Press Release
July 27, 2020

Transcript of Press Briefing with Senate President Sotto III
and Sen. Bong Go

Cely Bueno: Good morning everyone! Welcome to our first press briefing via Webex. This is part of the new normal and to answer the questions from the Senate media, aside from Senate President Sotto, later we are expecting Sen. Grace Poe, Sen. Juan Miguel Zubiri, Sen. Christopher "Bong" Go and Sen. Francis Tolentino. Let me ask first Sen. Sotto, sir considering the situation of our country now, the Covid cases continue to increase, it is now more than 80,000 plus the impact ng Covid pandemic sa ating economy, napaka challenging po ba ngayon sa mga lawmakers ngayong bumalik na kayo ng session? Paano kayo makakatulong to address these very difficult situations?

SP Sotto: As I said earlier, in my address, in my initial address for the 2nd Regular Session of the 18th Congress, the Senate will be ready to handle any legislation that will help, relieve the problem of Covid-19. Whether it be on the issues of health, economy, order and we're starting with passing on 3rd reading tomorrow the Bayanihan 2. As a matter of fact, we almost did it kanina, except that it was not part of the agenda. So we can do it tomorrow. So aside from that, of course we are ready to take up the other important pieces of legislation that will stimulate the economy and that will address on health. Yung ARISE is one priority, it is the Acceleration, Recovery, Investment Stimulus for the Economy and then also the financial institutions strategic transfer, lahat ito sa ngayon ang focus talaga ng karamihan ng legislation ng mga senador and I'm sure the entire Congress is towards the helping the country recover and relieve ourselves from the problem of Covid 19. Yung pandemic talagang kailangan i-address natin. It's a priority. It's a top priority. That's about it.

Q: But it sir it doesn't mean na ise-set aside yung pag i-investigate ng Senate sa mga controversial issues kahit ang focus nyo yung mga legislation regarding Covid pandemic?

SP Sotto: Oo naman, we have over 30 committees and very capable enough to handle all these issues like for example the issue on PhilHealth, the issue on BuCor, lahat ito matatalakay pa rin, hindi mawawala yung imbestigasyon ng Senado at mga hearings na kailangan. Pati yung mga bills na naka pending sa amin na kailangan pa ring mag hearing, whether it is associated to issue of the pandemic or the economy, we will still take it up. Kaya lang leading the pack will be those pieces of legislation that are centered on the pandemic and the economy.

Q: Opening of session kanina maraming first, how was your experience?

SP Sotto: I was very glad na karamihan ng mga kasama natin, they took it upon themselves to be physically present. There were 17 here, they were willing to attend physically. Meron din 6 na hindi naka attend, for one reason or another, pero given the situation that we are in, I was very glad to see them kasi yung pati mga ritual namin ginawa pa rin namin. Hindi nagbago ang ika nga eh pamamaraan at saka yung mga ugali ng Senado. The tradition is very important in the Senate. Ako naman ay masaya sa opening namin kanina.

Q: Opening ng Senate parang reunion pero kanina parang medyo tahimik lang...

SP Sotto: Totoo yun. Medyo mas bawas yung ika nga kasiyahan na nagaganap nung mga nakaraang taon. But then again, we have to ride with the times, dib a? May social distancing, kahit nung nasa lounge kami bago kami pumasok medyo nag iingat muna sa social distancing kahit kami naka mask nag-uusap. If you noticed kahit nung nagpa picture-taking na, hiwa-hiwalay pa rin. And then there was one shot na sabi namin pwede alis muna yung mask, mabilis lang, pagkatapos nun balik agad. Everybody was playing safe. Iba na yung we follow the protocols. It's like setting a good example for our countrymen, mga kababayan natin, nakikita nila na tayo ay nag-iingat dapat sila'y mag-ingat mabuti.

Q: May schedule na on PhilHealth investigation...?

SP Sotto: I'll just talk to the other officers within the day and perhaps the soonest possible time na pwede kaming...after tomorrow pa kasi tomorrow pa ifi-first reading yun eh. So by tomorrow evening I will have a very good idea on what day namin itatawag yung hearing. And I will of course, as best as possible, physically present yung mga iimbitahin natin. Pwede naman na naka social distancing dito sa amin, nakita nyo naman yung mga paraan na ginawa, the Secretariat has been very diligent in putting up the partitions. Hindi lang dyan huh, even in the lounge, the partitions are there. Maliwanag yun. Kaya we'll to keep everybody safe.

