Press Release
March 23, 2020

Dispatch from Crame No. 745:
Sen. Leila M. de Lima on the Statement of Certain Officials that
Human Rights and Writ of Habeas Corpus may
be Suspended under the Current Health Crisis

I have this to say to officials who claim that human rights and writ of habeas corpus can now be dispensed with due to health emergency: Respect human rights! Maging ang WHO iyan ang paalala. Please lang, hindi ito panahon para lalong sikilin ang mamamayan.

Noong nanawagan na isara na ang mga paliparan para hindi kumalat ang virus, lalo sa mga flights mula China, binalewala lang. Ngayong kumalat na, bakit naman mga Pilipino na ang gustong alisan ng karapatang pantao at tratuhing kriminal.

Ang kalaban ay virus, hindi mga Pilipino. Bakit sila aarestuhin na parang kriminal dahil sa curfew? Kung nahuli, pauwiin na lang, balaan at paliwanagan maigi. Kung ikukulong, 'di lalong nagkahawa-hawa sa kulungan.

We are not under siege by a foreign military, or under rebellion. We are in a state of health emergency. Kaya please, huwag tratuhing kriminal ang mamamayan!

News Latest News Feed