Press Release
May 14, 2020

Transcript of Interview of Senate President Vicente C. Sotto III with Susan Enriquez of DZBB

Q: Kumusta po kayo?

SP Sotto: Mabuti naman, heto basta basta walang Senado, nasa bahay.

Q: Walang pupuntahan?

SP Sotto: Maraming pwedeng puntahan pero ang usapan stay home unless absolutely necessary. Kaya nga nung mag birthday nga si Helen nung May 7, yung anak kong vice-mayor ay halos maiyak, hindi makapunta. Nasa Quezon City kasi siya, nandito naman kami sa Muntinlupa nung lockdown. Siya, yung mga anak niya, mga apo namin hindi makapunta at makabati sa Lola nila eh ganoon talaga. Sabi ko hintayin na lang natin maalis yung lockdown saka kayo pumasyal.

Q: Bawi na lang pagka lumuwag na.

SP Sotto: Oo, bawi na lang kaya lagot yung mga mañanita, lagot yun.

Q: Kaya nga eh. Bakit naman kasi may mañanita pa eh napaka wrong timing.

SP Sotto: Ewan ko ba kung sino ang nakaisip noon, parang balewala yung usapan na stay home.

Q: Parang bata ano?

SP Sotto: Oo. Tinatanong ako nila Nimfa kahapon tungkol diyan, sabi ko at the very least yan, administrative case or investigation yan di ba dahil may mga rules sila. May mga procedures at rules silang sinusunod as PNP, iba sa civilian, pero ayun, meron palang action na gagawin, eh di ayos.

Q: Pag hindi nila gawan ng action yun parang nakakahiya naman yata sa sambayanan.

SP Sotto: Oo, baka pumaris tayo doon sa mga Amerikano, labag ng labag sa usapan. Sinabing walang lalabas, nasa labas lahat.

Q: Kaya ang taas ng din ng kaso nila.

SP Sotto: Ayun lang, ang daming namamatay. At saka yung ano, kanina, nung isang araw, 800 ang namatay? Ano yung bansa na yun? Brazil.

Q: kasi pagka medyo pasaway?

SP Sotto: Oo, pasaway eh, kasi naniniwala doon sa mga lumalabas, napapanood mo ba yung mga lumalabas sa Facebook ngayon na parang dinadownplay yung coronavirus?

Q: May mga ganoon nga.

SP Sotto: Oo, di ba dinadownplay yung mga ganoon, eh may mga ganoon, naniniwala sila sa ganoon, eh di okay lang padami ng padami ang namamatay.

Q: Choice nila yun, kung gusto nila na wag maniwala, idownplay nila di ba?

SP Sotto: Oo, lagi yan.

Q: Parang pinipilosopo mo?

SP Sotto: Yun na nga. Hindi ka magkakamali kung always you err on the side of caution. Di bale ng OA di ba kesa ipapakawala mo, mahirap.

Q: Ang Medical Scholarship Bill ay magiging isa daw sa priority ng Senado sa gitna ng hinaharap nating pandemic?

SP Sotto: Oo, talagang pagpasok ng 18th Congress, yung kaunaunahang araw ng 18th Congress, kung makikita mo ito yung Senate Bill No. 1 sapagkat yun ang talagang inuna ko, prinioritize ko, sapagkat dalawang congresses ko ng finafile yan, walang nangyayari.

Q: Bakit?

SP Sotto: wala, hindi napapagusapan, merong mga ibang importante, yung mga chairman na may hawak medyo masyadong busy, mga natityempong ganoon. Pagkatapos, talagang siguro blessing in disguise, sapagkat ano yun, July 1 ng 2019 nung finile ko yan, eh sino ba ang mag-aakala na magkakaroon ng Covid-19 nung mga Panahon na yun? So talaga namang matagal ko ng pinipilit yan, kasi ang aking ina ay doktor. So ang sinasabi ko, kailangan lahat ng doktor sa lahat ng lugar sa Pilipinas, may doktor lalo na sa gobyerno sapagkat hindi ba, marami naman kasing doktor na di naniningil pero karamihan syempre, naniningil dahil meron silang clinic, meron silang mga gastusin, mga ganoon. Pero pagka dumami ang mga doktor na Pilipino at nakakalat sa Pilipinas, iba ang magiging, hindi lang magiging health conscious tayo, kungdi magiging healthy ang bansa. Ang number one dahilan, through the years nakita ninyo, ang pinaka dahilan kaya kaunti ang doktor, mahal maging doktor.

