Press Release
May 28, 2020

Gatchalian: mobilize parent-teacher associations in Learning Continuity Plan roll-out

Senator Win Gatchalian is urging the Department of Education (DepEd) to have dialogues with parent-teacher associations (PTAs) to address lingering concerns in the roll-out of the Learning Continuity Plan (LCP) for SY 2020-2021.

Gatchalian emphasized that dialogues should adhere to practices that protect oneself and the others from coronavirus, such as social distancing measures.

The senator said that PTAs should be mobilized as partners in enrollment campaigns to reduce the potential number of dropouts as some parents would opt not to enroll their children amid fears of COVID-19. PTAs, however, must fully understand how minimum health standards in the LCP will ensure the safety of learners when classes reopen.

Gatchalian added that collaborating with PTAs can enhance the readiness of both teachers and parents in using alternative modes of learning delivery such as online distance learning, modular distance learning, and through television and radio. Gatchalian warned that parents, teachers, and guardians may experience high stress levels if they are not prepared to take on their new roles in rolling out the LCP, which will worsen learners' academic outcomes.

According to the United Nations Children's Fund's (UNICEF) Back-To-School Guide, which identifies strategies for education resumption after crises and emergencies, PTAs should be empowered to monitor vulnerable groups' access to education.

PTAs can serve as support groups for data collection, filing of data gaps, and identifying issues on children's attendance and retention in schools. In Iraq, for instance, back-to-school campaigns activate PTAs to focus on community participation and identify inclusion and retention issues among children.

Aside from the prevention of dropouts, UNICEF's Back-To-School Guide also recommends that PTAs be capacitated in developing school improvement plans, emergency preparedness, and the implementation of hygiene and sanitation measures.

In working with PTAs, Gatchalian said the DepEd should also capacitate parents in providing psychosocial support to learners, noting that parents and guardians have the responsibility to create a safe and productive learning environment in their homes.

"Nakasasalay sa ating mga magulang at mga guro ang mabisang pagpapatuloy ng edukasyon sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19. Bago pa muling buksan ang mga klase, dapat ngayon pa lang ay makipag-ugnayan na ang DepEd sa PTA upang mabigyang linaw ang anumang tanong o pangamba ng ating mga magulang at mga guro," said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

###

Gatchalian hinimok ang DepEd na gawing katuwang ang PTA sa 'Learning Continuity Plan'

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education o DepEd na makipag diyalogo sa mga parent-teachers associations o PTA para sa mas malinaw na pagpapatupad ng Learning Continuity Plan o LCP sa darating na pasukan.

Ayon sa mambabatas, ang pakikipag-ugnayang ito ay dapat base sa mga health protocol para makaiwas sa COVID-19, halimbawa ang pagpapatupad ng social distancing. Ani Gatchalian dapat klaro sa mga magulang at mga guro ang minimum health standards at iba pang hakbang upang pananatilihing ligtas ang pagbubukas ng klase mula sa banta ng COVID-19. Mungkahi ni Gatchalian, ang asosasyon ng mga guro at magulang ay dapat maging katuwang sa panahon ng enrollment upang maiwasan ang pag-akyat ng bilang ng mga drop-out. May ilang mga magulang kasi na piniling huwag na lamang papasukin ang kanilang mga anak sa susunod na school year dahil sa takot sa COVID-19.

Dagdag ni Gatchalian, makatutulong din ang mga PTA sa paghahanda ng mga guro at mga magulang sa paggamit ng mga alternatibong paaraan ng pagtuturo kabilang ang online distance learning at paggamit ng radyo at telebisyon. Babala ni Gatchalian, maaaring makaranas ng stress ang mga magulang, mga guardian, at mga guro kung hindi sila handa sa mga pagbabago sa pagbubukas ng klase. Sa bandang huli, ang pagkakatuto ng mga mag-aaral ang lubos na maaapektuhan, ayon sa mambabatas.

Batay sa Back-To-School Guide ng United Nations Children's Fund o UNICEF, maaaring makatulong ang mga PTA sa pagkalap ng datos at pagsigurong ang mga nangangailangang mag-aaral ay patuloy na makakapag-aral. Sa Iraq, halimbawa, mahalaga ang papel ng mga PTA upang matukoy at matugunan ang mga sagabal sa pagbabalik-eskwela ng mga bata.

Iminungkahi din ng UNICEF na patatagin ang kahandaan ng mga PTA sa panahon ng mga sakuna, pati na rin sa pagpapatupad ng mga programang pang-kalinisan at pang-kalusugan. Dagdag ni Gatchalian, ang mga PTA ay maaari ding maging katuwang sa pagsasanay ng mga magulang sa pagbibigay ng psychosocial support sa mga mag-aaral.

"Nakasalalay sa ating mga magulang at mga guro ang mabisang pagpapatuloy ng edukasyon sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19. Bago pa muling buksan ang mga klase, dapat ngayon pa lang ay makipag-ugnayan na ang DepEd sa PTA upang mabigyang linaw ang anumang tanong o pangamba ng ating mga magulang at mga guro," ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

###

News Latest News Feed