Press Release
May 9, 2020

DZRH interview ni Senator Win Gatchalian kasama si Cesar Chavez ukol sa pag-lift ng ECQ

[start recording]

Q: Magandang umaga po Senator Win Gatchalian. Anong naging pakiramdam ho ninyo nang nabasa niyo ang statement ni Secretary Ano na ang Valenzuela ang unang madedeklarang GCQ? Wala pang finality pero may ganun nang pahiwatig.

SEN WIN: Unang-una, lumuwag ang aming dibdib dahil alam namin na marami kaming mga kababayan na hirap na hirap sa lockdown dahil hindi sila nakakapasok sa kanilang trabaho, wala silang kita at higit sa lahat wala silang pera pambili ng kanilang mga kailangan. Umiikot ako dito sa aming lungsod para makita ang sitwasyon ng ating mga kababayan dito at talagang marami ang naghihirap dahil ultimong pambili ng gamot ay wala ho silang pambili. Yung kanilang pagda-dialysis at pagpunta sa hospital ng regular ay hindi nakakapunta dahil walang transportasyon. Ang tanong kung itutuloy ito o hindi, sana hindi kung ako ang tatanungin dahil marami ang nahihirapan pero ito ay hindi masasagot ng sentimyento lamang. Ito masasagot lang kung may data at pag-aaral, pananaliksik at matinding pag-aanalisa kung itong virus ba ay bumababa na o hindi. Mahirap magdesisyon base sa nararamdaman natin dahil itong kalaban natin ay isang virus na dapat pag-aralang mabuti at gumamit ng sayentipiko upang malaman kung mag-eecq pa ba o hindi.

Q: Very inspiring ang statement ni Secretary Ano na posibleng maunang magdeklara ng GCQ sa Valenzuela sapagkat nagpakita ng maganda ang medical support at cooperation ng taong bayan. Disiplinado. Kung sakaling mag-GCQ ang Valenzuela, marami nang mga pabrika at kompanya ang magbubukas. Papaano ang mga nagtatrabaho sa Valenzuela na manggagaling outside Valenzuela?

SEN WIN: Napakagandang tanong yan. Unang-una, si Secretary Ano tumitingin ho yan ng data. Sa tingin ko nasabi nya yan base sa pag-aanalisa namin ng mga kaso dito, bumabagal ang pagdami ng kaso namin at yung transmission rate ay mababa ho sa Valenzuela, below one. Pangalawa, ang testing capacity ho namin ay tuloy-tuloy ho naming pinapataas. Ngayon ho ay kaya naming magtesting ng halos 200 patients/day. Kung titingnan ho natin ang pagdami ng cases sa Valenzuela, kaya ho naming i-test yan ng isang araw. Kaya itong dalawang bagay, kaya nasabi ni Secretary Ano na baka pwedeng ilagay kami sa GCQ. Pangalawa, kahit nasa GCQ kami, marami ho kaming mga negosyante na nakatira ho sa Greenhills, Quezon City, Caloocan at marami kaming mga kababayan na nagtatrabaho sa Makati, Ortigas at Caloocan. Kaya kahit buksan ho kami at gawing GCQ, yung aming lokal na ekonomiya ay makikinabang doon, yung malilit na negosyo gaya ng salon, barbero, carwash pero yung karamihan ng aming mga kababayan ay hindi pa rin po makakapasok sa mga naka-ECQ pa rin. Kaya kumbaga maliit na sektor lang ng aming syudad ang makikinabang pero ang karamihan ay hindi pa rin po.

Q: Mamaya, posibleng hingan ng inputs ang lahat ng alkalde sa Metro Manila. Ano ba ang emerging policy environment pagkatapos ng 101 days na matuklasan na may COVID positive case sa Cebu? Ano dapat ang magiging emerging policy natin? Buhay, kabuhayan papaano po ito? How do we open up the economy? I'm sure nabasa niyo yung executive order 112. I'm sure nakita niyo yung omnibus guidelines 15 pages related literature, are you happy sa timeline ng gobyerno sa pagbubukas ng ekonomiya natin sapagka't hindi lang naman buhay ito eh, pati na kabuhayan may kinalaman sa buhay natin sapagka't maraming nagsasabi na mas maraming mamatay sa gutom hindi sa covid?

