Press Release June 2, 2020 Focus on public transport, mass testing, economic recovery, not anti-terror bill: Pangilinan "Terrorized na ang mga kababayan natin dahil sa COVID-19, ang nakakamatay at nakakahawang sakit. Mas na-te-terrorize pa dahil sa kawalan ng trabaho at hanapbuhay na dulot ng iba't ibang klase ng lockdown na pinataw sa ating mamamayan at ekonomiya. Pagtuunan ng pansin ang mga walang masakyang public transport ngayong GCQ, ang mass testing at contact tracing, at pagbangon ulit ng ating kabuhayan. Whole of government di ba? Heal as one di ba? Gamot ba ang panukalang batas sa COVID-19 o gagamiting panakip-butas sa mga kapalpakan? Paano pigilan ang paglaganap ng COVID-19 at paano ibangon ang nakadapa nating ekonomiya ang bigyan ng panahon at solusyon, huwag ang anti-terror bill." |