Press Release
March 24, 2020

Interview ni Senator Win Gatchalian sa RP1 kasama si Alex Santos ukol sa Bayanihan to Heal as One Act

[start recording]

SEN WIN: Magandang hapon sa ating mga tagapakinig.

Q: Unang-una, kamusta po ang inyong kalusugan, Senator?

SEN WIN: Okay naman. Medyo napuyat lang kahapon dahil tinapos natin ang Bayanihan Act. Mahalagang batas ito na dapat ibigay sa ating Pangulo para magamit niya kaagad ang lahat ng sangay ng pamahalaan. Ang pinakamahalaga ay magamit niya ang pondo na hindi naman ginagamit para sa paglaban dito sa COVID-19.

Q: So far po, nasaan na po tayo sa ginawa niyong special session? Ito po ba ay aprubado na ho? SEN WIN: Aprubado na ito at effective na. Kahapon ay talagang pinilit tapusin na ang Bayanihan Act para po magamit kaagad ng Pangulo. Tandaan natin na binibigyan lang ng ating Pangulo at ng pamahalaan ng 30 days para labanan ang COVID-19. Ang lockdown na ito ay 30 days at within that 30 days, importante na magamit ng ating Pangulo ang lahat ng pondo na pwedeng gamitin at ang kapangyarihan na pwede nyang gamitin para labanan ang COVID-19.

Q: Bukod po doon sa pondo na dapat magamit ng national government, ano pa ho ang mga salient points na dapat pong intindihin ng ating mga kababayan sa inyong ipinasa?

SEN WIN: Gusto ko maintindihan ng ating listeners kung ano po ang inaprubahan nating batas, ang tawag dito ay Bayanihan to Heal as One Act. Ang tawag ko rito ay Bayanihan Act para mas madaling maintindihan. Ang pinakamahalaga dito ay magagamit ng ating Pangulo ang mga ponding hindi ginagamit para gumawa ng mga hakbang para malabanan ang COVID-19. Ito ang pinakamahalaga. Marami ang nagsasabi na may kapangyarihan na ang ating Pangulo, bakit uulitin pa? Pero kung hihimayin mo ang batas, ang pinakamahalaga rito ay ang paggamit ng pondo dahil binigyan siya ng ganyang kapangyarihan, ang ating mga Senador ay may mga suhestyon kung ano po ang ipa-prioritize. One, dapat mapakain natin ang 18 million na mga pamilyang mahihirap dahil sa estimate ng DOF at NEDA, meron tayong 18 million pamilya na matatawag nating nasa mahihirap na sektor. So in-identify natin doon kung saan kukunin ang pondo at ang balak ng gobyerno ay magbigay ng 5,000 up to 8,000 dito sa mga pamilyang ito at ang gagastusin natin dyan ay almost 200 billion in one month. So napakalaking pondo po ang gagamitin. Pangalawa, naglagay ng pondo para bumili ng mga kagamitan katulad ng testing kits, protective equipment and suits, mga masks, at iba pa na pwedeng gamitin ng ating mga health workers at local government unit. So maraming dinagdag. Ito yung dalawang pinakamahalaga na gusto kong matandaan ng ating mga listeners dahil napakahaba po ng debate at diskusyon para masigurado na lahat po ng pangangailangan ng ating mga kababayan at health workers ay mabibigay.

Q: Ang kaigihan naman po dito ay hindi aabusuhin ng national government at ito po ay babantayan ho ng mabuti ng ating Kongreso kung ito po bang pondo ay ginagamit ng tama.

SEN WIN: Dalawa po ang mekanismo para magkaroon ng accountability o pananagutan, Unang-una, may oversight so ang Kongreso ay babantayang mabuti itong pondo at ang executive branch ay mag-rereport sa Kongreso every week kung saan po ginastos ang budget at magbibigay sila ng update. So yun po ang isang check and balance. Pangalawa, limited time lang ito. Ito ay binigay sa Pangulo up to three months at kung kailangan po i-extend, babalik ho sa Kongreso para humingi ho ulit ng extension. So hindi ito panghabambuhay, three months lang ho. Ang gusto nga natin ay matapos ito within one month eh. Wala naman hong may gusto na umabot ito ng more than one month pero para sigurado at hindi pabalik-balik ho, binigyan ho ng three months effectivity ho ito.

Q: Sa inyo pong botohan, bakit hindi po unanimous ang botohan? Bakit marami pa ring ang tumututol sa inyo pong mga kasamahan sa Senado?

SEN WIN: Sa amin, isa lang po ang tumutol at hindi personally, hindi ko alam dahil isa-submit mo sa Senado kung bakit po tumututol pero, as far as I can remember, almost 17 ang bumoto para ho suportahan ito. Ang puno't dulo naman ho nito ay dapat mabilis ang aksyon ng ating Pangulo at meron siyang pondo para umaksyon. Gaya ng sinabi ko, ang kalaban natin dito ay oras eh. Hindi pwedeng pabagal-bagal.

Q: Oho. Ayaw nating matulad sa Italy at America no?

SEN WIN: Correct, marami pong mga bansa ang nakikita nating mas mayaman sa atin, mas progresibo sa atin pero hindi nila nakokontrol ito tulad ng Italy na umabot na ng 40,000. In fact, ang namatay sa kanila ay mas mataas na sa China, so ayaw natin umabot ng ganun. Tayo, habang nasa 500 level pa lang eh dapat labanan na natin kaagad dahil ang kinakatakutan ko kapag ito ay kumalat at dumami hindi na kakayanin ng ating ospital, hindi na rin kakayanin ng ating mga health workers at health professionals at magiging mas mahirap labanan ito kaya habang sumisibol pa, patayin na natin para hindi lumala.

