Press Release
August 4, 2020

One PH: Sa Totoo Lang interview ni Senator Win Gatchalian kasama si Cheryl Cosim, Jovie Francisco and Chiqui Vergel ukol sa MECQ

Q: Five things we need to do under the MECQ?

SEN WIN: I have been observing anong nangyayari sa buong mundo at tinitignan ko rin ano yung ginagawa ng gobyerno, ano yung responses nila at isang bagay lang ang pumapasok sa aking isipan, medyo di nga maganda pero ito yung lumalabas na conclusion ko, itong virus mahirap hintuin talaga, halos imposibleng hindi kakalat ito. Ang magagawa lang natin ay pabagalin yung pagkalat para hindi ma-overwhelm o hind umabot ng full capacity ang ating health system, mga hospitals natin at iba pang mga facilities. Kanina lang tinitignan ko yung balita, doon sa mga countries na nag-declare na mababa na yung COVID nila, yung iba na nag-open na ng economy, yung nag-declare na nanalo na sila ay ngayon nagkakaroon na sila ng second wave so to speak. Hindi pa nga nila alam kung second wave to. Territories like Hong Kong and Japan, Iran, Spain, Germany, Ngayon nagkakaroon sila ng issue ng resurging ng COVID. Israel nagsarado sila ng eskwelahan ulit at pinaka-latest nagulat ako yung Vietnam, nagkaroon sila ng almost a thousand cases. Hindi talaga natin mahihinto ang pagkalat nito, nakakatakot man sabihin pero ito ang katotohanan and we just have to admit na mapipigilan natin to, mapapabagal natin to pero hindi ito mawawala. The only way na mawala ito ay kung magkaroon na ng vaccine o gamot na hopefully magkaroon na by the end of the year or early part of next year. Having said that, dapat putuloy pa rin tayo nagi-improve sa ating paglaban kaya nasabi ko nga kanina sa aking twitter ano pa yung dapat nating i-improve. Hindi garantiya na mawawala yung COVID sa atin pero importante na mapabagal natin ito hanggang lumabas ang vaccine.

Q: Automation? Paano tutulong sa paglaban sa COVID?

SEN WIN: Sabi ko dapat i-automate natin, una yung contact tracing dahil nabasa ko chismosa and chismoso yung kukunin natin, baka mahawa at magkasakit pa. With technology mas mamo-monitor natin ng real time. Ginamit na yan ng Hong Kong, ng South Korea, Taiwan, may mga privacy issues pero ito yung ginagamit nila para real time ang nilalaman nila. I have first-hand experience, may kamag-anak ako, bumisita ng Hong Kong, pagdating niya sa Hong Kong, 14-day quarantine at binigyan siya ng bracelet kahit wala siyang COVID, ganun sila kahigpit doon at real time namo-monitor nila. Isa na sinabi ko yung data uploading dahil ngayon sa Valenzuela, ang pag-upload ng data to DOH eh mano-mano pa rin. Ang dapat nilang gamitin yung parang Google sheets, yung iba pang useful applications para real time ang pag-upload ng data. Ang pangatlo yung SAP na hanggang ngayon mano-mano pa rin. Importante kasi na kapag sinara natin ang ekonomiya, kaagad na nagbibigay tayo ng tulong dahil importante may makakain ang ating mga kababayan. So in short, itong ganitong open, close, open, close, hindi lang tayo ang gumagawa niyan kungdi buong mundo. Ang importante tuloy pa rin ang tulong sa ating mga kababayan para may pagkain silang mauuwi sa kanilang mga pamilya.

Q: Kailangan ba pagusapan yung ayuda sa MECQ?

SEN WIN: Marami tayong kababayan na hindi makapagtrabaho. Karamihan sa kanila no work, no pay kung walang customer wala silang mauuwi. Ang punto ko dapat handa ang ating bansa na kapag magsasara tayo dapat mabilis ang ayuda at yung pagibibgay natin ng ayuda hindi dapat tatagal ng isang buwan o dalawang buwan para matapos, ilang araw dapat tapos na dahil timebound ang pagbibigay ng ayuda. Yan ang isang challenge sa ating pamahalaan yung pagbibigay ng Social Amelioration. Pagdating sa pondo, may pondo naman na nilaan ang ating pamahalaan na 200 billion para sa social amelioration, 100 billion na ang nabibigay, yung natitirang 100 billion ay kasalukuyan nang binibigay. Expect na natin magkaroon ng ganitong open, close, open, close, dahil yung ang nakikita natin sa ibang bansa pero sa ibang bansa kapag nagsara sila merong kaagad na binibigay na tulong kaya di nagugutom at nagsu-survive, nalalampasan ang kanilang mga kababayan.

Q: Madaming hindi nakapaghanda, pano yung mga wala, ano ginagawa ng LGUs?

