Press Release
May 4, 2020

Sa Totoo Lang interview ni Senator Win Gatchalian kasama si Cheryl Cosim, Jove Francisco at Chiqui Vergal ukol sa pagbubukas ng sesyon at POGO issue

Q: Kamusta po ang first day ng session?

SEN WIN: Well, milestone today at historic dahil this is the first time in our history na nag-teleconference at naaprubahan ang paggamit ng internet at teleconference sa discussion sa plenaryo. Pwede rin kaming mag-virtual hearings. Pwede na kaming mag-virtual plenary debates at virtual hearings. Ang hindi lang papayagan ay ang virtual in-aid of legislation. So we all agreed na kapag in aid of legislation, dapat physical nandoon dahil maraming complications. For example, yung pag-oath ng mga resource persons, hindi naman pwedeng virtual din ang oath.

Q: For the privilege speech po pwedeng virtual?

SEN WIN: Pwede pero ito ay hindi exclusive virtual dahil meron rin kaming plenary dito physically. Ibig sabihin, papasok ang presiding officer, SP Sotto. Siya ang magbubukas at ang Senators kung gusto nilang mag-join physically pwede rin. So parang hybrid siya, meron kang physically na discussion at meron kang virtual plenary discussions.

Q: So kamusta po kanina ang naging agenda niyo?

SEN WIN: I'm very happy na isa sa mga bills na inisponsor natin ay aprubado na by virtual voting. Ito ang Alternative Learning System (ALS) na makakatulong sa mga out of school youth natin na hindi nakapagtapos ng elementarya at high school. Online na ito, tumatakbo na. Ito ang mgiging mode namin until meron pa ring national emergency sa ating bansa.

Q: Bakit wala daw po si Senator Koko Pimentel?

SEN WIN: Andun din sya virtually. Late lang siya but he was there virtually.

Q: Sen yung pong inaasahan na paguuspan, pagbabalik ng POGOs and then the franchise renewal of ABS ay hindi po talaga natalakay?

SEN WIN: Kanina hindi napagusapan dahil ang focus namin kung posible ba itong virtual meetings at virtual hearings dahil nga ito ay bago at first time in history na gagawin yun ang naging focus namin. Kanina, nagkaroon lang kami ng trial sa pagapruba sa Alternative Learning System at nakita namin smooth naman. In fact, as we speak kausap namin mga senate management kung paano gagawin yung virtual hearings dahil nga first time gagawin ito. But in the succeeding days, tomorrow, maguumipsa na yung second day ng virtual plenary discussion namin, magkakaroon ng agenda at posible mapagusapan na yung issues tungkol sa POGO, tungkol sa ABS-CBN at tungkol pa sa covid dahil hindi pa tapos ang usapin natin dito. In fact, humihingi kami ng formal briefing sa executive branch, sa DOH at sa DBM dahil maraming pondong na-realign at gusto natin malaman kung saan kinuha ang mga pondo at sa pupunta.

Q: Na-mention niyo po yung mga magiging agenda at posibleng mapaguspan, kayo po Senator Win ay against po kayo sa pagbubukas ng POGOs? Noong nakausap ko po kasi si spokesperson Harry Roque, ang POGO kasi nasa ilalim ng BPOs at dahil pinapayagan na ang BPO ay papayagan na ang POGOs pero kayo ay against sa pagbubukas?

SEN WIN: Sa akin simple lang naman ang argumento ko dahil nakita natin na ang POGO siksikan mag-operate. Ang gusto natin ngayon ay ma-avoid yung mga ganitong pagsiksikan at pagtitipon ng mga tao, especially dayuhan dahil hindi natin alam kung saan sila nanggaling. Another issue on POGO, ito may kinalaman sa trust or tiwala. Kung ang isang industriya ay hindi nagbabayad ng tamang buwis at itong buwis na ito ay lumalaki, 50 billion na ang utang sa atin eh pano mo sila pagkakatiwalaan na mag-operate ng new normal? na mag-social distancing? Kung kaya nila lokohin ang gobyerno natin ay sigurado ako itong social distancing baka hindi nila sundan dahil ang prayoridad nila ay kumita. In other words, para sa akin kung ikukumpara mo ang pondong kikitain natin sa POGO sa risk ng pagkalat ng virus, mas malaki talaga ang malulugi natin kung kumalat ang virus sa mga POGO. Baka mas malugi pa tayo kung ipapa-operate pa natin sila dahil ang laki na ng lugi natin nang dahil sa covid, umaabot sa 2 trillion pesos ang estimate ng PIDS. Kaya kung titignan niyo, higit na mas malaki yan sa 7 billion na sinasabi nilang kikitain natin sa POGO. So ang dapat nating tignan ngayon ay yung lugi natin at ang pwede pa natin malugi kung kumalat ang virus sa loob ng POGO establishments.

News Latest News Feed