Press Release
May 8, 2020

DZMM interview ni Senator Win Gatchalian kasama si Ricky at Robert ukol sa 'learning from home'

[start recording]

Q: Senator Win, magandang hapon po. Interesting itong finile ninyong resolution, inquiry para matiyak na hindi lang magtuloy-tuloy ang basic education natin kundi matiyak din ang quality education natin.

SEN WIN: Magandang hapon. Nakikita natin na napakalaking epekto ng coronavirus sa ating mga mag-aaral. Noong nag-umpisa ang lockdown at nagkaroon ng problema sa ating bansa, ang unang-unang sinuspinde ay ang klase ng mga mag-aaral natin kaya almost 28 million learners ay hindi nakapasok. 22 million of those ay nasa public school natin kaya ganun karaming mga bata ang naapektuhan nitong coronavirus. Tuloy-tuloy na naapektuhan dahil ngayon ay hindi pa sila pwedeng pumasok this coming June at nagkaroon na ng pahayag ang DepEd na August 24 malamang ang magiging pasukan. Dapat ang pag-aaral ng ating mga mag-aaral ay tuloy-tuloy pa rin kahit na ganitong may virus sa ating bansa pero dapat siguraduhin nating ligtas ang kanilang kalusugan at hindi sila mahahawaan nitong virus. Kaya tayo ay tumawag ng isang inquiry para mapag-usapan ito at malaman kung ano pang mga pamamaraan ng pagtuturo na hindi sila malalagay sa peligro.

Q: What exactly is the end goal of this inquiry? Anong piece of legislation ang naiisip niyo with this inquiry?

SEN WIN: Ang end goal natin ay makapag-aral ang ating mga kabataan. Tuloy-tuloy ang kanilang pag-aaral. Gusto nating malaman kung ano ba ang pinakaangkop na pagtuturo na hindi sila malalagay sa peligro. Dito na papasok ang paggamit ng bagong teknolohiya tulad ng internet. Ako nga minumungkahi kong ibalik ang pagtuturo gamit ang tv at radio dahil ayon sa batas, 15% ng airtime ay dapat ibigay sa pagtuturo sa kabataan. Pwede rin tayong gumamit ng iba pang pamamaraan para masigurado natin na hindi matitigil ang pagtuturo sa ating mga kabataan bagkus ay maging tuloy-tuloy ang kanilang pag-aaral.

Q: Yun bang mga proposal ngayon na pare-pareho nating nababasa Senator na gamitin ang free tv, for example, in the like of the shutdown of the ABS-CBN, possible ba na mailangkap sa free tv ang pagtuturo?

SEN WIN: Maraming bansa ang gumagawa nito ngayon lalo na ang tinatawag nating developing nations katulad natin dahil hindi naman lahat ng bata may internet eh. Less than 40% ng household natin ay may internet at hindi pwedeng internet lang ang gamitin sa pagtuturo sa kabataan. Pero ang tv, halos lahat almost 100% ay may tv ganun din ang radio. Kaya maganda na magkaroon ng curriculum. Importante na curriculum based siya para yung mapanood ng bata magagamit niya sa pag-aaral at yung pag-aaral na yun ay pwedeng gamitin sa pag grado at pwedeng gamitin sa pagtatapos niya doon sa grade level na yun. For example, ikaw ay grade three ang papalabas sa TV ay tungkol sa pag-aaral mo sa grade three at kung natapos mo yung pagnonood nun at pumasa ka sa exam, pwede ka nang umakyat to grade 4.

Q: Senator, doon sa sa resolution niyo malinaw yung agenda, ano yung gusto nating makuha pagkatpos pero initially senator, doon sa proposal nga nabanggit ninyo na sinabi ng DepEd na August 24 na ang pasok ng estudyante pero hindi naman ibig-sabihin na pupunta kaagad sa school. Do you think reasonable enough yung petsa na yun sapagka't may proposal na magfa-fall din naman sa committee ninyo na ma-move to September yung simula ng klase?

SEN WIN: Correct. Dalawang bagay yan Robert, unang-una yung pag sinabi natin na pasukan sa August hindi ibig-sabihin na ang lahat ng bata ay papasok na sa school. Pwede itong online, pwede to sa TV pwede to sa radio at pwede sa iba pang pamamaraan. Importante lang na nagumpisa na yung pagtuturo ng bata. At dito pa ginagawa ng Department of Education, mag pro-propose pa lang sila sa kongreso at senado kung ano ba yung tamang pamaraan ng pagtuturo na hindi malalagay sa peligro at maalagaan pa rin ang kalusugan ng ating kabataan. Ako nakikita ko yung araw-araw na pagpasok ng bata tingin ko hindi pa pwede yan sa ngayon dahil nga marami sa ating eskwelahan ay masikip at alam naman natin pag pasukan at uwian kumpol-kumpol ang magulang sa gate, kumpol-kumpol ang mga estudyante kaya baka magkahawaan. So pwede naman tayong magbukas ng school year pero wala nang physical na pasok, dito natin pwede gamitin yung TV, radio at internet at ang pasukan pwede na lang gawing once a week or pwedeng twice a week para hindi magkumpulan mga estudyante at magulang.

Q: Nabanggit ninyo na gagamit tayo ng radyo, ng TV, siguro bilang nakikinig ang mga magulang, yung effectiveness ng mga mode na to kagaya ng Knowledge Channel ng ABS-CBN, hindi po ba meron tayong curriculum based TV. How effective itong mga to para maging komportable naman yung mga magulang, ay tama yung pagdagdag mode ng teaching ng DepEd?

SEN WIN: Ito ay dedepende sa curriculum na gagawin ng DepEd. ito ay nagawa na na noong unang panahon yung tv based curriculum. Nagawa na ito at ibabalik lang ito at sisiguraduhin natin na yung pagtuturo sa TV ay makakatulong sa pag-aaral ng bata at macre-credit to sa kanyang pag-aaral. So talagang hindi na magiging traditional ang pagtuturo for example magko-concentrate tayo sa mahahalagang subjects tulad ng Math, Science, Reading at babawasan na muna, tatanggalin muna yung mga Home Economics, PE, hindi na tayo makaka-PE ngayon kaya magko-contentrate muna tayo sa pinakamahahalagang subjects para tuloy-tuloy pa rin ang pag-aaral ng bata.

Q: Babantayan natin yung results, hindi lang to interesting, lubhang napakahalaga dahil alam natin ang edukasyon, ang pag-aaral sa classroom ay napakalaking hamon na haharapin ho ng bansa natin sa new normal senator. Thank you po.

SEN WIN: Salamat Ricky at Robert.

[end recording]

News Latest News Feed