Press Release
February 24, 2020

GRACE POE AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT

Question: Ma'am ano 'yung revelations na nakita n'yo dito sa hearing na 'to?

Senator Grace Poe: Sa tingin ko ha, meron tayong mga ibang kasamahan na mga senador na noong umpisa ay nag-aalinlangan tungkol dito sa isyu ng ABS-CBN pero nong narinig nila diretso mula sa kwento ng mga empleyado, 'yung mga benepisyo na nakukuha, medyo nagpapalit na ng isip. Kasi naman noong umpisa pa lang, alam naman na natin na may mga violations talaga, may mga pagkukulang. Pero gaya nga ng sinabi ko, ang isang kumpanya 'pag merong pagkukulang, iba naman ang nagiging parusa, maaaring magmulta pero para sabihin na kanselahin, marami talaga ang apektado. Whether it's 11,000 people, 5,000 people that's still many jobs that will be affected.

Q: Ma'am what's the next move of the committee? What will happen next after this hearing?

Poe: For now, I think we will work closely with the DOJ, sana ang DOJ ay maglabas na ng kanilang desisyon ukol sa interpretasyon nila dito. Pero gaya nga ng sinabi ko, napatunayan na ilang beses, maliit o malaking kumpanya, kapag nakabinbin pa sa Kongreso ang kanilang prangkisa, binibigyan sila ng permit to operate na temporary. Eh 'yun lang naman ang hinihingi natin sa ngayon habang pinag-aaralan nating mabuti ang merito ng kaso ng renewal ng franchise ng ABS-CBN, bigyan natin sila ng pagkakataon na magpatuloy ng kanilang pag-e-air kasi kung hindi kung bigla na lang nating tinigil 'yan talagang maraming apektado.

Q: Naibigay ba ang temporary permit?

Poe: Sabi ng DOJ, at ako ay nagpapasalamat kay Secretary Guevarra, sabi niya in a few days, ilalabas niya ang opinyon ng Department of Justice, pero sinabi ko na 'di ba dati pa sa Smart Communications, sa PT&T, pagdating na rin sa CBCP, lahat 'yan na-extend kahit hindi pa tapos ang pagdinig sa Kongreso.

Q: How certain na magtutuloy-tuloy na hindi na mapipigilan, 'yung operations?

Poe: Walang certain until we have the final decision of the DOJ and even then, it's still can be challenged, but one thing's for sure, at least in this discussion, more of the senators are convinced that if there are violations, and there are, that it doesn't necessary merit a cancellation of the franchise.

Q: What if kinuwestyon ni SolGen pa rin, let say ang joint resolution that Congress comes up with based on DOJ's opinion? Papaano i-kuwestyon pa rin ni Calida 'yung provisional authority based on the opinion of the DOJ, kasi hindi naman siya batas, it's just based on equity and his opinion and your joint resolution kung sakali?

Poe: You know what, Atty. Calida can do what he wants. He can continue to question it. But again, it goes back to the fact that the right to grant and to revoke a franchise, as it is in the law, is with Congress, the House of the Representatives and the Senate. That's in the Article 12, Section 11, that's already been mentioned. And I don't know what laws they can cite to prove otherwise.

Q: Ma'am pagganoon pwedeng ikwestyon o i-contest ng Senate kung ano man 'yung magiging future legal step ni Solen Calida 'pag nagsupercede sa function ng Congress?

Poe: Sa tingin ko naman gagalangin ng Korte Suprema ang paghihiwalay ng kapangyarihan, at lalong-lalo na 'yung prangkisa ay dapat talaga dinedetermina ng House of Representatives at ng Senado.

Q: Kung joint resolution dadaan pa rin kay Pangulong Duterte?

Poe: Joint resolution, ito'y palawigin ang proseso, joint resolution, kung hindi naaprubahan, babalik din ulit. Pwede din namang pagdesisyunan uli, 'di ba? Pero 'yun nga, lahat may pagkukulang , humingi na ng tawad rin ang network sa pagkukulang nila na sana naman ay mabigyan sila ng pagkakataon na itama ito.

Q: Considering you only have seven session days, tingin mo hindi na talaga maipapasa, Malabo na?

Poe: Gaya nga ng sinabi ko minsan may mirakulo din naman sa House of Representatives, na natatapos naman nila kaagad pag talagang priority measure. Normally, mahihirapan tayo lalong-lalo na 'pag isang isyu na pinag-uusapan na ganito dahil mahaba-haba ang debate pero baka naman sakaling mangyari 'yun. At kapag nangyari 'yun, at least, kahit papaano nagkaroon na tayo ng pagdinig dito.

Q: Ano reason an gibinigay ni SolGen bakit wala siya ritom meron bang pinaabot?

