Press Release
August 13, 2020

Ambush interview of Sen. Win Gatchalian on school opening, MECQ extension, vaccine, Bayanihan 2.0 and Out of School Youth

School opening

Q: Assessment ng printing modules ready na ba ang DepEd?

SEN WIN: Ang sa akin ang importante itong MECQ, yung situation natin ngayon. Based sa nilalabas na datos ng DOH, in the past seven days 3,000 to 4,000 cases tayo a day that is why there is clamor to extend MECQ. Ang health system, base sa datos ng DOH, 80% full capacity na ang hospitals natin. Sa distance learning malaking bahagi ang pag didistribute ng modules, kaya may interaction na mangyayari. Kung matutuloy ang august 24 distribution, big issue dahil may interaction ang parents and teacher, at risk ang atin mga teachers.

Q: Safe ba ang teachers sa pagdi-distribute ng modules?

SEN WIN: Ang alam ko may na PPEs and alcohol di ko nakita yung katiyakan sa testing, pangangalaga at sa hospitalization. Base doon sa presscon nung monday, launching ng school opening, may sagot ang DepEd na walang budget at umaasa sila sa contributions ng private sector. Importante may testing. Ang su-suggest ko PhilHeath, dapat mabigyan ng priority ang 900,000 teaching and non-teaching personel natin because we have 22 million learners nationwide.

Q: Did DepEd assure you na safe sila?

SEN WIN: Walang direct assurance from DepEd, walang treatment, after care or testing. Meron lang general answer na may philHealth pero pila pila din sa philhealth. Dapat may assurance from PhilHeath themselves, dapat may special lane or treatment center. Karamihan umaasa rin sa local government unit eh marami na ring inaatupag ang ating mga local government units.

Doon sa nine blocks of readiness ng DepEd, ang kulang doon ang teachers. Kulang ang welfare ng teaching and non-teaching personnel. Sila kasi ang gagalaw, the chances of getting infected is really high. We have to make sure yung kapakanan nila, testing and treatment. Malaking pagkululang yan. Dapat may pondo sa pagagamot, di ko nakita yung katiyakan doon.

Q: Printing ng modules, possible hindi one-to-one? Di po ba delikado yun?

SEN WIN: Not only that ang Self Learning Module, kapag binigay sayo, may mga exercises yun, self-study module nga kaya dapat hawak mo to. Paano ka matuto if makikapag-share ka. Dapat one is to one at the very least kung hindi magkakaproblema sa pagaaral ng bata at dapat ma-assure ngayon na hindi magkakaroon ng problema sa budget at sa pagpri-print.

Q: DepEd, hindi nila na factor-in yung teacher's health?

SEN WIN: Oo, very disappointing parang gyera itong tinatahak ng teachers natin, parang mga sundalong walang proteksyon, di nila alam kung kaya silang pagamutin. From the teachers standpoint dapat merong testing, meron dapat silang pupuntahan kapag nagkasakit at may pamabayad. Importante yung assurance na aalagan sila, na may assurance na may pondo sila kahit anong mangyari, kumpyansa ito para sa mga guro natin.

Q: Daming unfulfilled promises ang DepEd from the hearing before?

SEN WIN: To be honest about it, two weeks ago bago mag MECQ, I support the opening of classes come August 24 dahil importante na maturuan ang mga estudyante. But the situation has changed, umaabot na tayo to 6,000 a day. Kung hindi ito bumaba di naman fair sa ating mga guro at magulang na lumabas. Meron na tayong RA 1140 na pwedeng iurong ang pagbubukas ng klase. MECQ ay senyales na ang sitwasyon natin ay lumalala. Huwag naman natin sila ilagay sa alanganinang ating mga guro at magulang.

Q: Promised GSIS within the next two weeks?

SEN WIN: I advised them na they seek help from GSIS dahil pwede ka mag loan doon and mag cash advance. Kung kailangan mo ng financial assistance kaya naman, basta bigyan sila ng priority. Nakakadismaya lang na di ginawa ito noong una. Yung mga guro natin parang walang partisipasyon, dapat sila mabigyan sila ng proteksyon.

