Press Release
March 24, 2020

IMEE: HUNGER WILL SPARK DISORDER, VIOLENCE

Senator Imee Marcos has warned that disorder and violence may erupt in Metro Manila if dwindling food supplies now felt in marginalized communities are not immediately addressed.

Marcos called on the National Food Authority to open its warehouses stocked with imported rice, the Bureau of Customs to donate container vans of smuggled frozen fish, and officials of the Ninoy Aquino International Airport to release Covid-19 test kits and face masks for immediate distribution in Metro Manila.

"Wag nang patagalin yan! Gawin nating priority ang Metro Manila. Dapat i-distribute na ang mga bigas na 'yan na nabuburo lang sa mga bodega ng NFA. Huwag na nating hintayin pang magutom ang mga kababayan natin na maaring pagsimulan ng kaguluhan," Marcos said.

Marcos added that Metro Manila mayors with whom she consulted with are ready to designate storage areas for rice coming from the NFA.

"Kawawa talaga ang mga Metro Manila mayors dahil kakarampot lang ang budget nila na nanggagaling sa calamity fund. Paano nila pagkakasyahin ang kakarampot nilang budget sa libu-libong mamamayan na kanilang pakakainin?" Marcos asked.

Frozen fish from the Customs bureau can be donated to the Department of Social Welfare and Development for quick distribution in the metropolis, Marcos added.

"Donate na yan. Asap! At kung gustong makatulong ng Department of Agriculture at Bureau of Fisheries na siyang namamahala sa regulasyon ng importasyon ng isda, maging maluwag sila para makatulong sa taongbayan," Marcos said.

Daily wage earners, the self-employed, and rank-and-file workers whose incomes have been affected by government measures to stop the spread of Covid-19 have lost the means to provide for their daily needs and must receive government aid immediately, Marcos explained. (30)

--------------------------------

Ipamigay tone-toneladang bigas ng NFA at bultong frozen fish sa MICP IMEE: KARAHASAN SISIKLAB DAHIL SA KAGUTUMAN

Nagbabala ngayon si Senator Imee Marcos na malamang na sumiklab ang kaguluhahn o karahasan sa Metro Manila kung hindi kaagad matutugunan ang kakulangan ng supply sa pagkain na ngayon ay unti-unting nararanasan sa mga pamilihan.

Kaugnay nito, nanawagan si Marcos na kaagad ipamigay nang libre ang mga tone-toneladang sakong bigas na nasa mga bodega ng National Food Authority kabilang na ang mga frozen assorted fish sa Bureau of Customs at mga COVID-19 test kits at face mask na nakatengga sa Ninoy Aquino International Airport para pakinabangan ng mga taga Metro Manila.

"Wag nang patagalin yan! Gawin nating priority ang Metro Manila. Dapat i-distribute na ang mga bigas na 'yan na nabuburo lang sa mga bodega ng NFA. Huwag na nating hintayin pang magutom ang mga kababayan natin na maaring pagsimulan ng kaguluhan," pahayag ni Marcos.

Sinabi pa ni Marcos na base sa pakikipag-usap niya sa mga alkade ng Metro Manila, pumayag ang mga ito na sila mismo ang magsa-ayos ng mga bodega na paglalagakan ng mga sakong bigas na manggagaling sa NFA.

"Kawawa talaga ang mga Metro Manila mayors dahil kakarampot lang ang budget nila na nanggagaling sa calamity fund. Paano nila pagkakasyahin ang kakarampot nilang budget sa libu-libong mamamayan na kanilang pakakainin?"pagtatanong ni Marcos.

Ayon pa kay Marcos, maaari namang i-donate na lamang ang assorted frozen fish na nasa BoC sa pamamagitan ng Depatrment of Social Welfare and Development para mabilis itong maipamahagi sa MM.

"Donate na yan. Asap! At kung gustong makatulong ng Department of Agriculture at Bureau of Fisheries na siyang namamahala sa regulasyon ng importasyon ng isda, maging maluwag sila para makatulong sa taongbayan," pahayag ni Marcos.

Nilinaw din ni Marcos na dahil sa epekto ng COVID-19 ang mga arawang manggagawa, mga namamasada at maliit na empleyado na nawalan ng trabaho ay wala na sa ngayong kakayanang makabili ng pang araw-araw na kakainin at kailangan kagyat na tulungan ng pamahalaan.

News Latest News Feed