Press Release
May 11, 2020

SPONSORSHIP SPEECH OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON SENATE RESOLUTION NUMBER 395

Mr. President, dear colleagues.

Karangalan ko po ngayong araw na isponsor sa Mataas na Kapulungan ang Senate Resolution Number 395. Nagpapasalamat po ako sa mga kasama kong Senador na umakda ng Resolusyon na ito at nakiisa sa panawagan na himukin ang National Telecommunications Corporation na iatras ang Cease and Desist Order laban sa ABS-CBN at ang kanyang mga subsidiaries at affiliates.

Hahayaan ko na po sa korte ang mga legal na usapin hinggil sa pagpapatuloy ng operasyon ng ABS-CBN. I do not want to preempt the courts, or even the Lower House which is currently deliberating on the network's franchise bill.

But there is a specific message I want to express today. We are in the middle of an unprecedented pandemic. Libo-libo ang nasasawi dahil sa isang virus na kahit ang health experts ay hindi pa lubusang nauunawaan. Milyon-milyon ang naggugutom. Milyon-milyon ang nawawalan ng trabaho at wala pang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw o linggo. Kaalaman ang pinakamahalaga nating sandata upang labanan ito. Access to accurate and up-to-date information is absolutely crucial in ensuring that the public is a partner in health-enhancing community measures.

Marami ang nagsasabing may kakayahan naman ang ABS-CBN na makapagbroadcast sa internet. Oo, tama yun. Pero maraming Pinoy pa rin ang walang access o maayos na koneksyon sa internet. Marami ang naka-free data at walang pambili ng load para makapanood sa YouTube o Facebook live. Walang smartphone, laptop, or tablet. Marami pa rin ang walang kakayahang magsubscribe sa cable at matali sa buwan-buwang pagbabayad. Sa mga liblib na lugar ng ating bansa, tanging radyo at telebisyon lang ang mapagkukuhanan ng impormasyon ng ating mga kababayan. Cutting off this source of information is ill-timed at best, dangerous at worst.

Hindi lang mahalaga na may access sa impormasyon. Mahalaga na ang impormasyong ito ay dumadaloy mula sa lawa ng malayang pamamahayag. A free press holds public officials accountable and helps ensure transparency in government processes. Napakaimportante nito lalo na ngayong mabilisan ang mga desisyon at literal na buhay ang nakataya. A free press also corrects disinformation and misinformation na laganap ngayon. Fake news is best fought in the marketplace of ideas, where access to information is not restricted and the public is given the right to choose its best source of information. Hindi ba't sa mga panahong ito mas kailangan ng gobyerno ng katuwang upang labanan ang fake news? Bakit ngayon pa ito ipasasara?

Sa gitna ng pandemiya, pilit na ipinasasara ang institusyong nagbibigay ng mahalagang impormasyon tungkol sa COVID-19, pero ang mga POGO, pilit na ginagawan ng paraan para makapagbukas ulit kahit na hindi naman kabilang sa 'essential' industries, hindi nagbabayad ng tamang buwis, itinatwa ng IT and Business Process Association of the Philippines na kabilang sila sa BPO industry at puro krimen ang dala dito sa bansa. Talaga nga namang 'kapag may gusto may paraan, kapag ayaw, napakaraming dahilan'.

Ako po ay naniniwala na ang mga batayang prinsipyong ito - access to information, malayang pamamahayag - ay hindi lang mahalaga sa panahon ng pandemya, ito ay haligi ng isang matibay na demokrasya.

Kaisa ng libo-libong empleyado ng ABS-CBN na nangangambang mawalan ng trabaho sa gitna ng napipintong krisis pang-ekonomiya, at ng milyon-milyong Pilipinong naging bahagi na ng buhay ang ABS-CBN, isinusulong ko ang resolusyon na ito.

Maraming Salamat po.

Please check against delivery

News Latest News Feed