country.

Health officials themselves have earlier called for the public to put a stop to the issue of racism, adding it does not help in containing the virus.

"This mounting discrimination against the Chinese is counter-productive. Hence, like the coronavirus, the spread of hate must be contained", Gatchalian ended.

###

Gatchalian nanawagan ng pagkakaisa laban sa diskriminasyon sa gitna ng pangkalusugang krisis

Hindi porke't Chinese, masama na. Hindi porke't nanggaling sa China, hindi na maganda. Ito ang nais liwanagin ni Senador Win Gatchalian sa gitna ng masamang impresyon at diskrimasyon na ibinabato sa mga Chinese lalo na't humaharap sa ngayon, hindi lang ang bansa kundi, ang buong mundo sa isang krisis na dulot ng novel coronavirus.

Naniniwala si Gatchalian na hindi pagiging "Pilipino" ang ugaling "discriminating" lalo na't ang kultura ng Pilipinas ay nakilalang isa sa may pinakamalawak pagdating sa lahi at nasyonalidad.

Ayon sa mambabatas ngayon ang tamang panahon para magkaisa ang bansa tungo sa isang hangaring masugpo ang tunay na kalaban - ang wakasan ang salot na bumabalot sa kalusugan at kaligtasan nating lahat.

Mula nang i-anunsiyo ng mga otoridad ang unang kaso ng novel coronavirus sa bansa, marami na ang kumutya sa mga Chinese na kahit yung mga maayos nilang kapwa Chinese ay nadamay sa pangungutya. Nakakalungkot isipin na may ilang taxi driver na ayaw magsakay kapag nakitang singkit ang pasahero dahil sa pangamba kaagad na baka galing ng Wuhan, Hubei, ang sinasabing pinagmulan ng novel coronavirus.

Sinasabing diskrimasyon din ang ginawa ng Adamson University nang maglabas ito ng memo na huwag munang papasukin ang mga estudyanteng Chinese sa loob ng 14 na raw hangga't hindi pa sila tapos mag self-quarantine. Humingi naman ng paumanhin kalaunan ang eskwelahan sa naging hakbang.

Hindi rin matapos-tapos ang sangkatutak na ibinabatong galit at pangungutya sa mga Chinese sa internet, halimbawa sa social media. Isipin natin na maraming Chinese nationals din ang tumutulong sa ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng ligal na pagnenegosyo at pagbabayad ng buwis.

"Nakakalungkot isipin na sa gitna ng isang krisis ay ngayon pa tayo magkakawatak-watak. Ang kailangan natin ay magsama-sama para sugpuin ang tunay na kalaban," ani Gatchalian.

"Ang tunay na kalaban ay ang patuloy na pagkalat ng virus na mismong mga Chinese rin ay nabibiktima. Lahat tayo ay biktima kaya huwag nating hayaang pangunahan tayo ng pagkalat ng kultura ng galit sa iisang lahi lamang," dagdag pa ng mambabatas.

Mismong Department of Health (DOH) na ang nanawagan sa publiko na hindi makakatulong sa pagpuksa ng virus ang diskriminasyon. Mas mainam pa ani Gatchalian na sundin na lang ang payo ng mga eksperto sa pag-aalaga ng pangangatawan at pagpapanatili ng kalinisan nito para makaiwas sa anumang sakit.

###

News Latest News Feed