Press Release
August 21, 2020

Transcript of Interview with Senate Minority Leader Franklin Drilon
Teleradyo's Kabayan
21 August 2020

Q: Kindly give us yug summary ng Bayanihan 2.

SFMD: Unang-una, ito ay P140 billion na appropriation para sa iba't ibang sector ng ating bayan. Ang kabuuan ng batas ay P165 billion ngunit ang initial na mapondohan ay P140 billion lamang at ang mga P25 billion ay standby authority para kapag magkaroon ng additional revenue ay mapondohan. Ano itong mga items na ito? Unang-una, mayroong P40 billion para sa LBP at DBP at Philippine Guarantee para magpautang sa mababang interest para sa mga sector na apektado. Ito ay soft loan program.

Q: Dito sa soft loan, sino ang pwede mag-avail?

SFMD: Yung mga distressed companies na naapektuhan ng Covid-19 katulad ng mga manufacturing companies na nagsara, restaurant, MSMEs. Kasama lahat iyan sa pwedeng umutang sa LBP.

Q: Ano pa po yung iba?

SFMD: Mayroong P24 billion na assistance sa agriculture sector. Ito ay bantayan natin dahil mayroong provision dito na farm-to-market road kaya medyo ingatan lang natin.

Mayroon ding P13.5 billion para sa additional health workers sa DOH. Mayroong P13 billion for cash-for-work program sa DOLE, ito yung mga ayuda sa mga nawalan ng trabaho. Mayroong P9.5 billion na assistance para sa transport industry; P6 billion para doon sa SAP na P5,000 to P8,000 per month.

Q: So meron pa po silang matatanggap na isang tranche ng SAP. Isang bigayan lang po ito?

SFMD: Tama po iyan.

Q: Yung LGU po ba ang mamamahala rito?

SFMD: Ang DSWD po.

Q: Meron po ba tayong specified kung ilan ang makakatanggap?

SFMD: Wala po, ang DSWD na po ang mag-determine.

Q: Nabanggit n'yo po kanina yung benefits ng healthcare workers, ano po yung madadagdag?

SFMD: Mayroon pong special risk allowance na P10 libo bawat buwan. Mayroon silang health benefits kung saan lahat ng gastusin kapag sila ay naospital ay sagot ng Bayanihan 2; mayroon silang insurance na P1 million kung ang isang health worker ay namatay dahil sa exposure sa Covid-19; mayroon din amount for those who get sick.

Ipagpatuloy ko lang, mayroon ding P5 billion para sa contract tracers at iyon po ay manggagaling sa hanay ng mga barangay health workers para mabigyan ng solusyon itong patuloy na pagkalat ng virus. In this regard, may P4.5 billion para sa isolation and quarantine centers.

Isa sa pinakaimportante ay may P10 billion po para sa tourism industry. Ito ang mahabang diskusyon na nangyari dahil ang ibig ng mga kongresista ay ilagay ito sa pagpapatayo ng kubeta at kalsada habang ang senado naman ay ipinaglaban natin yung position ng DOT na ito ay tulong sa pamamagitan ng soft loans para doon sa mga maliliit na kumpanya na nagsara o nahirapan sa Covid-19 pandemic. Uulitin ko lang, ang ibig ng House of Representatives ay ilagay ito sa pagpapatayo ng kubeta at farm-to-market road at iba pang infrastructure sa ilalim ng TIEZA. At the end, ang naging compromise ay ganito: P1 billion para sa tourism infrastructure sa DPWH; P3 billion para sa displaced workers sa tourism industry; at P6 billion bilang loanable fund sa pamamagitan ng Small Business Corp. ng DTI. Hindi kami pumayag para gamitin ang P10 billion para sa pagpapatayo ng kubeta sa mga tourist areas dahil ang aming paniwala ay hindi ito makakatulong sa tourism enterprises at sa mga manggagawa sa tourism industry na nawala ng trabaho.

Q: Bale ang bulk po ng P10 billion na P6 billion ay para sa loan programs?

SFMD: Tama po iyan, exclusively para sa mga negosyo na involved sa tourism industry, although ang batas ay generally worded - kasama ang hospitals, cooperatives, MSMEs - ngunit on the records, ang P6 billion ay para lamang sa tourism industry.

Q: As it is, mayroon pa ring appropriation para sa mga kubeta. Sa panahaon ngayon po, hindi natin kailangan ang magtayo ng kubeta. Sana ibigay na lang sa pondo para mismo sa pag-combat sa Covid-19. Doon po nagkaroon ng malaking debate?

SFMD: Tama po iyan. Kasama ang debate sa aming trabaho. At the end of the day, nagkasundo kami kung paano gagastusin ang pera para sa turismo. Hindi po kubeta at kalsada ang gagawin kung hindi ibibigay sa mga manggagawa na natanggal at nawalan ng trabaho at para doon sa mga kumpanya sa tourism industry.

Q: Pero dahil may i-allot pa rin tayo na pondo para sa infrastructure project.

SFMD: Mayroon pong P1 billlion para sa kubeta at kalsada.

Q: May reporting mechanism po ba ito?

SFMD: Mayroon pa ring reporting pero monthly ang report. Sa reporting dapat kasama rin ang COA.

Q: Mayroon po bang nakasaad sa Bayanihan 2 na iwe-waive yung phase 4 ng trial ng vaccine?

SFMD: Meron, ipinagpaliban sa Bayanihan 2 yung phase 4. Unang-una, yung phase 4 nasa Universal Healtcare Act iyan. Ngayon ito po ay sinususpinder rito depende sa decision ng FDA. Masyado itong technical. Hindi naman kami doctor. Kaya ang hiningi ng Malakanyang at DOH ay i-waive yung phase 4. We are not competent to decide on that kaya ang nangyari ay unang-una, yung phase 4 ay na-waive para sa procurement. Ibig sabihin, sa certification ng WHO na ang isang vaccine ay pwede nang gamitin kahit hindi dumaan sa phase 4, may authority na bilhin. Subalit bago i-distribute, kailangan may certification ang FDA natin na safe ito para sa ating mga kababayan.

Q: Malaking pondo po ito, we are talking about P160 billion. Saan po natin kukunin ang pondo rito?

SFMD: Unang-una, yung savings sa 2020 budget. Sa kasalukuyang budget may ni-realign ang Malakanyang na hindi nagagamit, kasama yung sa GOCCs. Halimbawa, yung TIEZA mayroong pondo na hindi nagagamit na nasa P15 billion, nakatengga sa mga bangko. Kaya ang ginawa, nirealign iyung P12 billion doon at inilagay sa General Fund para makasama sa funding ng Bayanihan 2. Pangalawa, nanghihiram din tayo.

Q: Kasama rin ba ang POGO sa posibleng source?

SFMD: Yes, ang POGO kasama. Yung 5% na franchise tax na dapat manggaling sa POGO. Ito ay sa bawat piso na taya, huwag bawasan ng winning kung hindi yung buong taya o bet. Dati sa P100 taya, kung magkano lang ang panalo iyan lang ang babawasan ng tax. Ngayon ang buong taya o bet, 5% ang franchise tax. Pangalawa, alam natin na dinadaya yung exchange rate kaya ang ginawa natin ay yung official exchange rate ang gagamitin at kapag sila ay nandaya ay pwede silang ipasara at kasuhan.

News Latest News Feed