Q: Safety net for those students whose families are not capable in teaching their own children?

SEN WIN: I have heard reports that na may mga magulang tayo na hindi nakapagtapos kaya wala silang confidence magturo. The bayanihan spirit should be alive in these times of crisis. Tv and radio is a very good intervention program. Kahit di marunong ang magulang, kailangan lang nila siguraduhin na nanood o nakikinig ang kanilang mga anak sa tv and radyo. That is why we have to launch the tv and radio component. Yung mga parents na hindi di marooning magturo, masu-supplement ito ng tv and radio.

Q: Parents nagtatanong bakit marami pa rin ang fees?

SEN WIN: Sa tertiary education wala nang increase sa tuition fee. Gumawa na ang CHED ng memo. It's up to the school to lower down the tuition fees. Meron na kasing mga sophisticated software to transform your school sa online learning. However, schools should explain where the fees are coming from. Gym fees, and facility fees dapat tanggalin na yun. Lahat ng fees na may kinalaman sa face to face learning dapat tangalin na yan.

Q: Errors in the SLM and tv and radio?

SEN WIN: Di ko alam kung totoo yun, so I have to investigate on that or have another hering to have the content aspect of the learning modules because quality control is very important.

Q: Teachers are uncertain kung matutuloy ang school opening? Kailangan ba intayin na President ang mag decide kasi iba-iba yung suggestions?

SEN WIN: Ang aking recommendation to DepEd, dahil nga nasa 4,000 to 5,000 ang cases these past days, talagang mahirap palabasin ang ating mga teachers kung alam nilang delikado. We have to be flexible in this situation. Two weeks ago, ang sitwasyon parang pababa na ngayon, sumipa ulit. Di naman magiging safe para sa ating mga guro kung mag di-distribute sila ng modules tapos yung parents kukunin ang modules sa kanila. What we need flexibility sa situation natin.

Q: Ano ang ibig sabihin ng flexible?

SEN WIN: flexible in terms of school openings. NCR, Bulacan, Region IV-A talagang malubha ang sitwasyon pero may mga areas na na umo-okay na. For example, Batanes, Guimaras, nakita ko wala nang covid cases. Pero yung mga delikadong areas like NCR, pag na-extend ang MECQ dapat i-postpone muna ang school openings.

MECQ extension

Q: MECQ, sa tingin niyo meron nangyayari naman? kailangan ba i-extend?

SEN WIN: base sa datos ng DOH, nakikita ko sa NCR almost 80% full capacity na ang ating mga ospital. Ang MECQ, ginawa natin ito para lumuwag ang hospitals. Based on that nasa 80% pa rin tayo which is considered very high kaya sa nakikita ko kailangan pa i-extend ang MECQ, para makaluwag, kasi kung hindi posibleng sumipa pa yan to 100%.

Q: Pabor kayo? Another two weeks sa Metro Manila?

SEN WIN: I think at this point ito na yung magandang balance, itong MECQ dahil kahit papano nakakpagtrabaho pa rin ang kababayan natin. Ang importante hindi nakakagalaw ng malaya kasi dun nagkakahawaan. Base sa datos, kailangan pa ng another 2 weeks pada tuluyan bumaba yung capacity ng hospitals natin.

Q: Reaction to localize cabinet secretaries?

SEN WIN: I would prefer na direct na lang ang local government units kay Gen. Galvez dahil siya ang pwede magbigay ng instructions kung paano matutulungan ang local government units, direct na lang kay Gen. Galvez. Another layer of bureaucracy yan, 17 lang naman yung mayors at kilala ko naman si Gen. Galvez na mabilis siya magtrabaho.

Q: DILG's 5 billion contact tracers?

