Press Release
March 23, 2020

Gatchalian wants intensified fake news crackdown, perpetrators behind bars

A pandemic worse as the coronavirus disease (COVID-19) crisis. This is how Senator Win Gatchalian described the persistent spread of disinformation over the Philippines' cyberspace amid a public health emergency.

According to Gatchalian, both the National Bureau of Investigation (NBI) and the Philippine National Police (PNP) should expedite their investigation to track down, sue, and lock up fake newsmongers over the internet who sow panic and confusion in the midst of the COVID-19 crisis. Gatchalian said that putting fake news peddlers behind bars would send a message that those who spread disinformation will not get away it.

The Philippine National Police (PNP) has already warned the public that fake news peddlers could be charged for violating Republic Act 10175 or the Cybercrime Prevention Act of 2012. The law provides for an imprisonment of six to 12 years to those found guilty. A Cebu-based optometrist, for instance, who allegedly spread a false report on COVID-19 was sued for violating Article 154 of the Revised Penal Code in relation to Section 6 and Section 4 (c) 4 of the Cybercrime Prevention Act of 2012.

Another fake news story that recently went viral is an alleged statement from the United States (US) State Department, which warns of potential looting incidents in Luzon during the month-long lockdown period. The US embassy has since debunked the alleged statement as a hoax, reminding the public that the embassy only releases information through its official social media accounts, website, and distribution to local journalists.

"Imbes na makatulong sa pagbabahagi ng sapat at tamang impormasyon ngayong nasa gitna tayo ng krisis, nagiging sanhi pa ng kalituhan at kaguluhan ang mga nagpapakalat ng maling balita. Hangga't wala tayong naipapakulong sa mga nagpapakalat ng mga kasinungalingang ito, patuloy ang mga taong ito sa kanilang paghahasik ng takot at kalituhan sa publiko," said Gatchalian.

Gatchalian added that different scams, including bogus donation drives, could be thriving now that Luzon is in a lockdown. According to him, authorities should also launch a crackdown on individuals or groups behind these activities.

Meanwhile, Gatchalian cautioned the public to be vigilant about the information they receive and share through their different communication platforms. He reminded the public to get information only from official government channels, websites and social media pages of established media institutions and other legit organizations. The lawmaker concluded that the public can do their part by proactively reporting dubious reports to authorities.

###

Gatchalian: mga nagpapakalat ng fake news dapat tugisin

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang National Bureau of Investigation o NBI at ang Philippine National Police o PNP na bilisan ang pagtugis, pag-demanda, at pagpapakulong sa mga nagpapakalat ng fake news. Mas mabilis pa aniya ang pagkalat ng fake news sa internet kaysa sa pagkalat ng sakit na dulot ng coronavirus.

Ayon kay Gatchalian, ang pagpapakulong sa mga taong nagpapakalat ng fake news ay magsisilbing babala para sa mga magdudulot ng takot at kalituhan ngayong nasa gitna ng isang public health emergency ang bansa.

Una nang nagbabala ang PNP sa publiko na ang mga nagpapakalat ng fake news at maling impormasyon ay maaaring kasuhan ng paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012. Sa Cebu, halimbawa, isang optometrist na diumano'y nagpakalat ng isang maling ulat ang kinasuhan ng paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code at ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

Kumalat din kamakailan ang isang diumano'y babala mula sa United States State Department na maaaring umakyat ang mga insidente ng nakawan sa Pilipinas sa kalagitnaan ng lockdown. Itinaggi naman ito ng embahada ng Estados Unidos at ipinaalala sa publiko na anumang pahayag na manggagaling sa kanila ay lumalabas lamang sa kanilang mga opisyal na social media channels, website, at mga ulat na ibinabahagi sa mga mamamahayag.

"Imbes na makatulong sa pagbabahagi ng sapat at tamang impormasyon ngayong nasa gitna tayo ng krisis, nagiging sanhi pa ng kalituhan at kaguluhan ang mga nagpapakalat ng maling balita. Hangga't wala tayong naipapakulong sa mga nagpapakalat ng mga kasinungalingang ito, patuloy ang mga taong ito sa kanilang paghahasik ng takot at kalituhan sa publiko," ayon kay Gatchalian.

Nagbabala din ang mambabatas na dapat maging alerto ang publiko at mga otoridad sa iba't ibang mga scam, pati na ang mga pekeng donation drives na maaaring maging talamak ngayong mahaba-haba ang panahon ng mga taong manatili sa bahay. Ayon sa kanya, dapat tugisin ng mga otoridad ang mga nasa likod nito.

Samantala, hinimok ni Gatchalian ang publiko na maging mapanuri sa mga ulat at impormasyon na kanilang natatanggap. Pinaalalahanan niya ang publiko na kumuha lamang ng impormasyon sa mga opisyal na mga plataporma at pahayagan ng pamahalaan at lehitimong mga organisasyon. Dagdag pa ng senador, maaaring labanan ng publiko ang pagkalat ng fake news sa pamamagitan ng pag-report sa otoridad ng mga maling ulat.

###

News Latest News Feed