Press Release
May 13, 2020

GRACE POE's INTERVIEW TRANSCRIPT
dzMM Failon Ngayon with Ted Failon

Ted Failon: Ang chairperson po ng committee on public services, Senator Grace, good morning po, Ma'am.

Sen. Grace Poe: Good morning Manong Ted at sa mga nakikinig.

ON TRANSPORT SECTOR

Failon: Opo, thank you po sa panahon niyo, Ma'am Senator. Ma'am, nagkaroon po kayo ng virtual hearing kamakailan po lamang, I think Monday po ba 'yun, at nagkaroon ho ng presentation ang ibang nasa transport sector, ano ho, land tapos air. Gusto ko lang po kunin ang inyong reaksyon doon sa panukala ho ng samahan po nitong mga air carriers sa Pilipinas na humihingi nga po sana ng subsidy sa pamahalaan para ho ma-sustain iyong kanilang operasyon at hindi sila magsarado. Ang pinag-uusapan po dito Madam Senator, about P8.6 billion pesos na buwanang ayuda, ano ho ang take ng, kayo ho mismo Ma'am ano ang pananaw niyo dito?

Poe: Well, importante talaga ang sector ng aviation. Alam natin maraming mga nakadepende diyan na trabaho at saka importante sa ating tourism at sa mga iba't ibang industriya pero siyempre inuuna muna natin 'yung mga talagang pinakanangangailangan, mga daily wage earners na nawalan ng trabaho, kasama diyan ang mga drayber ng public utility vehicles natin, na 'nung nagkaroon ng ECQ, siyempre walang pasada. Ngayon, meron namang nagklaro na miyembro ng industriya ng airline, na nagsabi sa akin na hindi naman daw sila humihingi ng diretsong bailout na pera na P8 billion plus, ang gusto naman nila ay medyo konting konsiderasyon dun sa ibinabayad din nila sa gobyerno. Halimbawa, 'yung mga fees nila sa airport or sa CAAP or mga iba't ibang mga bagay na kailangan nila sa gobyerno. Tapos siyempre hindi nakakapagbiyahe ngayon, so marami silang kailangang bigyan ng refund. Sa ibang pagkakataon baka payagan sila na imbes ibalik ang refund sa mga pasahero na hindi nakabiyahe, baka pwede namang voucher, travel vouchers, para pwedeng gamiting muli sa ibang pagkakataon 'pag nag-ease na 'yung restriction. Kasi ang sinasabi nga nila marami ring mga nakadepende sa kanilang industriya at mga empleyado; totoo 'yan, parang 500,000 employees, marami rin 'yun. So kung maibibigay 'yan ng gobyerno, 'yung mga exemptions na 'yan at saka credit line, pautangin daw sila para makapag-umpisa sila ng kanilang mga trabaho muli sa mga darating na linggo or buwan ay makakatulong 'yun. Kasi siyempre sa mga private banks, mahirap siguro ngayon magpautang sa mga airline industry kasi masyadong risky o delikado so baka naman ang gobyerno mismo pwedeng mag-extend ng credit line. So 'yun 'yung kabuuan ng hinihingi pala nilang bailout na hindi nila na-explain ng tama doon sa aming pagdinig. Pero balik tayo sa aking talagang itinutulak, 'yun 'yung mga drivers ng jeep, drivers ng bus, ng iba pang mga public utility vehicles na hanggang ngayon hindi pa nakakatanggap ng ayuda. Alam mo ang listahan na ibinigay ng LTFRB, noong umpisa ay lagpas 300,000 drivers sa buong Pilipinas, kaya lamang noong dumating ang listahang ito sa DSWD; ang DSWD tinapyas ito at 90,000 na lang ang pinalusot o pinayagan. At ang dahilan dito ay dahil 'yung iba daw ay nakakatanggap na ng ibang ayuda mula sa gobyerno, siguro yung conditional cash transfer, so ito 90,000. Pero doon pa sa 90,000 na iyon, magdadalawang buwan na tayong ECQ, parang 45,000 pa lang ang nakakatanggap. Mismong si Chairman Delgra nga ang nagsabi na napakatagal talaga ng prosesong pinagdaraanan nila.

Failon: So Ma'am papaano ho kaya 'yun, ano ho ang magagawa ng inyong komite para ang proseso ho ay bumilis bilis, kasi nga 'yun din ho ang reklamo ng ating mga nakapanayam, sila Ka-Obet Martin, ang kanilang sektor nga, sila ho naman ay organisado kadalasan pero bakit ho ang tagal nga maiparating sa kanila 'yung tulong pinansyal po na nanggagaling nga sa DOTr, LTFRB?

Poe: 'Yun nga 'yung problema dahil 'yung mga listahan natin hindi nagkakatugma-tugma. Una nga, ang una kong reaskyon dito, hayaan na nating magdoble-doble ang bigay sa iba, kaysa naman hindi mabigyan ang marami. Pero ano ang pwedeng gawin ng komite natin? Siyempre, nasa ehekutibo 'yan. Sila talaga ang gumagawa ng regulasyon kung papaano nila ipinapamahagi at kung papaano nila tsinetsek 'yung kanilang mga recipients at listahan. Next week, meron kaming briefing, actually itong Thursday na ito, may briefing with the economic managers para malaman natin 'yung mga namamahala ng pera sa ating bayan, kung papaano pa nila mapapadali ang pamamahagi. At ang alam ko ang proposal ng DOTr ay magkaroon ng fuel subsidy doon sa mga drivers naman na namamasada dahil 50% lang ang pwedeng capacity nila sa ating bagong patakaran para walang maghawahan. So, fuel subsidy na mga P1,000 plus a day para sa mga bus at about P300 something para sa jeep. Okay 'yun sa mga namamasada. 'Yung mga hindi papayagan pang mamasada sa GCQ, isa pa 'yan, dapat nating malaman kung papaano ang ating magagawa sapagkat hindi ako magdudunung-dunungan dito, ito talaga ay proseso. Pupunta pa sa DSWD, babalik sa LTFRB; LTFRB, itatapon naman at ipapasa pa sa Land Bank. Baka naman pwedeng ang LTFRB na lang at ang sabi ko nga Manong, papaano kaya kukunin ng drivers ang pera? Pipila ba sila? Sabi ko baka naman pwedeng sa mga organisasyon mag-submit ng mga pangalan at pareho na rin sa mga account numbers at kung pwede direct deposit na sa mga account nila, kung may accounts sila.