SEN WIN: Cesar, mahirap talaga ito sa ating mga kababayan dahil nga marami ay kumikita ng pang araw-araw at ang kinikita nila pinangbibili po nila yan ng gamot at pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan at dahil naputol ho yung kita nila. Kahit na nagbibigay ng food packs ang Valenzuela at ibang siyudad, hindi sustainable yan talagang pantawid lang yan. Ang pantawid hindi pwedeng pangmatagalan, ang pantawid, isang buwan mahabang-mahaba na po yan. Ang sagot ko ho diyan dapat ngayon pa lang, lambing pintong LGU's ng Metro Manila ay gumagawa na po ng kanya-kanyang new normal ordinance. Huwag na natin intayin i-lift yung ECQ tsaka tayo gagawa ng ordinansa dapat ngayon pa lang may ordinansa na. Kaya ho nagpapasalamat ako sa aming vice mayor at mga konsehal, isang linggo na ho silang nagbubuo ng new normal ordinance. Ano ba itong new normal ordinance? For example, pinagbabawalan pa rin yung pagtitipon, yung mga mass gathering. Bawal pa rin ho pumunta sa mga parke ho natin. Bawal pa rin mag organize ng malalaking meeting at conferences o mga birthdays. At pag pupunta ka sa mga grocery, dapat mag practice ng social distancing. Lahat ng ito'y lalagay sa ordinansa. Assuming on May 15 or May 16 magbubukas ang ekonomiya dapat nakahanda na yung ordinansa na yan at papatupad na lang po ng LGUs. So yun po ang napakahalaga sa siyudad dahil ilan araw na lang Cesar eh, kaya dapat itong mga LGU's ay meron nang ordinansa, hindi ka pwedeng mag ordinansa pag nakabukas na. Dapat malinaw na sa PUVs at mga establisyimento kung ano ang gagawin nila.

Q: Imagine Senator Win, I'll cite some examples, ang Europe, isa sa natodo pagdating sa covid crisis pero noong May 4, yung Italy nagbukas na ng kanilang construction at kanilang manufacturing. Ang kanilang restaurants to open on a limited capacity. Ang Spain, nagbukas na ang Spain noong May 2. People were already allowed to go out and exercise, hairdressers yung mga ganun, bukas na yung ibang mga factory. Germany nagbukas noong April 20 ang kanilang ekonomiya. At New Zealand of course April 28 nagbukas na ang ekonomiya. In other words meron nang mga example ng ibang bansa na tinamaan, except New Zealand nang todo todo ng covid pero nagbubukas na ng ekonomiya. Dito sa ating bansa, ano ang tingin ninyo? Kelan tayo dapat official magbukas? do we wait?

SEN WIN: Yung mga bansang nabanggit mo, malakas ang loob nila magbukas dahil meron silang testing capacity. Alam nila na kahit na pumutok to ulit, mabilis ho sila mag-test. Nag lockdown sila noong una dahil wala pa silang testing capacity kumbaga nangangapa pa, kumbaga kung alam mong may sakit pero hindi mo naman mahanap, talagang mangangapa ka talaga. Pero over the course of their crisis nakapag-develop po sila ng testing capacity kaya noong humupa na malakas yung loob nila tanggalin yung lockdown dahil meron na silang testing capacity at kaya na nila hanapin yung may sakit. Hindi ibig-sabihin nagtanggal sila ng lockdown wala na silang virus ah, may virus pa rin doon, may cases pa rin doon pahupa lang. Ngayon dito sa atin ang tanong meron ba tayong testing capacity? Tinitignan ko yung datos kahapon Cesar, ang target ho ng ating bansa by May 15 dapat meron na tayong hindi baba ng 21,000 testing capacity per day. Sa ngayon ho tinignan ko po noong Biyernes nasa 7,000 ho tayo, so one third pa lang ang testing capacity natin. Ngayon, alam ko maraming tinatayong laboratory, narinig ko sa IATF. Pag umabot ho tayo ng May 15 kahit na kalahati lang ng 21,000, kahit na 10,000 lang tingin ko maglalakas loob ako buksan ang ating ekonomiya para makapagtrabaho na. ang key ho dito Cesar is yung testing capacity yun talaga yung pinakaimportante kaya nga doon sa Bayanihan Act na ipinasa ng kongreso at senado, nakasulat ho doon na bigyan natin ng kapangyarihan ang executive na bumili ng maraming laboratoryo at magtayo ng testing facilites.

Q: Very nice Senator Win importante sa lahat testing kaya malakas ang loob ng Spain, malakas ng Italy, malakas ang loob ng Germany first week ng May last week of May basta't may testing capacity ang sinabi ninyo meron pa rin silang virus doon pero alam nila in response kayang-kaya.

SEN WIN: Correct. Ang sitwasyon nila sa atin hindi po ganun kalayo sa pagkalat ng virus. In fact mas malala nga doon eh more than 150,000 on an average na yun. Pero ang kaibahaan nila sa atin meron silang mga testing facility na nakakalat sa buong bansa nila. Tayo ho nasabi mo kanina sa Cebu ito ay nagiging epicenter ng pagkalat ng virus pero ang kanilang laboratoryo ay iisa lang sa Vicente Santos Hospital. So paano natin pupuksain ang virus sa Cebu kung alam natin na pila-pila ang testing doon. Ang punto ho dito Cesar is dapat may laboratories na tayo at ang gobyerno na mismo ang dapat magpatayo ng mga laboratoryo, kung kailangan bilihin lahat ng laboratoryo, gawin na ho yun dahil ang kalaban natin dito ay oras.

[end recording]

News Latest News Feed