Q: Yun na nga ang sinasabi ko kanina, di ba para maging doktor ka kailangan anak ka ng mayamang tao.

SP Sotto: Oo, o kaya makahanap ka ng sponsor na magsosponsor sa iyo, mga kamaganak mo para maging doktor ka. At saka lintik ang pinaghihirapan noon sapagkat yung baon lang, yung mga equipment na kailangan, yung mga kung anu-ano, ang dami, ang daming gastos sa pagiging isang doktor. So naisip ko nga tutal pinasa namin yung Free Tertiary Education Law nung 17th Congress, sa Senado nagmula yan ha? Patawad na sa pagbubuhat ng bangko pero sa Senado nanggaling yung Free Tertiary Education eh dahil may natalisod kaming P8.3 billion na pera na lulutang-lutang doon sa ARMM na pinaghati-hatian ng kung sino-sino. Sinamsam namin yun dahil nakita ni Sen. Lacson yun. Nung samsamin namin yun, tinatanong ko sila agad saan natin ilalagay ito? Ang suggestion ni Sen. Recto, at saka ni Sen. Drilon, ilagay natin sa education. Ayun na, nagkaisa-isa na ang mga senador, hindi, gawin na nating libre dapat ang tertiary education kaso, hanggang tertiary education lang talaga which is hindi kasama yung beyond the four years. In other words, medicine, hindi kasama. Ang law hindi kasama. Pero huwag na yung law, Masyadong maraming abogado, hayaan mo na sila roon.

Q: Sa Panahon ng pandemic hindi masyado, mas kailangan ang medical workers.

SP Sotto: Yun ang importante, which is sinabi kong heto nga, noon pa lang, finile ko na yan. Sinabi ko kailangan pag Pilipino gustong maging doktor, pag-aralin, libre. Ganoon dapat lahat, sagot lahat.

Q: Full scholarship?

SP Sotto: Full scholarship, pati allowance, kung baga sa ano, halos inimbita mo silang magdoktor.

Q: At marami din naman tayong Pilipino na kakilala na gustong maging doktor pero yun nga ang balakid, ay yung kanilang estado sa buhay.

SP Sotto: Correct, hindi kaya. Kaya prinaprioritize namin ito para mapasa, hindi natin alam kung hanggang kailan itong Covid-19 na ito, or kung hindi man, ito na yung magiging new normal, at magiging conscious na sa health ang Pilipino, pero all the more kailangan natin ang mga doktor, mga health workers. So yun na nga ang gusto natin. Sa lahat ng government institutions, lahat ng government universities and colleges na may medicine, libre para pagka Pilipino, sagot lahat ng gobyerno ang gastos nila.

Q: So mag aallot na rin kayo ng pondo, hindi na kayo maghahanap ng matitisod na pondo.

SP Sotto: Hindi, makakahanap na kami diyan sigurado. Oo, dahil malaki na yung funding na available for tertiary education na inaallot namin every year, kaunti na lang ang idadagdag para diyan sa full scholarship ng medicine.

Q: Kasi di ba nakita din natin ngayon yung sinasabi na kulang tayo ng mga medical workers, kinukulang tayo ng doktor, eh importante na madagdagan na natin yan, huwag na nating hintayin pang magkaroon ng another pandemic?

SP Sotto: Oo, at saka meron naman kaming parang collotila doon, noon pa man nilagay ko na rin yun doon sa una kong batas na finile. Pag ikaw, pinag-aral ka ng gobyerno, naging doktor ka, kailangan magsilbi ka dito muna sa Pilipinas. Ang target sana namin kungdi mga 4 years or 5 years, dapat dito ka sa Pilipinas magtatrabaho. Kasi ang tendency nung iba ay baka biglang mag-abroad. Ngayon, baka sabihin, bakit ninyo kami pipigilang gustong mag-abroad? Sige, papayagan ka naming mag-abroad pero ibabalik mo lahat ng ginastos ng gobyerno sa iyo for four or five years.

