Press Release
April 9, 2020

Sen. Leila M. de Lima's Comments on the Briefing of President Duterte with the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) dated 8 April 2020

On Pres. Duterte's statement that he might sell PH assets for COVID-19 relief...

Why is Duterte hinting already of disposing our assets? Exhausted na ba talaga ang available funds, and those that can be reprogrammed within government?

Wala pa tayo sa puntong 'yon. Dapat makumbinse tayo na wala na talagang pera ang gobyerno (in the budgets of 2019 and 2020; funds held ng GOCCs and other agencies, etc.) at mga special purpose funds (e.g. Malampaya, road users' fund, etc.) to begin contemplating the selling of our assets. Saka nasaan na nga ba ang napakalaking intel funds, baka naman pwedeng magamit din ito?

Saka kahit ibenta pa nila lahat ng assets ng gobyerno, kung ganito pa rin kawalang liderato ang gobyerno, wala pa ring mangyayari down the line.

On DWSD Sec. Bautista's claim that the delay in social aid was caused by the lack of list of beneficiaries from LG...

Parang magkasalungat ang impormasyon galing kay DSWD Secretary Bautista at 'yung from the LGUs. Ang sabi sa ground, DSWD ang magulo-may quota system, uses outdated 2015 census, very limited SAC forms (Social Amelioration Card). Parang set up daw sabi ng ilang mayors. Defective from the start sa DSWD kasi wala ngang matinong database.

Balak bang ibaling ang sisi sa mga LGUs, including barangay officials, ang apparently ay kapalpakan na nag-umpisa sa itaas (DOF estimate, DSWD quota system etc.)? Mukhang hindi lang virus ang naiipasa ah - pati responsibilidad.

Pakiayos po Mr. Secretary. Huwag namang pati dito, hugas-kamay pa rin kayo. Nganga pa rin po sa gutom at pangamba ang napakarami nating kababayan.

What measures could the government have done better? Moving forward, what should we do?

Yes, implementing the lockdown appears to be a working solution. Pero hindi na siguro aabot pa sa implementasyon ng "enhanced" community quarantine o almost total lockdown, kung maaga pa lang ay ipinatupad na ni Duterte ang total ban sa mga biyahe mula sa mga apektadong bansa, lalong-lalo na mula China.

Kung sineryoso agad ng administrasyon ni Duterte ang banta ng COVID-19, mas naging maagap pa sana tayo sa paghahanda at pagsagip ng maraming buhay. Hindi yung sasampalin lang daw nya ang virus, at mas inisip pa nila ang mararamdaman ng China kaya late na nagpatupad ng travel ban.

Ang hirap kasi sa mga sinasabi ni Duterte, mas marami ang plano kaysa aksyong kongkreto. Some things maybe moving, but not as fast and as efficient as we want.

Ang pag-asa natin ay ang agarang targeted mass testing sa ating mga komunidad. There's no substitute for mass testing and scaled up facilities for testing, isolation, and treatment. Kailangan ng dagdag na testing facilities, hindi lang quarantine centers.

We badly need the required volume of PPEs, medical supplies and ventilators sa mga healthworkers and hospitals. Suporta rin ang kailangan para sa mga LGU para magampanan nila ang malaking obligasyon na ipinasa sa kanila ng national government. 'Wag yung pinapa-NBI pa ang magagaling nating mayor.

Economic aid distribution na patas para sa lahat. Kahit middle class, basta may significant dip sa income or savings dapat ma-cover. Gutom, bukod sa virus, ang papatay sa atin.

Transparency sa government. Honest reporting ng status natin sa virus containment, aid distribution, procurement of PPEs and medical supplies and equipment. Mahalaga din ang full accounting ng pondo-saan kinuha, magkano, at paano ginamit o ginagamit.

Tatagal pa ito, tataas pa ang mga numero. Hindi natin nakikita ang lakas ng kalaban dahil wala pang mass testing. Sa mass testing, lalabas kung nasaan ang konsentrasyon ng kalaban, ng COVID-19, sa mga komunidad at barangay.

As I said, we need a clearer picture on how we plan to conduct mass testing. I understand from the reports that it will be limited only to the PUMs and PUIs for the meantime. But beyond that, the reports bear nothing substantial on the matter.

Pero bakit nga ba nagpapatumpik-tumpik pa ang gobyerno sa mass testing? Dahil lalabas na baka daang libo na ang infected? Kapag nalaman ng mga tao 'yun, malalaman nila na this government is not in control of the pandemic, at pwedeng maging dahilan ng pagbagsak ng gobyerno ni Duterte, ganon ba? Kaya pinapanatili tayong mangmang sa marahil totoong numero ng infection para patuloy tayong magtiwala sa kanilang kakayahan na bigyang lunas ang contagion na ito. Ayaw nilang malaman ng buong mundo ang kapabayaan nila noong Enero at Pebrero na kulang na lang ay sabitan ng sampaguita ni Duterte ang virus at sabay ibeso-beso habang sinasambit na "Welcome to the Philippines Wuhan Virus. Enjoy your vacation in the Philippines".

Katotohanan - hindi katangahan - ang ating kailangan.

News Latest News Feed