Q: is it doable this week yung hearing sa PhilHealth?

SP Sotto: The earliest possible that we can do that would be Friday. Kung masikip masyado pati pagpapadala ng mga imbistasyon, the best would be Monday, Aug. 3. That would be the best date, Aug. 3.

Q: How about the death of Bilibid inmates, ano plano doon?

SP Sotto: We leave that to Sen. Gordon doon sa Blue Ribbon. That would be his decision, his call. Kasi itong sa Philhealth, because of the coverage, we have decided to present a resolution calling for the constitution of the Committee of the Whole and therefore pagkaganun dun ang main chairman will be the Senate President. So that's the reason I can tell you na yun ang mga dates na possible. I will issue the invitation.

On parameters used to determine the credibility of Atty. Keith

SP Sotto: Marami siyang binanggit na under investigation. Kase marami siyang nabanggit na mga under investigation (na mga issues against Philhealth) at aside from that maraming questions yung mga senador on philhealth na hanggang ngayon di pa nasasagot, tapos eto may lilitaw na ganito aba, baka blessings in disguise na makita na natin once and for all kung ano ang kasagutan doon sa mga tinatanong naming na problema sa philhealth na hangang ngayon ay hindi nasasagot at hindi pa nalilinawan.

One more thing the investigation will not just be focusing on one witness, there will be 3 or 4 other witnesses and I am now receiving issues from different groups and different associations against the way Philhealth is being run. So we have to look into these, we have to look into all of these.

On experts saying the passage anti-terror bill, approached on Covid-19 and ABS-CBN franchise issue has weaken the credibility of the President as a leader.

SP Sotto: ... Tulad dun sa Anti-terror bill, hindi alam kung ano ang kinokontra nila lahat ng narinig kong sinsabi nila na kontra sila wala roon. at saka kailangang kailangan ng bansa... Buong mundo ang walang ganun, walang anti-terrorism na talagang tunay. Bakit makakasira kay Presidente yun? So I disagree with them.

On appeal by other sectors about a unifying SONA. Will you also make the same appeal?

SP Sotto: He is... the buck stops with him and when you have a President who has an approval and trust rating of 87%, what is there to unify? Wala naman President na makaka-100 percent, so I don't see... the important thing is that he is the President, the buck stops with him, he wants to do this and that as long as it's within the legal bounds of the Constitution so be it.

On how will the new investigation on Philhealth will be different from the previous Senate investigation?

SP Sotto: Kung matatandaan ko na tama ito, last time na pinag uusapan itobng mga issues ng Philhealth, puro alegasyon na walang ebidensya, ang inaasahan ko sa imbestigasyon ngayon ay makukumpleto ang ebidensya at saka ang imbestigasyon ay hind lang mace-center sa isa o dalawang issue kundi malawakan at yung mga nagrereklamo, ay nanawagan tayo ngayon na lumantad at ibigay sa amin ang iba pang ebidensya. So yung ang magiging kaibahan dyan at kung matibay ang ebidensiyang makikita natin, yung mga taong manangot ay pananagutin natin at nakaka-asa ako na ang Pangulo hindi niya pababayaan yun sigurado. Dahil last time if you will recall, nag revamp na ang Presidente diyan eh... Pero hindi ko alam kung may nakasuhan o wala, this time around let see. The evidence will dictate what the outcome will be.

On whether the investigation will lead to indictment of corrupt officials?

SP Sotto: Yes, hopefully. That is what we hope to achieve but again, that is not the main point of the investigation. The main point of the investigation as far as we are concerned and I am concerned is that the Philhealth law and the parameters given to Philhealth should be clearer. At saka mas makita natin kung papaano natin mapipigilan itong mga ganitong pangyayari at kung mai-sasabatas natin at mai-sasaayos natin yung batas na nag-create ng Philhealth upang hindi na maulit yung mga ganitong mga pangyayari at hindi nasasayang ang pera ng taongbayan, sapagkat pera nila ito. Kaya mahirap na hindi natin talakayin ito. This is something we cannot sweep under the rug.

On whether the Senate leadership is willing to provide protection to Atty. Keith and others who are willing to testify

SP Sotto: Yes, as always we will.

(Question for Sen. Bong Go) On his position as Chairman of the Committee on Health on the issue.

