Press Release
August 20, 2020

Transcript of Teleradyo interview of
Senate Minority Leader Franklin M. Drilon

Kabayan interview

Q: Tama po ba, P162 billion para sa Bayanihan 2?

SFMD: Tama po iyan ngunit liwanagin natin na sa ngayon ang sinasabi ni Sec. Dominguez ang mapopondohan ay nasa P140 billion lang kaya yung P22 billion na sinasabi ay iyan po standby authority, maghahanap muna ng pera para pondohan.

Q: Saan galing yung P10 billion?

SFMD: Sa kasalukuyang budget na hindi nagamit at ni-realign. Yung iba galing sa GOCCs na mayroong idle funds. Patuloy rin ang paghanap ng pamahalaan. Kailangan maghanap at mangutang otherwise hindi natin mapopondohan yung mga social amelioration program para sa mga mahihirap.

Q: Tuloy pa rin po iyon?

SFMD: Tuloy pa rin po.

Q: Ang sabi ni President wala na tayong pera...

SFMD: Iyan po ay may authorization na nagkasundo kami na yung SAP at yung TUPAD programs ng DOLE para sa mga manggagawa na kasama roon.

Ngunit isa pa sa aming pinag-uusapan. Ito ay medyo masalimuot ay yung sa turismo. Ang original proposal, yung allocation na P10 billion na tulong in terms or loan para sa tourism enterprises. Iyan po ang isa sa pinakaapektadong industriya ngayon. Sila ang tinamaan nang husto dahil walang domestic tourism. Sinikap naming sa senado sa aming version na maglagay ng P10 billion tulong para sa kanila. Ngunit ang version ng HoR ay ito ay infrastructure, hindi po kami pumayag kasi para sa amin hindi naman kailangan sa panahong ito ng infrastructure. Ang kailangan dahil naghihingalo ay yung mga loans para sa kumpanya. Ngunit pinipilit ng HoR. Sa ngayon hindi pa kami nagkakasundo roon sa bagay na iyon. Pinipilit pa rin ng HoR na ilagay sa TIEZA.

Q: Yung buong P10 billion po?

SFMD: Oo, yung buong P10 billion. Hanggang ngayon hindi pa kami nagkakasundo. Yung pondo na iyon isa pa sa mga bagay as of last night na wala pang kasunduan.

Tapos yung isa pa yung P45 billion na ilalagay sa LBP at DBP saka sa Phil. Guarantee para sa pagtulong sa mga nahirapan na mga kumpanya kagaya ng transportation sector, na dahil sa lockdown at Covid-19 ay nagsara na lahat. Itong airlines kasama rito. Iyan po ay kinikilala natin na kailangan ng tulong. Nagkasundo na kami ay aaabot ng P45 billion. Ngunit ang vehicle kung saan dadaan ito - hinihingi ng administrasyon na payagan na magbuo ng isang holding company kung saan siyang mamamahala kug saan ilalagay ang pera at magpapahiram. Ang sinasabi namin ay ilagay muna natin yung authorization muna saka na natin pag-usapan yung detalye. Hopefully by the end of the day matapos na ito.

Q: May 52 tourism associations daw ang nagpahayag na rin ng kanilang suporta para sa rescue package kasi raw natatakot sila na baka mapunta lang raw para sa infrastructure para sa TIEZA, paano sila wala

SFMD: In fact, para kako magkasundo pumayag na si Sen. Angara na aming chairman na sige magtabi ng P1 billion mula sa P10 billion para aa TIEZA dahil ang gusto ng HoR ay magkaroon ng proyekto katulad kalsada papunta para sa mga tourist destination. Pumayag na kami in order to get an agreement. Kahit inilagay na naming doon ay hindi pa rin pumayag ang HoR.

Q: Ang sabi po ni Cong. LRay, it was completely unacceptable a wrong more on the part of Congress. Mukhang pagpipilitan pa rin.

SFMD: Masalimuot itong portion na ito. Pag-uusapan ulit mamaya.

Q: Paano kung ipagpilitan?

SFMD: Nagkakaisa po ang senado. Kahapon sinabi ni SP Sotto in open session na dapat ipilit ng senado ang position nila na ang mga tourism enterprises ang mga tulungan, hindi yung mga kalsada na gusting buin ng HoR sa panahon ngayon. Ang nangangailangan ay yung mga tourism enterprises. Assuming na tama na ilagay yung P10 billion sa TIEZA, wala namang turista na pupunta ngayon at lalo lang mamatay yung tourism enterprises.