Poe: Meron siyang pinaabot na sulat, sinubmit naman natin sa committee 'yun, merong eksplenasyon non. We will also make it public later. Hindi ko na binasa, pero we will show you.

Q: Are you disappointed na wala siya rito?

Poe: Hindi naman kasi wala namang kinalaman 'yung kaso nyo dito sa paghingi natin ng extension ng license to operate para sa ABS-CBN.

Q: Pero issues were discussed, 'yung issues ng quo warranto.

Poe: That's right, but then still those, the resource persons that we had were able to shed light on those questions, with or without the solicitor general present here.

Q: 'Yun ba ang reason bakit hindi siya nagpunta, because of the pending case?

Poe: I only saw the letter this morning, I had no time to read it before the hearing, but it seems to me it's about because he is questioning, because of the sub judice case that he filed, the quo warranto. I think he thought it's best not to come here.

Q: Ano ang mga questions you should be asking from the SolGen kung nandito siya kanina?

Poe: Unang-una, anong basehan niya para sabihin na kanselahin ang prangkisa. Tapos 'yung mga PDRs tinanong naman doon, 'di ba yung foreign ownership, nasagot naman 'yon. Tapos 'yung sa digibox, nasagot din 'yon. Tapos 'yung isa pa pagdating sa, mga ibang sinampa nya. Ano pa ba ang isa doon?

Q: Convergence?

Poe: Sinagot din naman dito sa hearing natin kaya kahit naman nandito siya o ano opinyon lang niya 'yun. Meron din namang opinyon din ang iba.

Q: After today's hearing, 'yung mga na-raised ni SolGen Calida, were answered adequately by ABS-CBN?

Poe: I think so, and kung meron man akong masasabi, 'yung pagiging mapagkumbaba ng mga representante ng ABS-CBN ay appreciated naman ng marami lalung-lalo na dito sa Senado. 'Yung pinagdaraanan nila hindi naman madali pero inaamin naman nila na may pagkukulang sila pero inuulit naman nila na sana mabigyan sila ng pagkakataon na maitama ito at gawing mas mabuti ang kanilang serbisyo.

Q: The gap in the law that Secretary Guevarra na 'pag walang pang aksyon ang Lower House doon sa franchise application, dapat automatic kung anong mangyayari doon sa pendency ng franchise.

Poe: Actually, thanks for reminding me that. That's very important. That's one of the key points raised this hearing. And that's part of in aid of legislation, if there's that gap, so maybe in our next franchise bills, we should include that clause.

Q: Dapat automatic extension without any provisional authority from NTC?

Poe: We'll see, kasi siyempre that will be subject to studies also, but definitely I agree with Secretary Guevarra that there is a gap that we need to fill.

Q: 'Yung concurrent resolution kelan nyo plani i-file and take up sa plenary?

Poe: Pagdating sa concurrent resolution, tingnan natin, kakausapin ko din si Senator Drilon. Kasi kelangan muna naming i-summarize din lahat ng nakalap namin ngayon.

Q: Pwede bang Senate lang 'yung resolution?

Poe: Pagdating sa resolution, pero kung ia-adapt ba ito ng House parang hindi naman kami sigurado doon. Ang malinaw hindi kami pwedeng maglabas ng committee report para sa prangkisa kasi hindi pa siya dito, nasa House pa.

Q: Ano ang desisyon ng committee kung may hearing pa after this one?

Poe: Sa ngayon, para sa nakikita ko, wala pa namang naka-schedule na susunod na pagdinig hangga't hindi pa natin natatanggap 'yung transmission ng House sa bill ng ABS-CBN, pero depende sa magiging opinyon ng DOJ kung magpapatawag pa tayo ng isa pang pagdinig.

Q: Do you think the House will take its cue from your hearing here?

Poe: Well, you know, hindi ko pwedeng pangunahan kasi kung anong gustong gawin, may kortesiya rin naman kami. Naging desisyon namin na ituloy na itong hearing na ito, nasa kanila 'yun, kung itutuloy nila.

Q: Pero si Speaker Cayetano patuloy ang pagkwestyon sa hearing na parang may epal, sipsip...

Poe: Well opinyon nya 'yun, pero sa tingin ko naman mas marami dito sa atin ang mas naliwanagan. Kung 'yun ang opinyon ng iba, hindi mo naman lahat mapapaligaya sa mga ginagawa mo. You can't please everyone.

Q: Clarification, 'yung resolution na gagawin ng komite, eto 'yung parang some sort of an endorsement from DOJ at NTC?

Poe: To respect precedents, other cases in the past where the franchises left for as long as there's one filed in Congress, a bill, we should grant them the opportunity to continue their operations.

Q: Not necessarily hanggang 2022, hindi ito 'yung nature ng resolution ni Senator Frank?

Poe: Until 2022, until the end of the 18th Congress.

News Latest News Feed