Sen. Bong Go: Naka ilang meeting na po kami ng Secretary Dominguez at Sec. Avisado tungkol dito dahil sabi nga nila yung pera po ng philhealth para sa UHC ay mahihirapan na po tayo sa susunod na taon. Yung pagpupulong sa Malakanyang para matulungan po sana na ang UHC na ma-fully implement lalong lalo na po sa panahon ng pandemya napakaimportante po na ma-implement po itong UHC, wala pong tatakbuhan an gating mga kababayan kundi itong Philhealth. Not only sa mga covid patients pati sa mga ibang kaso po malaki ang inaasahan ng taumabyan dito sa UHC. Pero problema tayo dahil sabi nga ni Sec. Dominguez wala na pong pera sa susunod na taon, meron pang problema na alleged corruption kaya ako hindi po ako papayag, kung totoo man ito, kung meron mang katiwalian dyan sa baba ay handa po tayong mag imbistiga. Nag usap na po kami ni SP Sotto, imbistigahan natin at alamin natin ano talaga ng totoong nangyari, pero last year po nagkaroon na tayo ng revamp dito. Si Pangulo, from top to bottom lahat po ng board members at pinalitan niya, so hindi tayo papayag na mayroon na namang katiwaliang mangyari, ni piso po dapat walang masayang na pera sa Philhealth, dapat managot ang dapat managot.

On whether he recommended to the President to look into the appointments of Atty. Rodolfo Del Rosario and Roy Ferrer?

Sen. Bong Go: Sa tingin ko nasa baba ang problema, kaya kahit ilang beses magpalit ang Pangulo ng mga board members diyan at ilang beses pa siya magpalit ng pangulo o ng CEO, eh kung sa baba naman yung problema at sa baba ang katiwalian at hindi nila kontrolado yung mga tao sa baba, ay wala pong mangyayari, so mahirap, mahirap talaga ng situation so I am open po sa imbistigasyon at alamin po. Mag co-convene po ang senado as a whole para imbistigahan po ang Philhealth sa ngayon naman po ay inatasan na ni Pangulong Duterte si Secretary Kitain para tignan po yung mga alleged corruption dahil mayroon nababanggit yung mga apat na board members yung mga kaka-appoint lang po na board members ng Philhealth may mga reklamo po sila ay dapat po itong sagutin, including po sa new appointee niya ay si Ma'am Susie Mercado I think nag-resign na din po.

Q: Bagong resignation po iyon?

Sen. Bong Go: I think effective July 30 or June 30 po yung resignation niya. Kakaresign lang po niya.

Q: Will there be changes in the committee chairmanships?

SP Sotto: Not that I know of. I do not know of anyone who wants to change his committee or is eyeing another committee. We'll stay as is.

Q: Nobody is rocking the boat?

SP Sotto: Wala. I heard a rumor but you better ask the rumor mongers where they got their rumor. It does not come from the Senate.

Q: Do you agree na medyo lame duck na si Pangulong Duterte sa dalawang taon and if he is, paano pa mapush yung priority agenda ng Duterte administration?

Sen. Bong Go: Ako naman po sa ngayon hindi pa po lame ang ating pangulo at naniniwala pa po ang tao sa kanya dahil alam naman nila, alam ng tao, ng Pilipino, wala pong ibang hangarin si Pangulo kundi interest ng mga bayan. As long as naniniwala yung tao sa kanya ay I don't think na magiging lame duck siya in the next one year. Usually naman po sa political arena dito sa ating bansa going to the last (unclear) ay nagiging lame duck yung Presidente dahil kanya-kanya na po yun.

Q: So malaking bagay ba na yung popularity or trust rating ni Pangulong Duterte is nasa 87 percent pa rin?

Sen. Bong Go: Let the people judge the President. I cannot judge him, para sa akin ginagawa lang po niya ang kanyang trabaho lalo na ngayong pandemyang ito, kung hindi siya ang Presidente natin, ewan ko lang po, baka mas mahirapan tayong disiplinahin yung Pilipino. Itong panahon ng pandemyang ito hindi natin inaasahang darating ito sa atin. Kung hindi siya ang Presidente at wala talagang nagpapagitna, mas mahihirapan tayo.

Idadagdag ko lang kanina kay Marlon, sabi ko na I am addressing to PhilHealth paano ninyo matutulungan yung Pilipino kung yung sakit, paano natin matutulungan ang ating kapwa Pilipino na may sakit kung kayo mismo ay hindi ninyo kayang pagalingin ang sarili ninyong problema sa loob ng PhilHealth. So I am supporting the Senate investigation at talagang dapat alamin hanggang baba na po dapat. Hindi lang po sa taas, papalit-palit na po yung mga tao diyan sa taas, walang katapusang problema po ito, (unclear) puntahan yung pinaka bottom.