Failon: Opo, opo, sige po Ma'am. And siguro nga makakatulong sa inyong briefing tomorrow Madam 'yun pong pampitong report mismo po ng Pangulong Duterte sa inyo, sa oversight po ninyo at dito po sa pahinang ito binabanggit, ang percentage pa lamang na na-accomplish po para sa tulong sa mga PUVs at TNVS ay 45%. Fyi Ma'am, 45% pa lang, inaamin nila nga doon palang po ang percentage ng kanilang accomplishment. Ma'am, bago po ang ilang paksa, nag-present din sa inyo Ma'am 'yun pong grupo ng Move as One Coalition, may binabanggit po sila Ma'am sa akin pong mga unang pagsulyap dito po sa kanilang presentasyon. 'Yung cost na dapat pong akuin ng gobyerno at saka 'yung benefit naman po nito. Example po, kung saka-sakali po na magkakaroon tayo ng GCQ, magbubukas na sa halip po na magkaroon tayo ng mga transportasyon po na malamang po lugi nga ang mga bus company o UV express, kasi nga 50% po lamang ang mga pasahero po nila. Sabi nila mas maganda na ang gobyerno ang mag-engage, umupa ng 3,000 bus, 15,000 mga other PUVs; for 6 months P30 billion ito. Wala nang pamasahe kumbaga, meron nang tulong dun sa operator; pero ang benefit naman nito ay 'yung mas maayos na transportasyon sa mga manggagawa, etc., Ma'am, marami po ito, pati 'yung pagkakaroon natin ng mga bicycle infrastructure, mga walking lanes, at ilan pa hong mga kinakailangan, what do you think, Ma'am?

Poe: Ako sa tingin ko, mabuti itong kanilang proposal sapagkat tama nga 'yun kung ang gobyerno na ang uupa mismo, ito sa una nilang ehemplo. Kung ang gobyerno na mismo ang uupa dito sa mga bus at mga PUVs, unang-una merong siguradong kikitain ang mga drivers. Pangalawa, maiimplementa ng gobyerno ang social distancing dahil hindi kailangang punuin, walang quota o boundary na kailangan. Tapos 'yung sinasabi nila na mga walking and cycling lanes, parang matatapos 'yan within, siguro a few months, P10 billion. Tapos 'yung bus stops, alam naman natin ang problema kung saan titigil 'yung mga kumukuha ng pasahero, at diyan nagkakagulo. At tandaan natin kung 50% lang ang pwedeng ipasok sa isang sasakyan, ng bus o jeep; mag-uunahan ang mga tao, lalung-lalo na sa MRT at LRT, 30% lang ang pwedeng pumasok. So dapat talaga ang mga terminals maayos, na mayroong nagbabantay at mayroong nag-iimplementa ng pagkakadistansya ng ating mga kababayan. Ngayon, ang tanong sa P110 billion, malaking pera 'yan kung iisipin natin, pero ang balik nga, kagaya ng sinabi niyo ay about P150 billion sapagkat maraming matitipid na oras ang ating mga kababayan. Dahil mas, sabi nila, giginhawa nga ang pagbibiyahe, tipid sa gasolina at kung anu-ano pa. Saan kukunin ang pera na 'yan? Ang pera na 'yan ay, sabi ng DBM diumano, meron silang P700 billion na pwedeng pagkuhanan nito. Saan galing ang P700 billion na ito. Ito'y galing sa mga hindi nagasta 'nung 2019 at pwedeng i-reallocate para sa mga bagay na kailangan natin ngayong meron tayong pandemya. At 'yung 'yung mga pwede ring, 'dun sa mga special projects ng Executive, 'dun pwedeng kunin din 'yung mga hindi rin nagsata pa na pwedeng gamitin. Meron ding mga GOCC or government owned and controlled corporations na kumikita, 'dun sa kanilang mga kinikita pwedeng iambag muna nila ito dito sa ating inisyatibo dahil sa quarantine. So, P700 billion 'yan. So, kung P110 billion ito pwede namang kunin doon. At 'yung mga ibang programa pa ng gobyerno para sa DSWD, 'yung mga hindi pa nakakatanggap ng ayuda, 'yun namang mga sa Department of Labor and Employment na naubos na 'yung kanilang pera sa TUPAD Project, pwede din sigurong punuan itong realignment na ito.

Failon: Okay, sige po Ma'am, so at least meron kayong naiisip na na posibleng pagkuhanan ng pera kung i-aabsorb nga ng gobyerno itong proposal na ito. So Ma'am bukas meron kayong oversight meeting with the economic managers, possible Ma'am na ito ay inyong matalakay po sa kanila?

Poe: Importante po na hindi natin makalimutang talakayin 'to sa kanila kasi sila naman ang nag-aapruba niyan at lalung-lalo na dito sa Bayanihan Law, malaki, malakas ang kanilang kapangyarihan na gawin 'yan, hindi na kailangan dumaan sa mahabang proseso.

News Latest News Feed