Press Release
July 9, 2020

Gatchalian: train, hire K to 12 graduates as contact tracers

Senator Win Gatchalian is urging the government to train and hire K to 12 graduates to meet the country's demands for contact tracers to fight COVID-19.

Though the K to 12 program promises to boost the employability of its graduates, Gatchalian emphasized that the economic crisis resulting from the pandemic made employment opportunities dimmer for these new graduates who are also seeking jobs.

Hiring these graduates as contact tracers, however, will be a boost to tracking down and isolating carriers of the virus, especially now that lockdown measures are being gradually lifted, Gatchalian explained. At the same time, these job opportunities will give them relief from the economic brunt of COVID-19, he added.

Last May, the Department of Health (DOH) announced that 94,000 contact tracers are needed to meet the ideal ratio of one per 800 people. According to the President's 14th report to Congress on the implementation of the Bayanihan to Heal As One Act (Republic Act 11469), there are currently 54,183 members of contact tracing teams nationwide.

While the DOH requires contract tracers to be an allied medical professional or at least a graduate of an allied medical course, Gatchalian called for greater flexibility to accommodate K to 12 graduates. He cited the case of the United States, where contact tracers are not necessarily college degree holders.

"We will hit two birds with one stone: we give jobs to young people who are vulnerable at this time and we boost our efforts to contain the spread of the virus," said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Because of school closures, the collapse of businesses, the loss of job opportunities that followed, and the emergence of obstacles to finding work, young people (15-24) are being affected disproportionately by the COVID-19 pandemic, the International Labour Organization (ILO) said last May.

The Philippine Statistics Authority's January 2020 Labor Force Survey revealed that 16.9 percent of the youth population (15-24) are not in education, employment, and training. It went up to 25.3 percent by April 2020. The ILO also identified testing and tracing (T&T) as a potential employment opportunity that can be targeted for young people and other groups affected by the pandemic.

"Kung bibigyan natin ng trabaho bilang contact tracers ang ating mga kabataan, kabilang na ang ating mga K to 12 graduates, hindi lamang natin sila mabibigyan ng solusyon sa mga hamong kinakaharap nila. Magiging bahagi rin sila ng mga solusyon upang makabangon ang ating bansa mula sa pinsalang dulot ng COVID-19," he added.

###

Gatchalian: K to 12 graduates bigyan ng trabaho bilang contact tracers

Upang mapunan ang pangangailangan ng bansa sa mga contact tracers sa gitna ng pandemya, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang pamahalaan na tanggapin ang mga nagtapos sa programang K to 12 para sa mga trabahong ito.

Bagama't layon ng K to 12 na mapadali ang pagkakaroon ng trabaho pagka graduate ng mga estudyante, ipinaliwanag ni Gatchalian na mas mahirap para sa mga bagong nagtapos na makahanap ng mapapasukan dahil sa naging epekto ng pandemya sa ekonomiya.

Ngunit kung bibigyan ang mga graduate na ito ng trabaho bilang contact tracers, mapapalakas na ng pamahalaan ang mga hakbang nito na mahanap ang mga nahawaan ng COVID-19, makatutulong pa ang mga trabahong ito sa mga kabataan at mga pamilya nila, lalo na ang mga naghihikahos, bunga ng pandemya.

Noong nakaraang Mayo, inanunsyo ng Department of Health o DOH na nangangailangan ang bansa ng humigit-kumulang siyamnapu't apat na libong (94,000) mga contact tracers.

Bagama't importanteng may pagsasanay o nagtapos sa isang allied medical course ang isang contact tracer, ang suhestiyon ni Gatchalian ay payagan din ang mga nagtapos ng K to 12 na mag-apply at pumasok sa mga trabahong ito. Ginawa niyang halimbawa ang Estados Unidos kung saan may mga contact tracers na hindi nakapagtapos ng kolehiyo.

"Dalawa ang magagawa natin: makakapagbigay tayo ng trabaho sa mga kabataan at mapapalakas natin ang mga hakbang upang mahanap ang mga may sakit ng COVID-19," ani Gatchalian na Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Dahil sa pagsasara ng mga paaralan at pagbagsak ng mga negosyo, iniulat ng International Labour Organization (ILO) noong Mayo na mas matindi ang naging epekto ng pandemya sa mga kabataang may edad na labing-lima (15) hanggang dalawampu't apat (24).

Sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority o PSA noong buwan ng Enero, lumalabas na halos labing-pitong (16.9) porsyento ng mga kabataan na may edad na labing-lima (15) hanggang dalawampu't apat (24) ang hindi nag-aaral, nagtatrabaho, at dumadaan sa training. Noong buwan ng Abril, umakyat ito sa dalawampu't limang (25.3) porsyento.

Paliwanag naman ng ILO, ang mga trabahong may kinalaman sa testing and tracing o T&T ay maaaring ibigay sa mga kabataan, pati na rin sa mga grupong lubos na naapektuhan ng pandemya.

"Kung bibigyan natin ng trabaho bilang contact tracers ang ating mga kabataan, kabilang na ang ating mga K to 12 graduates, hindi lamang natin sila mabibigyan ng solusyon sa mga hamong kinakaharap nila. Magiging bahagi rin sila ng solusyon upang makabangon ang ating bansa mula sa pinsalang dulot ng COVID-19," pagtatapos ni Gatchalian.

News Latest News Feed