Q: Kanina you have the assurance that senators would be around to help combat the virus. Hindi ba parang helpless tayo since it is quite obvious that we need radical changes in the DOH and sa PhilHealth when it comes to leadership and governance?

SP Sotto: I would echo what Sen. Bong Go just mentioned. Paanong mapapatino ang pagpapatakbo ng pagtulong sa taong bayan ng PhilHealth kung sa kanila mismo ay nagkakagulo? Hindi maayos ang pagpapatakbo? Kaya kami ay pipilitin naming maisaayos ito. Hahanapin natin ang problema, kung kailangang baguhin ang batas ng PhilHealth, baguhin. Ano ang kakailanganin nila para maging matino ang pagpapatakbo niyan, ibibigay natin. Ganoon ang mga pamamaraan para makatulong kami sapagkat even damay at damay ang DOH diyan later on, di ba? Pero ang importante, magkaroon ng hindi lang basta magandang programa o magandang plano yung mga nagpapatupad, yung mga nag iimplement, kailangan maayos na maayos ang pagpapalakad ng kanilang mga opisina at pag gamit ng pera ng taong bayan.

Q: What if yung problema mismo is hindi yung program kasi you (unclear) down yung protocols, what should be done sa implementation, pero ang problema mismo yung tao?

SP Sotto: Ipapanawagan natin kay Presidente na sibakin niya yung mga yan. At kung makikita naman na obvious yung makikita natin at lilitaw, eh palagay ko hindi naman mangingimi ang Presidente na palitan sila.

Q: Sa tingin ninyo walang problema sa current leadership sa DOH at saka sa PhilHealth?

SP Sotto: Malalaman atin yan pagkatapos nung hearing.

Q: Namention ninyo na mas priority ninyo ang economy and the pandemic, and charter change is not a priority, (unclear) yung budget, is there a timetable na maybe this August ay mapasa yung mga economic measures that you are (unclear) or is there anything in August that may be passed?

SP Sotto: To revive the economy and to address the pandemic we are just really looking for the soonest possible time so kung August, August dapat maipasa na ang mga yan. Hindi ko nakikitang madaling magsingit ng iba pang mga bagay sapagkat ang Congress ay magiging busy din doon sa budget for 2021. At yung budget for 2021 I am so sure will be focused on of course, again the recovery of the economy and addressing the pandemic. Ganoon ang mangyayari doon. So as much as possible we will try our best na kung ano itong mga dapat ipasa by August pipilitin namin maipasa by August. Otherwise masistretch tayo and kung may mga importanteng maipapasok, kung hindi rin lang masyadong kontrobersiyal at nangangailangan din naman at makakatulong, siguradong papasa sa amin. Like for example yung Medical Scholarship Act, kailangang-kailangan talaga yun. Yung amendments to the Public Service Act, yung sa CITIRA, because ito ay corporate income tax pero yung CITIRA inilagay na nila sa, sinasama na doon sa ARISE or sa GUIDE. So hopefully maaaddress namin ito by August. Siguro by September or October naman ang the latest yung dapat sinusubmit ng House sa amin, ideally October.

Q: For PhilHealth, marami ng narevamp, marami nang napalitan pero still may lumabas na ganito and according to Sen. Bong Go, nabanggit niya na baka nasa baba din, may pagkululang po ba si Gen. Morales?

SP Sotto: At this point it is very difficult to judge anybody. Until we have everything in black and white, then perhaps that is the time that we can say if the leadership is involved or not. Mahirap at this point. As far as the budget is concerned, again we will addressing it through the budget of 2021. Titingnan natin kung paano ang solusyon, hahanapan natin ng solusyon yung para sa UHC at saka yung sa PhilHealth.

Sen. Bong Go: Ganoon din ang pakiusap ko sa mga finance manager ng ating Pangulo, sila Sec. Dominguez at Sec. Avisado na nakausap po ako sabi ko huwag pabayaan yung Universal Health Care Law, yung full implementation nito, at yung PhilHealth mismo napakahrap naman po na kung yung pasyente po ang hihingi ng tulong at tatangghan sila dahil wala na pong pera. Hindi katanggap-tanggap yun sa gobyerno. Tungkol naman sa mga tao na nasa baba at hindi po, sa ngayon ako po ay naniniwala (unclear) kay Gen. Morales, sa kanyang integridad, subalit yung mga tao sa baba o yung mga nagfifeed sa kanya ng information ay maaring dapat niyang tingnan mabuti (unclear) tumulong sa inyo sa gobyerno sabi ko nga keep up or just ship out, umalis na lang kayo sa gobyerno kung hindi kayo makakatulong sa panahong ito. Kawawa yung Pilipino, pinapahirapan ninyo pa.