SEN WIN: Kung titignan natin, Hong Kong and Taiwan lahat sila gumagamit na ng wrist band or cellphone pagdating sa pag contact tracing. Napansin natin, minsan hindi rin reliable ang mano-mano dahil ang tao nakakalimot. Importante, yung isa sa project ng DICT na imbes na manom-ano, standard technology na ang gamitin natin for contract tracing.

Q: Proposal ng DOH for granular lockdown if we revert back to gcq as mentioned by lorenzana, kung baba yung cases?

SEN WIN: That is a good compromise between health and livelihood. Meron in-impose ngayon yung IATF, yung mandatory quarantine pass, isang paraan para limitahin yung tao sa paglalabas. If we revert back to GCQ, yung mga may mga quarantine pass lang yung pwedeng lumabas. We're looking for the right balance. The limited quarantine pass is a good way to regulate and to limit to essential activites.

Granular or hard lockdown. Lockdown is effective based on our observation pero importante pa rin na may massive testing.

COVID-19 Vaccine

Q: Hanggang December di pa avail ang vaccine? September may vaccine na ba?

SEN WIN: There are almost 6 vaccines na nasa last phase na ng clinical trial. Minamadali na ng ibang malalaking pharma. Ang mahalga, minomonitor ng DOH itong sitwasyon at kung pwede na gamitin sa bansa. Ang importante safe itong mga vaccine. Ayaw natin mangyari yung nangyari sa Devangxia, dapat natuto na tayo, dapat dumaan ito sa masusing pagsusuri at international standards dapat ang testing. Dapat din maging maingat ang Pangulo, experts ang makaksagot niyan, this is a medical question at dapat ma-monitor, tignan natin yung proseso.

Q: Do you have any estimate how much ang dapat mapunta sa vaccine and saan kukunin from the 140 billion?

SEN WIN: Si Sec. Dominguez said we need 20 billion pesos to vaccinate 20 million people based on 2 doses. We need roughly around 200 billion to give (1 dose) of vaccine to all of our population. Our estimate is all, because the purpose of the vaccine is to prevent in a perfect setting. We will give the President the power to realign the budget for purposes of buying vaccines.

Q: Magkano ang isang vaccine?

SEN WIN: more or less, roughly around 4,000 to 5,000 pesos per person depending rin kung ilang doses, kagaya ng Devangxia kailangan ng tatalo. Hindi pa clear kung may 1, 2 or 3 rounds but around that figure based on our research.

Q: Vaccines isasama ba sa program ng opening ng schools?

SEN WIN: Safest to open schools is January. Reports says, safest to have face to face learning is January, assuming na lumabas na yung vaccine sa September. Di natin alam kung gaano kabilis maa-adminsiter yung vaccines at maging available na siya dahil marami nang industrialized nations na bumibli kaya di natin alam kung makakuha tayo kaagad dito. Pumapasok dito yung connections ng ating Pangulo at importante na may pondo tayo pag andiyan na yung vaccine.

Bayanihan 2.0

Q: Member po na kayo ng Bicam panel? Ano na ang napaguspan? Yung 140 billion proposal tataas pa po ba yun?

SEN WIN: Di ako member, pinaguuspan na namin pero di ako member. this is a compromised amount. Between Congress and Senate, we're fine tuning it na lang, for example kung gaano kahaba yung grace period, anong sector ang may kailangan ng pondo pero wala nang mabigat na konsepto na tatalakayin, ang importante yung amount, it can between 140 billion to 160 billion. Naka-schedule na next week ang bicam.

PhilHealth

Q: Task preventive suspension on PhilHealth officials?

SEN WIN: Mahirap mag imbestiga kung may kontrol pa sa mga papels itong mga sangkot na PhilHealth officials. Kaya kailangan ng preventive suspension para makuha yung mga dokumento. Ang nakakalungkot dito, inaasahan natin ang PhilHealth lalo na sa ganitong pandemy tapos makikita natin ang korupsyon. Dapat makulong kaagad itong mga gumagawa ng anomalya.

Q: How important is the Bank secrecy waiver for PhilHealth officials?

