Press Release
March 1, 2020

Gatchalian: curbing teenage pregnancy to build on PH gains in women empowerment

As the celebration of the National Women's Month kicks off, Senator Win Gatchalian underscores the need to curb teenage pregnancy for the Philippines to sustain and accelerate gender equality on its milestones.

Gatchalian zeroes in on teenage pregnancy as it is considered a leading factor on why girls drop out of school. According to the Philippine Statistics Authority's (PSA) Annual Poverty Indicators Survey 2017, "marriage or family matters" is the top reason why female out-of-school children and youth aged 6 to 24 are not attending school.

While teenage pregnancies among women aged 15 to 19 decreased from 182,906 in 2017 to 181,717 in 2018, the Commission on Population and Development (POPCOM) sounded the alarm on the spike of pregnancies in the 10 to 14 age group. Between 2011 and 2018, live births delivered by girls in this age group increased from 1,381 to 2,250, a spike of 63 percent. In 2017 alone, the number of pregnancies in the 10 to 14 age group reached almost two thousand (1,985).

"Kung hindi titigil ang mga batang kababaihan sa pag-aaral sa kabila ng maagang pagbubuntis, matutupad nila ang kanilang potensyal na magkaroon ng mahalagang kontribusyon sa ating lipunan. Mahalaga ang papel dito ng comprehensive sexuality education upang mabigyan ng sapat na kaalaman at proteksyon ang ating mga kabataan mula sa maagang pagbubuntis na maaaring epekto rin ng pang-aabuso at karahasan," said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Gatchalian cited different studies on gender equality in the Philippines, noting that a significant drop in the number of teenage pregnancies could close more gender gaps. The World Economic Forum's 2020 Global Gender Gap Report reveals that the Philippines has closed 80 percent of its Economic Participation and Opportunity gender gap, with women outnumbering men in senior and leadership roles, as well as in professional and technical professions.

The same study shows that In secondary education, 71 percent of women compared to 60 percent of men are enrolled. In tertiary education, 57 percent of women are enrolled compared to 43 percent of men who are enrolled.

Gatchalian also cited Thornton International's recently released 'Women in Business' report which showed that among 32 countries, the Philippines has the most number of executives, with 43 percent of Filipino women executives holding senior management positions.

###

Gatchalian nanawagang labanan ang teenage pregnancy ngayong National Women's Month

Sa pagsisimula ng pagdiriwang ng National Women's Month, muling binigyang diin ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahan ng pagpapababa sa mga kaso ng teenage pregnancy sa bansa. Ito ay upang mapatatag ng Pilipinas ang mga nauna na nitong nakamit pagdating sa women empowerment.

Tinukoy ni Gatchalian ang maagang pagbubuntis dahil itinuturing itong pangunahing dahilan kung bakit tumitigil ang mga batang kababaihan sa pag-aaral. Ayon sa Annual Poverty Indicators Survey 2017 ng Philippine Statistics Authority, "marriage and family matters" ang pangunahing dahilan kung bakit ang mga kababaihang out-of-school children and youth na may edad anim (6) hanggang dalawampu't apat (24) ay wala sa paaralan.

Bagama't bumaba ang mga kaso ng teenage pregnancy sa mga kababaihang labing lima (15) hanggang labing-siyam (19) na taong gulang, tumaas naman ang kaso ng maagang pagbubuntis sa mga batang may edad na sampu (10) hanggang labing-apat (14). Mula mahigit isang libo at tatlong daang (1,381) kaso noong 2011, umakyat sa mahigit dalawang libo't dalawang daan (2,250) o mahigit animnapung (63) porsyento ang mga kaso ng maagang pagbubuntis sa age group na ito, ayon sa Commission on Population and Development (POPCOM). Noong 2017 lamang, pumalo sa halos dalawang libo (1,985) ang bilang ng mga pagbubuntis sa naturang age group.

"Kung hindi titigil ang mga batang kababaihan sa pag-aaral sa kabila ng maagang pagbubuntis, matutupad nila ang kanilang potensyal na magkaroon ng mahalagang kontribusyon sa ating lipunan. Mahalaga ang papel dito ng comprehensive sexuality education upang mabigyan ng sapat na kaalaman at proteksyon ang ating mga kabataan mula sa maagang pagbubuntis na maaaring epekto rin ng pang-aabuso at karahasan," ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Ayon kay Gatchalian, lalong aangat ang katayuan ng mga kababaihan sa bansa kung mapipigilan ang pag-akyat ng bilang ng teenage pregnancy. Ibinahagi niya ang mga naging resulta ng Global Gender Gap Report 2020 ng World Economic Forum na nagsasabing naisara ng Pilipinas ang walumpung (80) porsyento ng Economic Participation and Opportunity gender gap nito. Dahil dito, mas maraming mga kababaihan ang mga nasa senior and leadership roles, pati na rin sa mga professional at technical professions.

Ipinakita rin ng naturang pag-aaral na mas maraming mga kababaihan ang nag-aaral kung ihahambing sa mga kalalakihan. Sa high school, mahigit pitumpung (71) porsyento ng mga kababaihan ang naka-enroll kumpara sa animnapung (60) porsyento ng mga kalalakihan. Sa kolehiyo naman, halos animnapung (57) porsyento ng mga kababaihan ang naka-enroll kung ihahambing sa mahigit apatnapung (43) porsyento sa mga kalalakihan.

Ginawa ring halimbawa ni Gatchalian ang kalalabas lamang na ulat na 'Women in Business' ng Thornton International, kung saan ipinakikitang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng mga kababaihang may executive positions. Ayon sa pag-aaral, mahigit apatnapu (43) sa mga kababaihang executive na ito ang nasa senior management positions.

###

News Latest News Feed