Q: Isa pang reaction na hihingin naming sa inyo ay itong suspension ng PhilHealth

SFMD: Kailangang-kailangan itong preventive suspension para po hindi magkaroon ng pagkakataon itong mga nasuspinde na palitan o itago yung mga dokumento. Iyan po ang purpose niya. Kailangan magkaroon ng access nga mga investigators doon sa mga dokumento tungkol sa PhilHealth. Importanteng-importante iyan para sa case buildup para masuportahan itong criminal aspect ng corruption sa PhilHealth. As the Ombudsman would examine the documents, pwede pa namang ipagpatuloy ng Ombudsman kung sino pa ang pwedeng suspindihin.

Q: Wala na raw kayong hearing sa senado?

SFMD: Tama po iyan. Tinapos na. I think we have exhausted the hearings.

Failon Ngayon interview

Q: Unahin ko po itong loan moratorium, ano po ang detalye nito?

SFMD: Ang napagkasunduan na compromise ay 60-day moratorium on all kinds of loans.

Q: Pwede po bang makahingi pa ng detalye, yung moratorium ay kailan pwede magsimula? Ano yung sakop

SFMD: Unang-una, mag-umpisa ito kung kailangan mapirmahan ang batas. Yung due falling on kung kalian ang effectivity ng batas hanggang katapusan ng taon.

Q: Sakop po ba nito yung amortization at interest?

SFMD: Yung grace period ay ipinagpaliban ng 60 araw ang anumang loan payment without incurring interest. Yung obligation mo na magbayad ng loan ay ipinagpapaliban ng 60 araw na walang penalty at interest

Q: Lahat po ng uri ng loan no?

SFMD: Tama po iyan. Walang qualification din kung ECQ, MECQ.

Q: During na discussion po ba ay mayroong taga DOF.

SFMD: Wala po ngunit ito ay alam nila kung ano ang nangyayari at ito ay acceptable sa DOF at sa banking sector.

Q: Para doon sa SAP, mayroon pa po bang provision?

SFMD: Ganito yung nakalagay sa batas, emergency subsidy na P5,000-P8,000 para doon sa affected low-income households in areas under ECQ at to households of OFWs. Pangalawa, P5,000 to P8,000, an employment for displaced workers; number three, emergency subsidy to low-income households; number 4, Covid-19 special risk allowance para sa public and private health workers na directly involved sa Covid-19 patients - ito ay P10,000 bawa buwan for the duration of Covid-19 pagkatapos ang bawat medical expenses ng mga healthcare workers na exposed sa Covid-19 ang estado ang magbabayad siguro sa pamamagitan ng PhilHealth. Kapag namatay ang isang health workers, P1 million ang ayuda; kapag may sakit in critical case ay P1000,000 at P15,000 kung mild lang. ito ay retroactive simula February 1, 2020 at exempted po sa tax.

Q: Ang sabi ninyo P10,000 karagdagang allowance sa lahat ng health workers na involved sa Covid-19 patients?

SFMD: Tama iyan.

Q: Yung pong para sa turismo, klaro na po?

SFMD: Iyan po ang isa sa natitirang tatlo o apat na issue. masalimuot yung P10 billion para sa tourism sector dahilan sa ang version ng senado ay P10 billion para sa mga nahirapang kumpanya doon sa tourism enterprises. Subalit ang initial position ng HoR ay yung P10 billion ay gagamitin sa kalsada at infrastructure para sa tourism areas. Pinipilit nila na dapat ito ay ilagay sa TIEZA pero hindi pumapayag ang senado. In the course of the debate, isa sa mga compromise para lang magkasunod, ilagay ang P1 billion para sa mga kalsada na hinihingi ng HoR, P3 billion para sa displaced workers para sa tourism enterprises at P6 billion para sa loan. Iyan ang suggested compromise. Akala ko nagkasundo na pero pagbalik kahapon, hindi na naman. Ayaw talaga ng HoR. Iyan po ang masalimuot na debate.

Q: Hindi pa tapos iyan?

SFMD: Hindi pa dahil isa sa mga issue na hindi naming ma-resolve ay yung P10 billion na gusto natin ibigay as stimulus at tulong para sa tourism enterprises pero ang gusto ng HoR ay gawing kalsada.

SFMD: Isa sa mga provision na hindi masyadong napansin na aking pinasok ay yung telco towers na talagang kulang na kulang tayo. Sa ating sitwasyon, bawat 4,000 Pinoy, isang cell tower. Sa ibang bansa, bawat 100 hanggang 5000 gumagamit ng cellphone, isang cell tower. Kaya sa atin malayung-malayo ang kakulangang. Ngayon ang sinasabi ng telco ay ito ay dahilan sa 30 permits na hinihingi ng gobyerno sa bawat isang cell tower. Kaya ang inilagay ko sa batas ay maliban lamang sa building permit at height clearance requirement ng CAAP, wala ng clearance na kailangan.

News Latest News Feed