Press Release
August 19, 2020

OPENING STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS
ON SENATE INVESTIGATION ON THE "SHOOTING OF FOUR SOLDIERS OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES"

Bilang mga Senador, tungkulin namin ang magsiyasat o mag-imbestiga, para makatulong sa trabaho bilang mga mambabatas. Ngunit ang isyu na ito na pinag-ugatan ng aking paghain ng Senate Resolution No. 460, ay malalim at personal para sa akin. Una, dahil ako ay byuda ng isang PNP officer ang kapulisan ay nahaharap sa matitinding mga paratang. Pangalawa, dahil nagkaroon ako ng pagkakataon mismo para makausap ang mga kapamilya at mahal sa buhay ni Major Marvin Indammog, Captain Irwin Managuelod, Sergeant Jaime Velasco, at Corporal Abdal Asula. Pinangako ko sa kanila na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kanilang anak, asawa, kapatid.

Ang pinakamasakit sa lahat ay yung sinasabing ang mga sundalo ay nagsasabi na ng "tropa, tropa" pero patuloy pa din silang binabaril. This is nothing if not cold-blooded murder.

Our role as senators however is not to impose sentences or to assign guilt. Yan po ay trabaho ng husgado. Ang trabaho namin bilang mga Senador ay tingnan kung mayroon bang mga gaps o kakulangan sa ating batas, na pwedeng maging sanhi ng ganitong mga kaganapan. At sa totoo lang, the killing in Jolo is not an isolated case of police excesses. Last week, sinampahan na ng NBI ang mga pulis na involved sa "fake nanlaban" case sa San Jose del Monte, noong Abril nabalitaan natin ang kaso ng pagpatay ng mga pulis kay Winston Ragos, dating sundalo na may post traumatic stress disorder. Wag na natin puntahan ang libo-libong mga kasong pagpatay na napapaloob sa War on Drugs, kasama ang kay Kian de los Santos. Are our laws, kagaya ng Republic Act No. 8551, not enough to hold erring police officers accountable? What do we need to amend? How should we learn and move forward?

Pakay natin mabigyan ng katarungan si Major Marvin Indammog, Captain Irwin Managuelod, Sergeant Jaime Velasco, at Corporal Abdal Asula. Pero kaakibat nito, kailangan natin tiyakin na hindi na maulit at wala nang mga magulang, asawa at mga anak na pinagluluksa ang kapamilya nilang namatay sa kamay ng pulis.

*Please check against delivery*

News Latest News Feed