Press Release
July 31, 2020

MENSAHE PARA SA PAGDIRIWANG NG EID AL-ADHA

Naiiba man ngayon ang paggunita sa sagradong okasyong ito dulot ng pandemya, nananatili pa rin ang diwa ng Eid al-Adha: ang pagkakaisa, pagbibigayan at pananampalataya.

May the tradition of donating and sharing food to the poor during this Feast of Sacrifice inspire many others to lend a helping hand to those needy, especially during these perilous times when many are crippled by sickness and loss of livelihood.

Gaya na lamang ng mga kababayan natin sa Marawi at iba pang lugar sa Mindanao na pinaguho ang komunidad at mga pangarap ng bakbakan at alitan. Silang hanggang ngayon ay lubusan pa ring nahihirapang makabangon dahil sa kapabayaan at napakabagal na rehabilitasyon ng pamahalaan.

Let us pray for everyone's continued hope, resolve and fortitude. Let us pray for our nation's unwavering resilience, solidarity and steadfastness to overcome the challenges ahead.

Isang mapayapa at makahulugang pagdiriwang po sa lahat!

(Sgd.) LEILA M. DE LIMA

PNP Custodial Center, Camp Crame

31 Hulyo 2020

News Latest News Feed