Q: Okay, doon rin po ba sa mga nakapaloob po sa Bayanihan Act, eh nakalagay rin po ba doon, natalakay rin po ba ng mga Senador ho with regards dun sa take-over ng private companies?

SEN WIN: Tinanggal na yun Alex, gusto ko linawin dahil alam ko naging very hot issue yun ang pwede na lang i-takeover ng ating Pangulo; mga ospital at mga events place. For example, may coliseum at kakailanganin natin ng mas marami pang area na paglalagyan po ng may sakit, pwede i-takeover ng ating Pangulo yung isang coliseum o isang ospital. Let's say may isang ospital na hindi nag co-cooperate pero yun lang yung ospital doon, pwede niya i-take over. Importante ang mga kapangyarihan na ito dahil wala na tayong oras sa pakiusapan pa eh. Pag dumating ang punto na kumalat ito hindi na tayo pwedeng makiusap pa at magintay ng sagot. Importante mabilis ang galaw ng ating Pangulo, alam ko yung original version may lulamabas na take-over ng utilities, ng media-wala na ho yun.

Q: Mabuti nalinaw ho diyan, so paano po ito Senator yung inyong version niyo pato version ng Kongreso at lower house papano? Napag-isa na ho yun?

SEN WIN: Nagpapasalamat nga ako sa ating Speaker, kay Speaker Allan Cayetano at mga kaibigan natin sa lower house at pumayag sila na i-adopt ang Senate version so hindi na tayo mag bi-bicam dahil Alex, alam mo naman pag nag bicam matagal na proseso ho yan. Si Speaker Allam Cayetano ay sumang-ayon at in-adopt nila yung Senate version, nakita mo naman maraming importanteng provisions doon.

At gusto ko lang i-share yung aking provision dito sa batas na ito, meron akong kontribusyon sa Bayanihan Act, isang amendment na magbibigay ng 30 days na palugit sa mga utang sa bangko,car loan, housing loan, at kung meron kang utang na ginamit sa pambili mo ng gamit. Marami kasi sa ating mga kababayan, for example umutang sa PAG-IBIG, bumili ng bahay, eh ngayon wala kang trabaho eh, lalo na yung mga 'no-work, no-pay' hindi mo mababayaran yun, baka ma-elite yung condo mo o ma-elite bahay mo. So dahil dito sa lockdown, ang layunin ng aking amendment ay i-mandato ang mga bangko na ipagpaliban muna ang paninigil habang naka lockdown pa rin tayo.

Q: Hindi kaya maiksi ang 30 days po? Senator? Baka pwede pang habaan yun?

SEN WIN: Minimum of 30 days, so pag nakita ng ating Pangulo, let's say, wag naman sanang mangyari to, kung aabutin ang lockdown ng 60 days pwedeng i-extend yan ng ating Pangulo. Depende kung gaano kahaba ang sitwasyon o yung lockdown.

Q: At least, malaking tulong ho yan sa mga wala hong kinikita ngayon, Senator.

SEN WIN: Lalo na ngayon Alex dahil sa panahon ng lockdown hindi sila nakakabayad ng kanilang utang. Baka pagtapos ng lockdown ma-elite na yung kanilang bahay o kanilang mga condominium o sasakyan. Kawawa naman sila kaya dapat sa ganitong panahon bigyan natin sila ng palugit.

Q: Pero meron na ho siguro this Act na ito, itong batas na ito, meron naman hong mga private companies na nagkukusa na rin po Senator no? nagbibigay po ng mga reprieve sa atin pong mga kababayan?

SEN WIN: Meron akong nakuha isang email sa isang bangko, yung Asia United Bank (AUB) at nakita ko sa kanilang announcement na magbibigay sila ng 30-day na palugit or 30-day grace period doon sa mga credit card, or home loans or auto loans. Marami na hong bangko na nagkusang loob na magbigay na ng palugit at tulong sa kanilang- [inaudible]

Q: -Walang Walang kinikita, walang pumapasok-

SEN WIN: Correct, so ibig-sabihin lumalaki utang mo dahil hindi ka din nakakabayad. Marami pong aberya nangyari sa buhay natin dahil sa lockdown na ito; wala tayong kita, hindi tayo makabayad, lumalaki utang natin, at hindi naman ito sa kagustuhan natin, hindi naman natin mapipigilan to kaya sa aking amendment, hinihiling ko dito sa mga bangko at financial institutions na magbigay naman sila ng palugit. Kung kailangan nila ng tulong, gobyerno naman ang tutulong sa kanila.

Q: Siguro pang-huli po Senator, ano po yung mga panawgan ninyo, mga advice na gusto niyo ibigay sa mga kababayan nating nakikinig po?

SEN WIN: Sa akin Alex, isa lang ang advice ko sa ating mga listeners; makinig tayo at makibahagi tayo dito sa lockdown o enhanced community quarantine. Ibig-sabihin magbigay tayo ng cooperation. Wag lalabas ng bahay dahil marami pa ring matitigas ang ulo Alex. Dito sa Valenzuela dami ho kaming nahuhuli tuwing gabi, minsan nag-iinuman pa. kaya sa ating mga kababyan wag na ho tayong lumabas sa ating mga bahay, bigay natin ang ating kooperasyon sa ating lokal na pamahalaan at pamahalaang nasyonal, ito po ay para sa ating kabutihan.

Q: Well said po Senator, maraming salamat po.

[end recording]

News Latest News Feed