SEN WIN: This is important in a sense that it promotes transparency and it's also setting a good example to those who will be investigated, it sets the tone of being open, magandang aksyon yan. Pero di dapat matapos doon dahil pwede mo ilagay yung mga ninakaw mo sa ibang pangalan. There are many ways, but it opens the door to other employees to follow but investigation should continue and go deeper.

Q: Invited daw si Sec. Duque sa next hearing. He is the Chair, What do you think is his role sa issue na ito?

SEN WIN: Duque is the Chairman, he sits in the board, he should know all of these things. In terms of policies, financial, the board has control over it. Dapat alam nila yung nangyayari at dapat nai-report to kaagad sa Pangulo. It's true, Morales is the CEO and President, he oversees the day to day operations kaya hindi ako naniniwala di alam ni Morales ang nangyayari dito, imposibleng hindi mo naririnig. Having said that, in stopping the corruption, the Chair wields a lot of influence, the alarm bells should have prodded an immediate investigation on PhilHealth.

Q: Sec. Duque dapat bang magsalita? Ano yung off hand possible liability niya?

SEN WIN: Chairman siya eh board member siya, dapat magsalita siya. Tinatalaga natin sila doon para alagaan yung institution, para mabantayan. Kaya yung mga board members dapat din magsalita at magbigay ng kanilang rekomendasyon. Importante nalalaman ng Pangulo thru the Chairman ang nangyayari. Itong mga sindikato lalakas lang ang loob kung walang nasusumbong. Itong 15 billion na sinasabi ng whistleblower, goes to show na talagang systemic na yung pagnanakaw. Di katanggap-tanggap na walang alam si Morales. The board has the power to raise red flags. Dapat nagingay na sila o gumawa ng policies ukol sa katiwalan.

Q: Readiness component, welfare ng teaching non-teaching personnel? Na-submit na ba nila yung positon paper to identify the coverage of their protection?

SEN WIN: Wala pa, I will give them until Monday next week to submit. Maraming nagtatnaong na guro kung magkasakit sila saan sila pupunta? Importante na alagaan ng DepEd ang teachers natin, kailangan natin silang bigyan ng kumpyansa. May pamilya din sila, delikado din ang gagawin nila. Disappointed ako na wala akong nakitang sense of security in terms of health given na sila ang gagalaw at baba sa ating mga komunidad.

I already mentioned to recommend to postpone classes during yesterday's hearing if walang security ang ating mga guro. Dapat may treatment, testing at pagaalaga sa kanila. Di natin pwede lagay sa 'bahal na' yung teachers natin. Mabigat dapat ang sagot ng pamahalaan at ng DepEd sa kanila.

Q: Favoritism in PhilHealth?

SEN WIN: I know for a fact may favorite ospital, na clinic at favorite na doktor. Two years ago naalala ko may mga balita sa Bulacan na dinadala nila yung ma senior citizens na mlalabo ang mata kahit wala namang katarataang gagawin nila sisingilin nila sa PhilHealth around 20,000 to 30,000 pesos pero di naman inoperahan, minor check-up lang ang ginawa, we already reported that to PhilHealth. May ganyan talagang nangyayari. So I'm 100% sure na may mafia, I believe na may collusion and mafia inside PhilHealth.

Out of School Youth

Q: The 4 million out of school youth, what is the proposed plan?

SEN WIN: Discouraging itong info na 4 million out of school. Madami tayong kabataan na maiiwanan. Right now we just have to strengthen our Alternative Learning System (ALS). ALS is a second chance para sating mga estudyante. The ALS can encourage them to go back to school. In the shor term, we need to strengthen our ALS to make sure available ito sa lahat.

Ang ALS program na ito ang sasalo a mga hindi makakapag-aral. Importante may mekanismo na sasalo sakanila. Di pwedeng putulan yung paghihikayat na pumasok itong mga out of school youth. Sa ngayon, para sa akin kulang pa, evident yan sa mababang enrollment rate ng ALS na nasa less than 45.1%. We really need to ramp up the program sa ALS.

News Latest News Feed