Q: Can we say na since si Gen. Morales was appointed to PhilHealth to address yung previous problem which the Senate saw during the previous hearing, can we say his leadership is a failure?

SP Sotto: Again, I would rather answer that question after the hearing. Or even just after the first hearing, tingnan natin kung paano ang, mahirap naman, bawal judgmental.

Sen. Bong Go: I believe in his integrity pero kung yung paguusapan natin is kontrolado ba niya yung tao sa baba, let's wait until the hearing.

Q: Parang apparently systemic na yung nangyayaring alleged corruption sa PhilHealth, is it possible na ioverhaul yun even hanggang doon sa clerk? Lilipat sila somewhere other than PhilHealth kasi apparently alam na nila yung ins and outs, kung paano yung kasi si Sen. Lacson the other day said merong P200+ million na binigay ang PhilHealth sa Bicol, when in fact parang isa lang yata yung Covid case doon?

Sen. Bong Go: Kaya tayo magcoconduct ng hearing, to check on that kung bakit nagpadala ng pera doon at isa lang ang Covid patient. Alam naman natin na kulang talaga yung pera ng PhilHealth for this year, naghihingalo na nga yung pondo ng PhilHealth at ganoon pa ang mangyayari. Kaya nga sinabi ko up to the last centavo they have to be accountable at walang masasayang ni piso po sa pera ng tao.

Q: While everyone in the Senate are willing to participate in addressing the pandemic and economic problem, what problem do you foresee in addressing this situation?

Sen. Bong Go: Ako naman po marami akong legislative measures na nafile na like I filed an act institutionalizing the transition of the government to e-governance in the digital age, providing funds thereof, ibig sabihin nito dahil papunta na tayo sa new normal, dapat handa tayo and pangalawa, maging handa tayo dito sa ating national vaccine program, dapat makinabang ang mahihirap dapat balance yung ilang vaccine dahil sigurado once available mag uunahan ito. Ayaw nating mahuhuli yung mga mahihirap. Dapat balance, walang mahirap, walang mayaman sa pagbibigay ng vaccine. Sa ngayon po ay naglaan na ng P1.5 billion ang DOST doon sa Pilipinas for joing the global vaccine alliance (unclear) ayon kay Sec. Fortunato dela Pena ng DOST. Ako naman, gusto kong pantay-pantay po, kung sino yung dapat mabigyan ng vaccine lalong-lalo na yung mga mahihirap nating mga kababayan, unahin natin sila.

Q: Kanina nabanggit na there are three to four witnesses na titingnan natin para dito sa hearing ng PhilHealth, inexpress po ba ng mga witnesses na ito if they will be able to provide documents or paper trail which were missing before doon sa mga previous investigations kaya po walang nangyari?

SP Sotto: Sa kausap ko, yes. Sa kausap ni Sen. Lacson, mga tatlo yung sabi niya meron. They will be providing evidence.

Q: What are you hoping to hear from the President? Is there any piece of legislation po na you want certified urgent?

SP Sotto: We expect the President to give us a lowdown of what is happening right now. His assessment, the assessment of his government from January to the present. We expect that. We expect also that he will be laying out further plans and programs that are realizable in the next few months to address the pandemic, and how to recover our economy.

Q: We know that you are very close to the President, how is he in the midst of the pandemic?

Sen. Bong Go: Sino ba namang Pangulo ang di sasakit ang ulo sa panahon ng pandemya? Talagang masakit ang ulo niya araw-araw pero nagtatrabaho po siya. In fact, gusto niyang lumabas at umikot kaya lang pinagbabawalan siya ng mga security niya. He is 75years old, at alam naman natin yung risk ng Covid, mas delikado sa mga senior citizen. Sa SONA naman niya, I am expecting that the President will focus number one, to strengthen our fight against the ongoing Covid-19 pandemic; number two, to address the needs of the people to overcome the hardships that the crisis have caused in everyone's lives and also, number three, sustain the gains of the Duterte administration's promise of a comfortable life for all despite the challenges that we are facing. Our goal now is not only to adopt to the new normal, but to lead our country towards a better normal and better quality of life. Mahirap talaga. Uphill climb but I am optimistic. Help each other, not destroy each other. Magsisiraan lang tayo sa panahon ng pandemic wala pong mangyayari sa atin, eh wala na nga tayong paguusapang politika sakasakaling hindi natin malalampasan itong pandemyang ito.