SEN WIN: Yung ibang mga frontliners natin ay tiga LGUs, mga mayors, mga kagawad kaso marami sa ating mga LGUs ay nahawaan na. lalo na yung mga tanod natin, marami sa kanila nagpo-positive kaya nga itong pagsasara mahalagang mabilis yung pagbibigay ng ayuda, hindi lang deretso sa tao kungdi yung mga LGUs natin kailangan din natin sila i-capacitate. Sila yung pinakamabilis magbigay ng tulong dahil nasa ground na sila. doon sa SAP may pondo yan, sa darating na MECQ, ito ang magiging hamon dahil pa-approve pa lang yung Bayanihan 2. Yan ang schedule namin within the week, kailangan maaprubahan na ito para magamit na ng executive branch yung paghahanap ng pondo at yung pagbibigay ng tulong this coming MECQ. Dito sa Bayanihan 2 magkakaroon ng karagdagang kapangyarihan ang executive branch para mabigyan ng tulong ang LGUs.

Q: Are we managing the COVID crisis in the best way we can, given our limited resources?

SEN WIN: That is a question that no one can answer, whoever can answer that question, I don't think he knows what he is talking about because nung una, nung February to March talagang we we're holding DOH accountable, especially Secretary Duque because of lack of foresight. Noong January to February malaking oras yung naubos natin at hindi tayo nakapaghanda. Wala tayong testing capacity, lahat nangangapa pero ngayon at this point, after six months, meron na tayong testing capacity, ang LGUs natin capacitated na. I have to give emphasis to the LGUs dahil iba yung paglaban ng virus, hindi lang to medical kung hindi governance issues din dahil on the ground, pumupunta sa bahay-bahay ang mga LGUs natin, mga barangay health workers, mga kapitan. At this point I also realized na itong virus napakahirap talagang gawing zero. Mapapabagal natin, pwede magkaroon ng lead time pero para sabihin natin na zero, imposible yan, panaginip talaga. Pwede pa tayo mag-improve para mapabagal ang pagkalat ng virus pero wag natin asahan na maging zero ang virus dahil imposible talaga yan at wala pa kong nakikitang bansa na may zero COVID. Gusto ko lang dagdagan yung kaninang nasabi ng first time speaker about the militaristic approach, to be honest about it hindi lang mga medical frontliners natin ang talagang pagod na pagod kungdi ang barangay at LGUs natin pagod na pagod na rin. Ang ating mga pulis pagod na pagod na rin. Napakahirap mag-implement ng ECQ, in fact the last people who would be happy in implementing ECQ or MECQ ang mga pulis at LGUs natin dahil sila yung lumalabas gabi-gabi. In fact, ang ating barangays ang operations nila ngayon ay almost 24 hours para lang masigurado na by eight o'clock nasa bahay na yung mga tao, walang nagiinuman. Sa umaga walang nagbubulakbol, ito lahat LGUs ang nagi-implement. My point of the matter here is, kakailanganin natin ang lahat ng tulong kasama na dito ang Military. I'll give you a case in point, sa Valenzuela meron lang kaming 700 policemen. Itong 700, Binabantayan 700,000 na population. So lumalabas one policeman is to 900 in a population. So imposibleng mabantayan ng policemen natin yung 900 na katao 24/7. So kahit kami sa Valenzuela, humihingi kami ng tulong sa military to augment yung pagi-implement ng ECQ dahil kung hindi natin mai-implement ng mabuti ang ECQ, talagang mawawalan ito ng saysay. Every warm body dapat i-tap na natin dahil yan ang only hope natin para mapabagal ang spread ng virus. Hindi rin ako sumasangayon na di effective ang ECQ, effective ang ECQ. Even if you talk to the scientists in UP, sinasabi nila na ECQ is very effective in fact gusto nga nila i-extend pa yung ECQ hindi lang pwede dahil maraming magugutom. So to say that ECQ is not effective is not reading the proper documents. Sinabi na yan ng UP, sinabi na yan ng mga data scientists. Ang ECQ is the best way to slowdown, not eradicate but slowdown so that our health system will not get overwhelmed and our health system can catch up.

Q: More of yung nagle-lead daw ng pagsugpo ng COVID ay mga retired Generals natin kaysa sa medical experts?

SEN WIN: I'm not going to defend the different czars because magagaling yan, mga heneral yan but from my observation, I'll give you a very good case in point. Distribution ng PPE's nationwide, yung 10 million PPE's in your warehouse, idi-distribute mo yan to 7,000 islands and hundreds of hospitals. This is a logistical issue, this is an issue that you need great managerial experience and logistical capability because distribution yan eh, hindi naman yan tungkol sa paggagamot eh, pagdi-distribute yan ng PPE. Kaya yan in-assign kay General Galvez because he is well versed in logistical operations. Naging heneral yan ng ating armed forces, alam niya mag-control ng 300,000 na katao, alam niya magpalakad ng equipment, ng air assets ng sea at land assets. Kabisabo niya yan kaya in terms of logistics I think the best person for that is the military dahil alam nila pano patakbuhin yan. So you have to look at the task, hindi natin pwede sabihin na lahat related to medical because iba-iba yung tasks and they already broke it down. Ngayon for example sa hospitals, si Dr. Vega ang czar doon because that's really a medical component of the fight against COVID. So you really have to look at the task, I'm not saying naman na it's purely militaristic or purely military personnel running it, it really depends on the task and the task culminates in one single direction and that is fighting COVID.

News Latest News Feed