Q: Babayaran mo.

SP Sotto: Bayaran mo, pwede ka. Kung hindi, wag naman, magsilbi ka muna dito, yun ang pinaka condition doon sa pagbibigay sa kanila ng scholarship na libre. Four to five years and scholarship, kasama ang pag intern.

Q: Oo nga, inaabot ng parang ten years.

SP Sotto: Kasama na yung pre-med, kasama yung pre-med, kasi maraming iba, let's say katulad ngayon, naggagraduate ng nursing or graduate ng nursing, di ba? Kasi nursing ang kinuha dahil hindi masyadong magastos or mahirap. Pero ngayon, pwede silang pumasok doon. (Unclear) sa pagkadoktor.

Q: Oo, pre-med mo na yun, di ba?

SP Sotto: Oo.

Q: Nursing, pwede ka magtuloy at alam ko namang marami tayong ganyan na ganoon sana ang gusto, magdodoktor sana. Ako rin pero nag nurse na lang ako kasi hindi ko kaya yung mga gastusin.

SP Sotto: Oo.

Q: So pwede silang magdirediretso?

SP Sotto: Correct, oo, pwede. So kaya naman yung ginagawa natin sa (unclear) every four years, kasi naman, ang mangyayari naman doon, every year, after four years, every year, padagdag na ng padagdag yung mga doktor kaya kahit na gusto pa nilang lumipat sa private or sa whatever, ay padami ng padami, padagdag ng padagdag taon-taon. So pakikinabangan ng mga anak at mga apo natin yan balang araw para sa lahat.

Q: Kailangan ba na may grade na ime- maintain? Maayos na grade?

SP Sotto: Sana naman. Sana naman, syempre hindi naman saksakan ng hirap pero kailangan naman seryoso, pinag-aaral ka ng gobyerno di ba, may mga certain standards naman na dapat meron ka. Huwag naman basta sige lang, di ba?

Q: Dito ba sa sinusulong ninyo, halimbawa gusto niya sa private school siya mag aral ng medicine, icocover din nitong scholarship na ito kung sakali?

SP Sotto: Merong ano yan, yan ang isa sa mga pinaguusapan namin. May possibility yan lalo na pag puno na yung ano, pag puno yung SUCs. Pag puno yung SUC, or SUCs nationwide, kasi dapat nationwide, hindi dapat nakaconfine ito sa Luzon ha, kailangan ito (unclear) sa Visayas at Mindanao, pag puno, yun, at qualified ka, ayun. Yun yung isa sa mga ipapasok namin, lilinawin naming amendment. Pwede kang ibayad ng gobyerno kasi yun na rin ang gastos. Ipapasok ka namin kung saan ka pumasa, saan kang qualified na unibersidad.

Q: Sabagay ikaw naman kung talagang iyon ang gusto mo, pagsisikapan mo.

SP Sotto: Oo, at saka may kanya-kanyang standards ang mga unibersidad, even yung mga state universities and colleges, merong standard na sinusunod yun. Hindi na kailangan ilagay sa batas yun. Ibig sabihin, kapag ikaw ay hindi ka naman nakakakumpleto ng dapat mong gawin, siguro aalisin ka, di ba? Merong maintaining quality standards naman sila doon. Sigurado namang pagbubutihin mo dahil hindi naman madaling maging scholar ng gobyerno. Pero ito, sisiguruhin naming madali silang makapasok. Mas madaming pumasok, mas mabuti.

Q: Ito naman ay suportado ng mga kasamahan mo diyan sa Senado?

SP Sotto: Oo. Magulat nga ako kahapon kasi pumatak itong bill na ito, pumatak ito sa committee on higher education, secondary lang yung committee on health. So ineexpect ko nga na si Joel Villanueva, chairman ng committee on higher education, syempre, siya ngayon ang principal sponsor, pero may mga dalawa, tatlo pa kaming mga kasama na nagfile din ng kamukhang batas. Sina Sen. Recto, hindi ko matandan kung sino pa ba, I'm sorry. So kahapon, bale ano na rin sila, mga co-sponsors na rin sila. Tapos may mga nagsignify kahapon, kung hindi ako nagkakamali mga walo nagsignify gusto maging co-author. Ibig sabihin noon, mahigit kalahati na ng Senado ay co-author or co-sponsor, so suportado ng lahat.

