Press Release
May 8, 2020

Gatchalian files resolution seeking inquiry on COVID-19 impact on basic education

Senator Win Gatchalian is seeking a Senate inquiry that would assess the impact of the COVID-19 pandemic on the country's basic education system.

Senate Resolution No. 391, which calls for an inquiry in aid of legislation, aims to guide government response that would mitigate the effects of COVID-19 on schools. The inquiry would also help identify recovery and transition measures that would create a sustainable and resilient education system in time of emergencies.

Classes in all levels at the National Capital Region (NCR) were first suspended from March 10 to March 14 following the first local transmission of COVID-19 in the country. The declaration of a Luzon-wide Enhanced Community Quarantine (ECQ) on March 16, however, led to the early culmination of school year 2019-2020, which forced schools nationwide to dispense with the giving of final examinations.

According to Gatchalian, the COVID-19 pandemic not only interrupted learning for the country's 28,451,212 learners from pre-primary to tertiary levels. The health crisis also aggravated the plight of vulnerable and marginalized learners and the existing disparities within the education system. Gatchalian added that students confined to their homes face other risks such as poor nutrition, mental health problems, and increased exposure to violence and exploitation.

"Hindi lamang natin sisikaping makabangon ang ating sistema ng edukasyon mula sa naging epekto ng COVID-19, kailangan nating patatagin ang kakayahan ng ating mga paaralan na ipagpatuloy ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa panahon ng mga krisis at sakuna," said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

"Higit sa lahat, kailangan din nating ihanda nang maigi ang mga mag-aaral sa tinatawag na new normal na sistema ng edukasyon," he added.

One of the first steps that the Department of Education (DepEd) did to ensure continued learning delivery is the launch of DepEd Commons, an online platform that aims to support alternative learning modalities. While the platform has more than 5 million users to date, DepEd acknowledged that not all learners have internet connection and available devices for online learning.

In developing its Learning Continuity Plan, DepEd eyes the use of other platforms and tools such as radio, television, and printed packets to reach all learners, especially those in the 'Last Mile Schools' or those that have multi-grade classes, with less than ?ve teachers, and a student population of less than 100 learners where most of whom are indigenous people.

Gatchalian emphasized, however, the need to prepare learners, parents, and teachers to accept learning from home as the new norm, noting that these sudden shifts can cause additional stress and confusion.

Gatchalian also acknowledged the need to help private institutions. According to the Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA), an umbrella organization of 2,500 institutions, 409,757 private school teachers and personnel are receiving either reduced or no pay because of school closures. Around 15.5 percent of students enrolled in elementary and high school are enrolled in private schools, according to DepEd.

###

Gatchalian: epekto ng COVID-19 sa sistema ng edukasyon pag-aaralan ng Senado

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Senado na suriin ang epekto ng COVID-19 sa sistema ng edukasyon sa bansa, kasunod ng inihain niyang Senate Resolution No. 391.

Layon ng naturang resolusyon na makapagbalangkas ng solusyon ang gobyerno sa mga problemang kinakaharap ngayon ng sektor ng edukasyon dahil sa pandemya at patatagin ang mga institusyon nito.

Unang sinuspinde ang mga klase sa National Capital Region o NCR noong Marso 10 hanggang Marso 14. Ito ay matapos makumpirma ang unang local transmission ng COVID-19 sa bansa. Noong ideklara ang Enhanced Community Quarantine o ECQ sa Luzon noong Marso 16, maagang tinapos ng mga paaralan sa bansa ang school year 2019-2020. Ipinagpaliban na rin ng mga paaralan ang pagsasagawa ng mga huling pagsusulit.

Ayon kay Gatchalian, hindi lamang naantala ang pag-aaral ng mahigit dalawampu't walong milyong (28,451,212) mag-aaral mula pre-primary hanggang kolehiyo dahil sa COVID-19. Pinalala rin nito aniya ang mga hamong kinakaharap ng sistema ng edukasyon pati na rin ng mga mag-aaral na nangangailangan. Ayon pa sa mambabatas, nanganganib ang mga mag-aaral na naiwan sa kanilang mga tahanan na makaranas ng kakulangan sa nutrisyon, mga problema sa mental health, karahasan, at pang-aabuso.

"Hindi lamang natin sisikaping makabangon ang ating sistema ng edukasyon mula sa naging epekto ng COVID-19, kailangan nating patatagin ang kakayahan ng ating mga paaralan na ipagpatuloy ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa panahon ng mga krisis at sakuna," ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

"Higit sa lahat, kailangan din nating ihanda nang maigi ang mga mag-aaral sa tinatawag na new normal na sistema ng edukasyon," sambit pa ng mambabatas.

Isa sa mga unang hakbang na ginawa ng Department of Education o DepEd upang siguruhin ang pagpapatuloy ng edukasyon ay ang paglunsad sa DepEd Commons, isang online platform para sa distance learning. Bagama't may mahigit limang (5) milyong Pilipino ang naitalang gumagamit nito, inamin ng DepEd na hindi lahat ng estudyante ay may internet o gadget para sa online learning.

Kasalukuyang bumubuo ang DepEd ng Learning Continuity Plan na gagamit ng ibang plataporma tulad ng radyo, telebisyon, at printed packets upang maturuan ang lahat ng mag-aaral sa bansa. Kabilang dito iyong mga nasa 'Last Mile Schools' na madalas ay hindi lalagpas sa lima (5) ang bilang ng mga guro. Madalas ding hindi tataas sa isang daan(100) ang bilang ng mga mag-aaral nito kung saan karamihan ay nabibilang sa mga indigenous peoples.

Ayon pa kay Gatchalian, kailangang sanayin ang mga mag-aaral, mga magulang, at mga guro sa 'learning from home' na sistema dahil ito na ang magiging paraan ng pagtuturo sa ilalim ng 'new normal.' Aniya, kailangan ang pagsasanay na ito upang hindi magdulot ng stress at kalituhan ang mga pagbabagong magaganap.

Kailangan din aniyang bigyan ng tulong ang mga pribadong paaralan. Ayon sa Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA), isang samahan ng mahigit dalawang libong (2,500) pribadong paaralan, mas mababa o wala nang tinatanggap na sahod ang mahigit apat na raang libong (409,757) guro at kawani sa mga pribadong paaralan.

Nasa mga pribadong paaralan ang mahigit labing-limang (15.5) porsyento ng mga mag-aaral sa elementarya at high school sa buong bansa.

###

News Latest News Feed