Press Release
March 23, 2020

Transcript of Interview of Senate President Vicente C. Sotto III
with Ted Failon of DZMM

On the budget for COVID-19

Q: Ano po ang inaasahan natin ngayon sa special session?

SP Sotto: Inaasahan namin na magiging maliwanag yung mga dapat naming ilagay dito sa bill na pinaguusapan kasi masyadong maraming mga fake news na lumabas at saka maraming hindi lang fake news kungdi mga misinterpretation nung gusto naming mangyari. Simple lang ang bottom line nito. Ang bottom line nito, hindi madali na magpakain. Ang mga LGU, hirap na sa pondo so ang iniisip nga natin, mas mabilis ito imbis na magprepare ka, ibabalot mo, ididistribute mo, pera ang ibigay na natin sa tao. Doon sa mga 18 million families na isang kahig isang tuka, yun ang mga hirap. Yun ang bottom line nito. At saka huwag silang matatakot doon sa emergency power, walang emergency powers doon sa bill, ako ang author eh, ito na yung finile ko. Yung pinaguusapan nilang kopya, draft ng kung sinong abogado. Hindi tama yun, ito ang tama. Walang emergency powers na sinasabi dito. Authority ang sinasabi natin to use the funds available and generally. ang pondong gagamitin, hindi manggagaling sa GAA ng 2020, manggagaling sa mga GOCCs. In other words, off-budget, kaya wala dapat kabahan.

Q: Ito pong mechanics ng distribution ng cash assistance, sino ang sasagot sa katanungan po ninyo diyan para po sa detalyeng ito?

SP Sotto: Yung Department of Finance, DBM, DILG, didiretso sa baba yan to the local government units kasi alam na natin ito, yun din ang kailangan (unclear) ng mga LGUs, by today or tomorrow, kapos na kapos na sila.

Q: Kung baga the details po, bahala na itong DOF para doon sa maayos na pamamahagi ng perang ito at kung paano nila magagasta na hindi sila lumalayo sa mga bahay nila?

SP Sotto: Correct, at saka nilagyan namin ng oversight kaya may oversight ang Congress dito, kaya huwag silang mag-alala, safe na safe ito.

Q: Magkano po ang pinag-uusapan natin?

SP Sotto: Approximately, kasama na ang mga augmentation nila, mga P8,000 per family a month.

Q: Hanggang ilang buwan, ilang araw?

SP Sotto: Dalawang buwan.

News Latest News Feed