Press Release
August 25, 2020

Closing Remarks: Senator Joel Villanueva

Napakarami nating napag-usapan ngayong araw patungkol sa sitwasyon ng ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs), mula po sa pag-abot ng assistance, pagsasaayos ng repatriation, at paggawa ng malinaw na reintegration plan, particularly na ang ating mga seafarers at this so called"priso-nurse".

Ilan sa mga napakaraming insights na narinig natin ngayong araw, just to give some highlights:

Aabot na ng 400,000 ang na-displace na OFWs dahil sa COVID-19, at higit 150,000 na ang narepatriate.

We also hope that the relevant agencies continue to expand their loan assistance to OFWs. Sa palagay po namin, maliit ang Php 50,000, binaggit ni Sen. Aimee, to cover assistance for the family left behind by the OFWs for 3 months.Ang, I think, there is a commitment from admin Hans to bring this up sa board.

Upang magkaroon ng isang tunay na labor recovery and reintegration package para sa kanila, kailangan po natin ng malinaw at komprehensibong profiling of repatriated OFWs. Ang hiling po natin ay talagang makumpleto ito agad ng DOLE sa lalong madaling panahon at maging efficient po tayo. Kasi kung may data base po tayo mas magiging efficient po tayo.

I repeat, we are in an emergency situation, and it requires an emergency response. Ngunit ayaw natin syempre ng one-size-fits-all na polisiya, dahil iba't iba po ang mga kakayahan at eksperyensya ng mga OFWs.

In line with this, we hope that the NRCO can utilize their budget for its programs for undocumented OFWs. We reiterate our finding kanina that none of its Php 29.8 million funds for 2020 have been disbursed at i-momonitor po natin yan kung ano magiging hakbang ng ahensya na ito.

Patungkol naman po sa Magna Carta for Seafarers: We need to ensure that we introduce policies that will make our Filipino seafarers sought after. We need a Magna Carta of Seafarers to protect the rights of our seafarers.

Patungkol naman po sa ating mga "nurses and healthcare workers na narito pa rin at na-stranded, I hope that the DOH can enlighten us on the rationale on retaining the ban on the overseas deployment of our healthcare workers. Buti na lang, nabanggit kanina ni admin Olalia na may rekomendasyon na sila para i-lift po ito. Pero ang estimated na kailangan na nurses at doctors kanina binanggit ng DOH ay 16,500, ngunit 7,850 pa lamang ang na-hire. We need to provide them clear and fair incentives for them to be hired. We will continue to follow up with IATF regarding the final decision again on lifting this said ban.

Sa datos ng DOH, 137 lamang mula sa 2,200 active COVID-19 repatriates are either admitted or are in quarantine facilities. Gusto natin na mabigyan ng linaw po ang response ang DOH tungkol rito. Patuloy na kasama sa ating panawagan na expansion ang mga quarantine and treatment facilities para sa repatriated OFWs.

If you would recall during doon po sa hearing with Philhealth, binanggit po natin 48 percent noong mga namatay sa COVD19 ay hindi man lang na-admit sa hospital.

Ayaw na ayaw po nating mangyari ito sa ating mga bagong bayani, sa ating mga OFWs.

Again, We salute our OFWs, they are the greatest testament of our work ethic and values as Filipinos.

Kulang po tayo sa listo at liksi para agad matugunan ang pangangailangan ng ating mga manggagawa, kaya kailangan po nating bilisan pa ang kilos para mas marami ang matulungan na kababayan natin, sa tulong ng isang comprehensive intergation plan.

Nagpapasalamat naman tayo sa ating mga colleagues dito sa Senado: Senator Risa, Senator Imee, Senator Nancy, at Senator Bato. Tayo na lang po sa gobyerno ang takbuhan ng ating mga kababayan, ng ating mga OFWs.

News Latest News Feed