Press Release
August 24, 2020

Transcript of Senator Nancy Binay's Interview with
TeleRadyo's Peter Musngi and Pat-P Daza

Q: Reaction on RevGov?

Sen. Nancy Binay-Angeles (SNBA): Hindi ko nga maintindihan kung bakit nagkakaroon ng mga ganitong distraction na hindi natin kailangan ngayon dahil hindi ba ang laki-laki na nga ng problema natin sa pandemic, tapos biglang sisingitan nila ng mga ganitong usapin. So parang ano, eh, mahirap maintindihan kung bakit nga may mga ganoong panawagan. Siguro maganda din na iyong initiative na putulin at pigilin ang ganitong usapin ay manggaling na mismo sa kampo ng ating Presidente. 'Di ba, iyong once and for all, stop it. Let us focus on Covid.

Q: Kasi Senator, I don't know if you'll agree with me. Kasi itong revolutionary government, nag-umpisa iyan may chismis kasi na may medical plane na supposedly sa Singapore, at may haka-haka na baka ang Presidente ang nasa loob, tapos biglang lumabas rin ito. So, sa tingin mo ba may koneksyon, may katotohanan kaya, iyong medical plane na iyon tapos bigla-bigla itong revolutionary government na sinusulong nila.

SNBA: Parang mahirap i-connect. Ang sa akin lang sana ibalik natin ang usapin sa Covid, dahil kasi kung makikita natin 'di ba, anong laman ng balita ngayon, itong revolutionary government. Hindi napag-uusapan na. Just today, I think bago matapos ang buwan ng Agosto, aabot na tayo sa 200,000. I think by the end of the month mag-200,000 na tayo. And remember, pataas nang pataas, pero iyong way of life natin naka-quarantine pa rin. Parang walang sense na nakakulong tayo pero ang bilang pataas nang pataas, samantalang naririnig natin sa mga kapitbahay natin, dito na lang siguro sa Asia, like Thailand, Vietnam—sila parang may semblance of normalcy na, and then iyong numero nila hindi kasing-lala ng numero natin. So, 'di ba, sana iyong energy natin, doon na lang natin i-focus sa kung anong dapat natin gawin.

Q: Ang dami pong mga haka-haka at opinyon nagsasabi na, ano ba yan, para hindi na mapag-usapan ang PhilHealth, ganoon ba iyon? Pangalawa, ito po, sa reaksyon ng Malacañang, hindi naman sa nagmamarunong tayo, pero iyong naka-focus kami sa Covid ngayon, ang reaksyon nila, it's not timely. Palagay ko po, dapat, sabi nga ninyo: "They can end it, nip it in the bud", na tama na, hindi dapat pinag-uusapan yan. By the way, mayroon pa rin silang mga bisyo sa physical distancing noong sila'y magpulong-pulong sa Clark.

SNBA: Unang-una, dapat nga hindi na ine-encourage iyong ganyang okasyon na nagkikita-kita dahil, ako nga, I support iyong call na let us all do, kung kakayanin, iyong voluntary ECQ or voluntary MECQ, 'di ba? And iyong mga ganyang pagpupulong, hindi iyan 100 percent guaranteed na hindi mo nasi-spread iyong virus, eh. Nasa isang kwarto kaya, iyong probability of acquiring the virus ay mas malaki kaysa doon sa walang ganyan klaseng pagpupulong. Siguro, i-share ko lang ha, take it from personal experience. Remember, 'di ba napilitan kaming mag-quarantine right after SONA, kasi nga, and it's only because nag-lunch kaming anim (na senators) with Senator Migz, na lumabas positive, eventually hindi rin naman pala siya positive. But, 'di ba, siguro kung hindi kami nag-lunch together, hindi namin mae-expose ang isa't isa to the virus. Iyong mga ganoong maliliit na bagay na pwede nating iwasan, sana iwasan muna natin.

Q: Senator, I'm just curious, itong revolutionary government, of course we don't want it to happen, but just for the sake of argument, how do they propose it would work? How does a revolutionary government work?

SNBA: I have no idea. Siguro balikan na lang din natin, paulit-ulit sinasabi na ayaw na niya, so parang walang sense na making a call for a revolutionary government and asking the president to stay on, eh kung iyong tao na nga mismo nagsasabi na ayaw na niya. In fact, kahit nga sa mismong anak niya na parang, huwag na.

Q: At alam nyo po, Sen. Nancy, the latest is that Pangulong Duterte, ayon sa Malacañang source, he will not stay beyond 2022. Be that as it may, ang sabi po ng mga nagpapanukala nitong revgov na na-interview kanina, kasi itong Kongreso, and I don't really know if he is referring to the Lower House or both Houses, eh kasi galit na galit na si presidente ang dami niyang gustong gawin, pero hindi naman nakikinig, hindi nagre-react itong mga nasa Kongreso, kaya kailangan ng revgov. Your reaction, please.

SNBA: Parang I don't get that sentiment from the President. In fact, 'di ba, kapag alam naman namin na may sense of urgency, kumbaga talagang nagta-trabaho kami, nakita naman ng lahat noong tungkol doon sa first Bayanihan, kahit naka-break kami, pumasok pa rin kami para maipasa itong Bayanihan. So for as long as ise-certify ng presidente as urgent, gumagalaw naman kami sa Kongreso.