Q: Yung mga nakikinig sa atin napapakinggan yung sinasabi mo at talagang nandoon sa puso nila na gusto nilang maging doktor, ay naku malamang pinagdarasal sige po, gawin ninyo ng batas yan.

SP Sotto: Oo, talaga. Tapos fina-follow-up ko yung sa House. Sa House kasi pumatak ito sa committee on higher education din nila pero si Cong. Helen Tan ng Quezon who is the chairman of the committee on health nila, siya naman yung nagtutulak doon kasi isa siya sa mga co-authors doon. So kausap ko pa lang siya kaninang umaga, fina-follow-up ko ulit, sabi niya mabilis na raw sila, nasa committee on appropriations na lang daw, pagkatapos noon ay ipapasok nila kaagad for second and third reading. So hopefully bago kami mag-adjourn sine die maipasa ito, mapirmahan ng Presidente.

Q: Ano kaya ito, ngayong taon kaya ay maging batas ito?

SP Sotto: Oo naman. Pipilitin namin talaga, may kasamang brasuhan yun. Yun ang pwedeng brasuhin hindi yung kung anu-ano.

Q: Ito yung mga priority dapat.

SP Sotto: Oo, talaga naman di ba?

Q: Nakakatuwa naman yan I am sure maraming nabuhayan ng loob sa mga kababayan natin na ay pwede ka ng maging doktor!

SP Sotto: Oo, di ba? Tyaga-tyaga lang, kaya natin, may pangbayad ang gobyerno. Damihan natin ang doktor, yan ang target natin.

Q: Biruin mo ang ratio natin ngayon is isang doktor ay ilang tao?

SP Sotto: 1:33,000. Ang ideal, 1:1,000.

Q: Ang ratio natin ngayon is 1:33,000. Papaano ka naman...

SP Sotto: 1:33,000. Oo, maniwala ka (unclear) statistics na nakita ko, sa bawat sampung Pilipino, mga apat hanggang lima, at least apat, so less than 50 percent naman, apat, namamatay nang hindi nakakita ng doktor.

Q: Lalo na sa mga liblib na lugar.

SP Sotto: Kaya nga. Halos 40 percent bale ang namamatay ng hindi man lang nakakakita ng doktor.

Q: Ano yung kinamatay?

SP Sotto: Labu-labo na, sari-sari, ganoon na lang.

Q:Nalulon yata ng ahas.

SP Sotto: Oo, tapos kumain ng tulingan.

Q: Oo nga kasi hindi na siya nakita ng doktor.

SP Sotto: Oo, di nga lumalabas doon yung nakulam, hindi ba? Kung anu-ano. So kailangang-kailangan talaga natin ito. Kung pwede nga, less than 1,000 per doktor, kung pwede lang.

Q: Kung pwede nga 1:500 di ba?

SP Sotto: Oo, yan. Naku, ang ganda niyan.

Q: We hope to see the day na ganoon na yung ating ratio.

SP Sotto: Ako masayang-masaya na ako sa 1:1,000. Marating natin yung araw na yun sana.

Q: Hindi natin iaatim na magkaroon ng another pandemic, gusto natin marami tayong doktor.

SP Sotto: oo, hindi tayo kakabahan. Di ba pagka merong mga ganyan na pandemic, oo. At saka mas maraming mag-aaral, mas maraming matutuklasan na mga gamot, mas marami. Iba, iba talaga. Number one ang health.

Q: Kita mo nga sa ibang bansa, talagang puring puri yung ating mga medical workers.

SP Sotto: Correct. Sabi nga ni Mahatma Gandhi, ang health daw ay mas mahalaga kaysa sa mga ginto at pilak.

Q: Totoo po yan, lalo na sa pandemic na ito.

SP Sotto: Oo. Ah, magaganda ang kotse mo, marami kang pera sa bangko, maganda yung bahay mo, asan ka? Wala.

Q: Maraming salamat po sa inyo at mag-ingat po kayo.

SP Sotto: Maraming salamat sa suporta ninyo.

News Latest News Feed