Press Release
August 29, 2020

Gatchalian warns other erring distribution utilities following penalty imposed on Meralco

While Senator Win Gatchalian commends the Energy Regulatory Commission's (ERC) swift move against Meralco, he warns other distribution utilities (DUs) that have committed similar lapses in relation to the advisories issued by the commission aimed at alleviating the financial burden of electricity consumers.

The ERC on Thursday issued a Decision ordering Meralco to pay nineteen million pesos (PHP 19 M) for one, failing to indicate clearly that the March to May 2020 billings were "estimated", and two, for failing to properly inform its consumers that the cumulative amount of electricity bill that was supposed to have fallen within the enhanced community quarantine (ECQ) period shall be amortized in four equal monthly installments.

Gatchalian pointed out the total penalty is almost three hundred million pesos (PHP 300 M), citing the same ERC Decision that Meralco will have to set to zero the Distribution, Supply, and Metering (DSM) charges of each of the lifeline consumers whose monthly energy consumption does not exceed 100 kWh for one month cycle of billing. The discount to be provided to all lifeline consumers is estimated to be around two hundred seventy-five million pesos (PHP 275 M), based on the May 2020 records of ERC. This directive becomes effective in the next billing cycle immediately upon receipt of the ERC Decision.

"This should serve as a stern warning against all erring distribution utilities that might face the same consequences. Magsilbing leksyion sana ito sa iba pang distribution utilities sa bansa na hindi sumusunod sa mga panuntuan ng power regulator," stressed Gatchalian.

"Ang mga panggigipit at pananamantala sa panahon ng krisis at pandemya ay nararapat lamang na patawan ng karampatang kaparusahan. Maliit na halaga lamang, kung tutuusin, ang naturang multa kung ikukumpara sa idinulot na kalituhan at pasaning bayarin ng milyung-milyong residente lalo na yung may sapat lamang na kita araw-araw," he added.

Gatchalian empathizes with the millions of Meralco consumers as he himself complained of apparent bill shock over bills covering the ECQ period.

Aside from apparent miscalculated and inaccurate billing amounts, public outrage against Meralco also stemmed from technical problems in paying their bills, such as the P47 "convenience fee" charged for paying bills through its website or mobile app.

It can be recalled that in a hearing conducted by the Energy Committee, the senator grilled Meralco officials over "underestimation" and "overestimation" of electricity bills and asked the officials to send each consumer-household a separate clarificatory letter that showed exact previous readings.

###

Gatchalian nagbabala sa ibang distribution utilities matapos pagmultahin ng ERC ang Meralco

Nagbabala si Senador Win Gatchalian sa ibang distribution utilities (DUs) sa bansa na maaaring sapitin ang nangyari sa Meralco kung hindi rin sila susunod sa mga direktiba ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Sa isang pormal na kautusan, pinagbabayad ng ERC ang Meralco ng labing siyam na milyong piso (P19 M) dahil sa paglabag nito sa ilang direktiba. Una, hindi raw nilinaw ng Meralco na "estimated" ang billing mula Marso hanggang Mayo. Pangalawa, hindi daw ipinagbigay alam ng Meralco sa electricity bill ng Mayo na pwedeng bayaran ng installment sa loob ng apat na buwan ang kuryenteng nagamit nuong kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Gatchalian, lumalabas na halos tatlong daang milyong piso (P 300 M) ang multa ng Meralco. Bukod sa 19 milyong piso aniya, bibigyan din ng diskwento ang mga tinatawag na lifeline consumers na ang kunsumo ay hindi lalagpas sa 100 kWh sa loob ng isang buwan. Ang diskwento ay aabot sa P 275 milyong piso.

"Magsilbing babala sana ito sa Meralco at sa iba pang distribution utilities sa bansa na sumusuway sa ipinag-uutos ng power regulator," ang mariing sinabi ni Gatchalian.

"Ang mga panggigipit at pananamantala sa panahon ng krisis at pandemya ay nararapat lamang na patawan ng karampatang kaparusahan. Maliit na halaga, kung tutuusin, ang multang ipinataw sa Meralco kumpara sa idinulot na kalituhan at pasaning bayarin lalo na doon sa sapat lamang ang kita araw-araw. Ang mga hindi katanggap-tanggap na mga gawain na labag sa interes ng nakararami ay hindi dapat pinapalampas ng walang kaukulang kaparusahan," dagdag pa niya.

Nakikiisa si Gatchalian sa milyung milyong consumer ng Meralco na labis na naapektuhan ng bill shock nuong panahon ng ECQ. Siya rin aniya ay na-bill shock.

Sa ilang mga pagdinig ng Senate Energy Committee na pinamumunuan ni Gatchalian, matatandaang isinulong ng senador noon na hingan ng paliwanag ang Meralco kasunod ng sinasabi nilang 'underestimation' at 'overestimation' sa electricity bill na nagdulot ng kalituhan sa mga consumer.

Samantala, pinuri ni Gatchalian ang ERC sa agrang desisyon nito laban sa Meralco.

"Naging maagap ang ERC sa pagtugon sa mga hinaing ng ating mga kababayan at hindi nila tayo binigo sa pagtupad sa kanilang tungkulin. Ang mga ganitong agarang aksyon ang kailangan upang maibalik ang kumpiyansa at tiwala ng tao sa ating gobyerno," pagtatapos ni Gatchalian.

News Latest News Feed