Q: Pero Senator Binay, itong revolutionary government, hindi ko rin ma-visualize kung paano if ever it's going to work. Sabi nila kailangan may suporta ng mga pulis at military, but PNP Chief Gamboa already said he did receive an invitation but he is also not for it and he also did not accept the invitation. Do you think the military or police right now would support a revolutionary government?

SNBA: Ako I don't think so kasi lahat kami sa pamahalaan bago kami magsimula sa aming trabaho nasa oath of office namin yung we will protect the constitution. Itong panawagan for a revolutionary government is a blatant display of disregard to that constitution na sinumpaan namin na proprotektahan namin. The mere fact that they are calling for a revolutionary government hindi ba it's a threat to our constitution? I am not a lawyer, pero ano ba to, seditious na ba or baka pwede na itong grounds for a case kasi outside of the constitution na itong panawagan nila?

Q: Kaya nga nakakatuwa ang inyong tweet na hindi nakaka-flatten ng curve ang rev gov. Tama po iyon.

SNBA: Baka kung pupuwede tumulong na lang sila sa contact tracing. O pagpapatayo ng quarantine center?

Q: O kaya naman dun sa mass trial ng vaccine (laughs)

SNBA: Or instead of sa kamapanya nila to spread the word on revolutionary government baka puwede turuan na lang nila yung mga mamamayan natin kung ano ba yung mga health protocols to avoid the virus. For me, sa tingin ko isang dahilan pa kung bakit pataas ng pataas pa yung bilang ng mga kasi natin is kasi we assume na alam ng mga kababayan natin yung mga dapat at hindi dapat gawin. Narinig ko nga yung kuwentuhan niyo about ballpen.

Q: Oo pasa pasa.

SNBA: Pero if you are aware, kung ikaw yung gagamit ng ballpen, punasan ko muna to ng alcohol sprayan ko muna to. Pero kung hindi mo alam at kung hindi ka conscious na pwede mo makuha sa ballpen yung virus, hindi mo gagawin yun.

Q: Korek. Sabi nga ni Mayor Magalong ilang months na tayo pero wala pa ring digital app ang contact tracing.

SNBA: Hindi lang yan sir Peter. In fact ang paulit-ulit kong example itong Hong Kong. Pag-land mo pa lang sa Hong Kong may dalawang linya sila for testing. Yung may symptoms at walang symptoms. Kung wala kang symptoms dadalhin ka sa facility, ite-test ka tapos pasusuutin ka ng band tapos kelangan nakakulong ka lang ng 14 days kasi mag-aalarm yun pag lumabas ka ng bahay mo na nagviolate ka ng quarantine mo. Tayo, five months na wala pa tayo nakikitang technology na ginagamit.

Q: Senator nagtaka ka pa. Hangggang ngayon nga walang internet naghanap ka pa ng app.

SNBA: Di ba naisip pa nga na yung mga chismosa yung gamitin sa contact tracing? So, ok.

Q: Maiba lang ako Sen. Nancy, medyo nagkatampuhan ata sa Senado at Kogreso dahil sa mga biruan after ng bayanihan... Nasaktan ata si Sen. Pia. Naayos na po ba iyon?

SNBA: I think ok na. Siguro naglabas lang ng sentimyento si Sen. Pia. We just have to respect, kumbaga, ano ba, hindi naman, na-offend sa mga exchange sa deliberation dito sa Bayanihan 2.

Q: All is well that ends well ba?

SNBA: Lagi naman may intramurals yung Senate at House of Rep. Pero at the end of the day, it's just work and we have to do our job.

Q: It's so nice to hear that from you pero nakaka-bother lang kung ano ba ang priority ng dalawa kasi why is there such a big gap kung saan ba dapat gamitin yang P10 billion na yan para sa tourism.

SNBA: I think naresolve naman na sa bicam na naging P1 billion na lang. So maganda naman yung naging usapan. Siguro kung at the beginning hindi na ganon ang ginawa. I mean hindi magkakaroon ng ganitong issue pagdating sa P10 billion. I mean we have to, aminin natin na maraming sektor mula sa industriya ng turismo ang nagraise ng issue. In fact there was a big lobby during the bicam na wag sana masunod yung house version pagdating sa P10 billion. There was really a strong lobby na kung puwede as much as possible, retain the senate version for the P10 billion pero sa bicam kelangan magkaroon ng compromise. But at the end of the day, nagkasundo naman lahat.

Q: Pero bakit kelangan pa magkaroon ng debate if it is total infrastructure?

SNBA: And I think doon niyo maa-appreciate yung pagkakaroon ng House of Representatives at Senate kasi at the end of the day, kumbaga may checks and balance.

Q: I think the Senate was very forceful in that particular instance. Sana maging forceful din ang Senate pagdating sa rev gov na ito.

SNBA: Hindi na ata aabot. Kasi pag nag-succeed yan wala na Senate. (laughs) Ang I think sana by the end of the week or by tomorrow tapos na ang usapan tungkol sa rev gov. Back to regular programming na ng Covid. For me, kung ang aim lang naman nila is para tapalan yung mga pagkukulang, ay babalik at babalik at makikita pa rin ang mga pagkukulang.

Q: Kahit anong tapal, sisingaw at sisingaw pa rin ang mga mababaho. Thank you Senator Nancy.

News Latest News Feed