Press Release
April 2, 2020

Interview ni Senator Win Gatchalian sa TV Patrol kasama si Alvin Elchico ukol sa apela para hindi maputulan ng kuryente ang mga konsyumers

[start recording]

ALVIN: walang darating na Meralco bill para sa konsumo sa Marso dahil sa enhance community quarantine. Average ng tatlong buwan lang muna ang babayaran na may palugit pang 30 days. Pero pagkatapos ng quarantine, dalawang buwang konsumo kaagad ang tatambad sa mga konsyumers. Kaya umapela si Senate Energy Committee Chair, Sherwin Gatchalian sa Energy Regulatory Commission na gawan ng paraan, para hindi maputulan ng kuryente ang mga konsyumers.

SEN WIN: Gumawa ng hakbang para hindi ipasa sa konsyumers yung mga nakontrata nila na hindi magagamit. At pangalawa, dahil nga marami sa ating mga kababayan hindi nakakapagtrabaho ngayon, especially yun mga 'no work, no pay', ang panawagan natin as ERC ay gumawa ng hakbang para hindi maputulan yung ating mga kababayan.

ALVIN: Paliwanag ng ERC, tinanggal na ang feed-in tariff allowance na four centavos kada kilowatt hour at ibang pang paraan para mapababa yung singgil. Pero hindi uubra ang panukalang wag nang bayaran ang konsumo ng Marso.

DEVANADERA: Kunyari ang Meralco hindi nangolekta, hindi rin sila magbabayad doon sa mga nag-supply ng kuryente. Yun naman mga nag-supply ng kuryente, meron din silang gastos, yung fuel na kanilang ginagamit sa mga planta nila. So may chain reaction yan kaya yan ay masusi nating sinusuri.

ALVIN: Para malaman ang bill, pwedeng tumawag sa 16211 ng Merlaco. Pwede rin mag bayad gamit ang Meralco app, pero may dagdag na convenience charge.

ZALDARRIAGA: Yung iba kasi are willing to pay the convenience fee para hindi na rin sila maabala pumila o magbayd ng over-the-counter. May option rin naman magbayad over-the-counter. We have payment partners.

[end recording]

News Latest News Feed