Press Release
March 26, 2020

STATEMENT OF SEN. FRANCIS PANGILINAN ON COVID-19 CRISIS
Day 2 ng national emergency powers: Padaanin ang mga trak ng pagkain

"Natapos na ang buong magdamag ng national emergency powers. Nananawagan tayo sa mga kinauukulan: Padaain ang mga trak ng pagkain. Bigyan agad ng food pass.

At siguraduhing alam ng front-liner nating mga drayber, pahinante, at mga magsasaka't mangingisda (1) na pwede silang magtrabaho, magtanim, mag-ani, at mamalakaya; at (2) ang mga health protocol (naka-personal protective gear sa pagbiyahe at pakisalamuha sa ibang tao, madalas na paghugas ng mga kamay, at social distancing).

Sa ngayon, ang aming tanggapan ay nakikipag-ugnayan sa DA upang mapabilis ang mga probisyong nakasaad sa naipasang Bayanihan Heal as One Act at sa mga memo na ipinalabas ng DA at DTI na kailangan ng 'unhampered' flow of food cargo.

Sinabi natin nung ipinasa ng Senado ang nasabing batas, aaraw-arawin natin ang IATF para ipatupad ang batas gaya nang inaasahan.

Nasa maayos at mabilis na pagpapatupad ng batas ang susi ng kalusugan at kapakanan nating lahat."

News Latest News Feed