Press Release
May 8, 2020

Radyo Singko Early, All Ready interview ni Senator Win Gatchalian kasama si Orly Mercado at Cheryl Cosim ukol sa 'learning from home' system

[start recording]

Q: Paliwanag mo samin muna, ano ba itong home-based learning system?

SEN WIN: Ang tawag natin dito Ka Orly, learning from home. If you can work from home you can learn from home. At kahapon po dumalo ako sa isang webinar hosted by World Bank at itong sitwasyon natin ngayon ay nararanasan ng halos lahat ng bansa sa buong mundo at ang ginagamit ngayon ng iba't-ibang bansa ay iba't ibang teknolohiya. Ang preferred na teknolohiya talaga ay ang internet, online pero ang alam natin na less than 40% lang ng population natin ay merong internet access. Even though meron silang mobile pero hindi lahat merong internet access kaya ang isang preferred choice ng mga developing nations katulad natin ay gumamit ng TV at radio. For example nagbigay tayo ng prangkisa sa isang TV station sinasabi doon na pwedeng gamitin ng pamahalaan ang kanilang frequency for public service. In fact meron tayong isang batas, ito yung Children's television Law na 15% ng airtime dapat gamitin sa pagtuturo ng bata. Ang proposal ho natin ay radically i-change yung pagtuturo natin sa panahong ng covid na ito. Bawasan ang number of subjects at yung ibang subjects pwedeng ituro sa radio at TV.

Q: Ano ang magiging focus ng mga subjects para sa mga kabataan?

SEN WIN: Importante yung mga basics natin, tulad ng Math, Science, Reading at English. Ito yung mga pinaka importanteng basics at kung meron pa tayong panahon, dapat ipagpatuloy pa natin yung iba pang mga subjects tulad ng History pero tanggalin na muna yung for example Home Economics at PE. Tanggalin muna natin dahil sa krisis natin ngayon. It will be a hybrid situation Ka Orly dahil importante pa rin ang interaksyon sa pag-aaral. Importante na may interaksyon pa rin ang bata hindi lang ho technology. So kung pwede na silang pumasok, maybe, depending sa situation. Pwede once a week para magkaroon ng interaction pero the rest learn from home na gamit ang TV, Radio at home-based curriculum or learn from home curriculum.

Q: Na-discuss na ho natin to with DepEd? na ganito po yung magiging changes, although, August 24 na po ang pasukan? Will they have enough time especially the teachers para po makapag-adjust kasi hindi lang naman mga estudyante ang maga-adjust, maging mga guro sa klase ng pagtuturo daw nila?

SEN WIN: Magandang tanong yan Cheryl dahil isang malaking adjustment dito ay yung pedagogy or pano mo ituturo ito at mga teachers natin sanay sila sa classroom based na pagtutro pero kung learning from home ibang sistema na naman yan. Sa tingin ko may panahon pa rin tayo ngayon cause we're talking about three months at DepEd naman meron na ho silang set curriculum for online learning ito ay tra-translate lang nila, babawasan lang nila for learn from home system. So may oras naman ho tayo pero gusto ko lang ho banggitin yung nasabing pagbubukas ng klase on August 24. Itong August 24 kung wala hong tinatawag na second wave na mangyayari dahil sa buong mundo ngayon maraming pag-aaral at observation na baka magkaroon ng second wave tulad sa Singapore, tulad sa Korea at kaya importante na may flexibility pa rin sa pagbubukas ng klase at ito yung isang bagay na paguusapan namin sa Senado kung paano natin bibigyan ang Pangulo ng flexibility na iurong po yung pagbubukas ng klase dahil importante na may flexibility at dapat mabilis tayo mag-adjust dahil hindi natin kilala itong virus, itong virus ay talagang bago pa lang kaya kailangan natin bigyan ang pangulo na mag-adjust kaagad kung kakailanganin.

Q: Napakalaki na ng magiging papel ng mga magulang, if we go back to your proposal, ano ba yung mga target? things that have to be submitted also and what is going to be achieved and how can they measure para masabi nating epektibo itong home schooling mechanism?

SEN WIN: Napakaimportante po ng papel ng ating mga magulang natin ngayon dahil ngayon sa ganitong ECQ, almost 100% ng oras ng bata kasama nila yung kanilang magulang kaya kung magagamit natin yung oras na yung sa pagtuturo, kahit na pinaka basic lang, basic Mathematics, basic Reading, pinaka basic lang para po ang bata ay tuloy-tuloy po ang pag-aaral at tuloy-tuloy po nagagamit ang kanilang isip kaya malaki po ang papel ng ating magulang dahil kasama siya sa curriculum.

Q: Inaasahan natin na this can fill in the gap, na hindi natin expected itong covid-19 na ito. Ang laking epekto nito sa ating kalusugan pero malaki ang epekto rin sa pag-aaral ng ating kabataan.

[end recording]

News Latest News Feed