Q: You mentioned earlier kung dadalhin sa Senado yung charter change na mainitiate (unclear) you don't have any choice but to talk about it. In the event na gawin nilang priority and (unclear) siya sa HOR to the Senate, what would be your sensing of other's (unclear) into the matter?

SP Sotto: For sure we will do our work. We will read it, we will study it, we will review it, That is what we do with any of the bills that are transmitted to us, even resolutions. It does not necessarily mean that dumating sa amin dito at pinag aralan namin, na sumasang-ayon na kaagad kami. Hindi rin naman pwedeng sabihin na ayaw namin totally but we will cross the bridge when we get there. But if you are asking what is my sense as far as the other members are concerned, I would probably be not talking off my hat when I say that majority of the members of the Senate are not inclined or are not too keen about discussing it in the every near future.

Q: Bakit hindi kayo nagpa die ng hair? Curious lang talaga ako doon.

SP Sotto: Salamat, that is the most wonderful question I have received this morning. Wala, I just suddenly thought I would give it up. Kung ano yung binigay ng Panginoon sa akin, tatanggapin ko na lang total sabi ni Helen, nung aking maybahay, hindi naman ako nagmukhang matanda so okay na.

Q: It is known that you have access and the President listens to you. Sa tagal ninyong pagsama, alam mo kung paano siya mag isip, you can read his mind on certain things. Why do you think until now hindi niya pinapaalis sa pwesto si DOH Sec. Duque when in fact pati yung PhilHealth issue, nangyayari lahat ito during his term?

Sen. Bong Go: Alam ninyo si Pangulo nandiyan a rin yung tiwala niya kay Sec. Duque at mahirap magpalit ng kapitan sa gitna ng gyerang ito kaya pinatulungan na niya sa mga former military generals ito yung tatlong miyembro ng gabinete, Sec. Lorenzana, Sec. Ano and Sec. Galvez para tulungan kasi gyera po ito. Hindi kakayanin ni Sec. Duque, kahit sino pong secretary of health ay hindi kakayanin itong labang ito mag isa. Nakikita nga kay Sec. Duque tuwing meetings ay talagang overloaded na si Sec. Duque. Siya lang mag isa, hindi kakayanin itong labang ito. Kahit sinong magaling na secretary, kahit saan galling pa yan, hindi kakayanin itong labang ito kung siya lang ang mag isa kung hindi natin siya tutulungan. Ako personally as committee chair ng health, personally hindi kakayanin ng DOH itong labang ito.

Q: Ano ang pwedeng magawa pa or iaannounce ba yan mamaya?

Sen. Bong Go: Of course isa nga yan sa laman ng kanyang SONA is to strengthen our fight against Covid-19 and to address the needs of the people and to balance everything, health and economy.

On some academic experts saying that President Duterte's legacy lessened as a leader, together with his credibility with the current issues.

Sen. Bong Go: Tulad ng sinabi ko, let the people judge the President. Kung sa tingin nilang may pagkukulang ang ating Pangulo, hindi naman siya perpekto, basta ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya sa abot ng kanyang makakaya. He is doing everything, doing his best. Wala naman siyang ibang hangarin kundi yung (unclear) ng bawat Pilipino. The next two years, parati niyang nababanggit ibubuhos na niya lahat para sa Pilipinas.

Q: Hindi ba somehow nagdadagdag si Presidente o hindi ba siya naaapektuhan doon sa mga criticisms na natatanggap niya? Ng mga opisyal niya, especially kay Sec. Duque?

Sen. Bong Go: Parati niyang sinasabi na patapos na siya ng kanyang termino, hindi na importante sa kanya kung maraming nag criticize sa kanya, sa kanyang ginagawa. Basta gagawin niya ang lahat para sa Pilipino. Yun ang parati niyang sinasabi, ibubuhos na niyang lahat. Hindi naman natin mapiplease ang lahat dito. Politically hindi naman lahat sumasang ayon sa kanya at sa kanyang pamamalakad ay hindi naman, tandaan natin parati yan based on survey kung titingnan natin before the pandemic, parati nating tandaan, two out of three Pilipinos ang naniniwala sa kanya. Ibig sabihin, isa lang ang hindi sumasang ayon. Wala na tayong magagawa diyan. (Unclear) ang kanyang trabaho bilang Pangulo ng Piipinas up to the last day of his term until 2022.

Q: (Unclear) na pinapractice yung delivery ng laman ng kanyang SONA, pwede ninyo ba kaming bigyan ng kaunting hint lang? Ito po ba ay basta (unclear)?

Sen. Bong Go: Pinaka importante dito sa laman ng kanyang speech is papunta na tayo sa new normal to lead our country nga to a better normal na better quality of life, yun ang nakikita kong laman ng kanyang speech. Ayoko ng ipreempt, hindi ko naman narinig lahat ng kanyang sinabi at Hintayin na lang natin.

Q: Very fond si Presidente sa pag appoint ng mga military officials. Si PhilHealth president part of the military siya before, you think meron pa ring tiwala si Presidente kay Gen. Morales?

Sen. Bong Go: As f now nabanggit niya sa akin malaki ang tiwala niya kay Gen. Morales sa kanyang integridad, kaya lang siguro yung sa baba, yung mga tauhan sa baba dapat niyang tingnan ng mabuti. Dapat imbestigahan. Sinabi ko we will convene as a Committee of the Whole at Hintayin na lang natin yung magiging resulta.

Q: Sa four years na nakaraan, if you were to rate the President from 1-10, 10 being the highest, what is your grade kay Pangulo as a Senator?

Sen. Bong Go: Syempre magiging biased ako kung bilang isang ordinaryong mamamayan, 9 because of his sincerity to serve the Filipino people.

Q: Yung shouting match sa board meeting tapos alleged na malawakang corruption, the President does not see anything wrong with the leadership of Gen. Morales?

Sen. Bong Go: Kaya nga inatasan na niya si Sec. Kitain to investigate immediately the PhilHealth alleged corruption. Hinihintay na lang ng Pangulo yung resulta ng imbestigasyon. Iba naman po yung sa Executive na investigation, iba rin po yung gagawin naming investigation dito sa Senado. Ako lang po gusto kong malaman to get to the bottom of this mess kung sakali mang corruption talaga dyan sa Philhealth, sa tingin ko nasa baba eh, nasa baba ang problema.

Q: The President doesn't see anything wrong with Gen. Morales, why he keeps his trust on Gen. Morales, also tingin nya nasa baba ang problema?

Sen. Bong Go: Opo pag napatunayan pong merong corruption, I'm sure heads will definitely roll again.

Q: Even the leadership of Philhealth, heads will roll

Sen. Bong Go: Of course, pag merong napatunayan corruption siguradong sibak yan. kung merong corruption siguradong masisibak po yan.

Q: Now nagkaroon kayo ng picture-taking, you're hoping na finally mapalitan na ng picture nyo yung picture ni Sen. Trillanes

Sen. Bong Go: Saan? Hindi pa naman pinapalitan, nandyadyan pa rin yata sa gallery. One year na po yung nakaraan pero hindi na po ako interesado kung lalagay pa yung picture namin dyan. Napalitan na ba? Hindi pa napalitan no? Punta kayo dito...sa totoo lang ang hirap talaga ng buhay ngayong panahon na ito. Ang hirap. Ako naman meron naman akong gustong sabihin kung anong mga plano ko po sa mga susunod na taon. Gusto ko po direktang tulong po at serbisyo sa ating kapwa Pilipino. Yung talagang tulong, kahit ano po na makakatulong sa kapwa Pilipino, yung hindi lang po puro salita, yung hindi lang po puro pambabatikos, yung makaktulong talaga tayo sa ating kapwa Pilipino dahil kawawa talaga.

Q: Nanantili pa rin ba tiwala ni President kay Morales

Sen. Bong Go: Sa ngayon po, as of last night yun po ang nabanggit ng Pangulo na meron pa syang tiwala kay Gen. Morales. Pero pag meron pong napatunayan na merong katiwalian, na may kinalaman sya, I'm sure sisibakin sya. Dapat po mapatunayan na meron talaga. Sa ngayon meron pong tiwala si Pangulong Duterte kay Gen. Morales as of today.

Q: Hanggang ngayon siksikan pa LSIs sa Rizal coliseum

Sen. Bong Go: National government initiative po iyan headed by different agencies - DILG, DOT, DOTR, even Coast Guard nandun, even the Armed Forces, DND - directive po iyan ng Pangulo na tulungan silang makauwi. Ako naman as a legislator, I am urging government to strictly follow health protocols, sundin nyo po yung health protocols and social distancing. Nabalitaan ko po sa mga nakaraang araw na umulan at wala silang masisilungan, kesa naman po na palaboy laboy sila sa kalye at wala silang mapupuntahan, tulungan na lang po natin sila, pakainin natin, bigyan natin ng tulong hanggang makauwi sila. I'm urging the national government to strictly enforce itong health protocols, social distancing. Ako mismo po tumutulong sa kanila nagbibigay po ako ng mga masks ng mga pagkain rin sa kanila. Kawawa talaga yung Pilipino. Kesa naman batikusin natin sila at hayaan lang natin na palaboy laboy dyan sa kalye nag a antay sa mga pier, nasa sidewalk nauulanan, tulungan na lang natin silang makauwi sa kanilang probinsya. Kawawa po.

Q: Are you aware kung nakausap na ba ni Presidente si Morales since the allegations came out last week?

Sen. Bong Go: Not yet. Not yet. Hindi pa.

Q: Kayo po ba nakausap nyo si Gen. Morales...

Sen. Bong Go: After, the last time I saw Gen. Morales is yung meeting na pinatawag ni Sec. Quitain along with Sec. Dominguez, yun yung pag-usapan yung Universal Health Care at doon po napag-usapan na po yun, doon po lumabas yung medyo mainit na usapan. Yun yung isa sa mga mainit na usapan yun ang isa sa mga board member at ni Gen. Morales. Naghamunan sila na, 'mag-resign ka na, mag-resign din ako, eh di mauna ka na.' Naghamunan sila. Para sa akin, kung hindi ka makakatulong sa mga Pilipino eh di mag resign kayo. Kung hindi na kayo makakatulong sa ating bansa, sa ating gobyerno eh di mag resign kayo.

Q: Sino po yun, si Morales at si...

Sen. Bong Go: Isa sa mga board member po. Si Cabading, yung CPA na board member.

Q: Kanina 9 out of 10 rating nyo sa Pangulo, ano yung 1, missing?

Sen. Bong Go: Yung 1 po yung hindi ko pagsasang-ayon sa kanya. Wala naman pong perpektong tao. Bagamat po binubuhos na po ng Pangulo ang lahat, may pagkukulang po. So para sa akin yung kanyang sincerity nga to serve the people, his will, decisiveness nya sa panahong ito, yung kanyang compassion po sa mga Pilipino. Biased naman ako kung sasabihin kong 10.

Q: Last SONA ni Presidente na mention nya yun creation ng Dept. Of OFW pero hanggang ngayon wala pa

Sen. Bong Go: During the break napag-usapan na po namin ito along with the Executive, napag-usapan din namin ito with my fellow senators, kahit si Senate President Tito Sotto ay sang-ayon na kailangan po na magkaroon ng isang departamento na namamahala sa kapakanan ng mga OFWs lalong lalo na po ngayong pandemyang ito na hindi natin akalain na tatamaan tayo, ay meron pong timon or bastunero na talagang secretary level na pwedeng mag ha handle po ng lahat. Tulad ngayon na kahit saan na lang sila nanawagan. Nanawagan sila sa Facebook, sa radyo, sa TV, kahit saan na lang po ipo post nila yung video. Hirap na hirap po yung koordinasyon between OWWA, kasi OWWA is under the office of labor, meron din po na opisina na Commission on Overseas Filipinos, meron rin pong opisina under DFA, itong sa migrant workers, dapat po mapag-isa na po ito at merong 1 departamento na katutok lang po. isipin nyo po 10 million po ang overseas Filipinos natin. Ibig sabihin almost 10% ng population ng buong Pilipinas ang nasa ibang bansa. Dapat nap o magkaroon ng 1 departamento to take care po sa kanila, na unified agency that will focus on their affairs and concerns. Pumayag naman po yung mga fellow senators bale sa usapan namin and sa Executive naman halos sumasang-ayon naman sila. Pumasa na ito sa lower house, dito na lang po sa Senado. Hopefully magiging agreeable na po yung Executive dito sa Dept of OFWs.

Q: NBI ang dami na nilang trabaho, kailan magiging dir si OIC Distor?

Sen. Bong Go: I think meron na po sya, parang considered na sya as acting sa ngayon, nandyadyan na po yata yung mga signing powers ng isang director. Yun lang po yata inaantay para makapagtrabaho na po si...anyway, I cannot speak in behalf of the Executive, that's under the DOJ. I'm just a legislator po.

News Latest News Feed