Press Release
August 30, 2020

DZBB interview ni Senator Win Gatchalian kasama si Nimfa Ravelo ukol sa P19M multang parusa ipinataw ng ERC sa Meralco

Q: Meralco pinagbabayad ng 19 million dahil sa bill shock, kuntento ho ba kayo doon?

SEN WIN: Kuntento ako na mabilis yung resolusyon at nagkaroon ng pagmulta, kuntento tayo na kaagad na pinakinggan yung mga hinain ng ating konsyumers, yung mga nalito dahil lahat tayo ay nalito at pinakita natin yung doon sa pagdinig. Yung multa na 19 million sa unang pagtingin ay kakarampot, ang 19 million wala pa yata sa kalingkinan po ng Meralco, hindi equivalent yung kanilang penalty sa naranasan ng ating consumers. Pero binasa ko yung resolusyon, at meron doon na magbibigay ng diskwento sa mga lifeline, ito yung pinaka mailiit na consumers ng ating bansa. Ito ay about 2.7 million consumers sa Meralco franchise at sabi doon bibigyan sila ng diskwento na nagkakahalaga ng almost 1.9 pesos per kWh. Sa unang tingin, 19 million ang penalty pero dinagdag ito ng ERC kaya lumalabas na halos 300 million yung ilalabas ng Meralco na may katungkulan dito sa paglabag sa direktiba ng ERC.

Q: Senator ang tugon po diyan ng Meralco non-committal sila na magbabayad, ang sabi nila pag-aaralan muna ito parang ilalaban pa?

SEN WIN: Hindi ho pwede, nasa loob na ito ng resolusyon ng ERC kung susumahin mo nga, lahat-lahat lalabas yan mga 300 million tingin ko naman ito ay risonable dahil sa paglabag ho ng direktiba. Pero kapag 19 million talaga sasabihin natin, hindi talaga risonable, hindi magandang basis yun kaya nga tayo medyo acceptable na para sa atin dahil mga 300 million na, tingin ko risonable naman yun.

Q: So sinasabi niyo po sa Meralco, magbayad na lang wag na mag contest?

SEN WIN: Ang naging sistema dito yung 19 million direktang ibabayad, pero yung 270 plus million ito ay bibigay sa pinakamaliliit nating konsyumers. Kung matatandaan natin ang isang hinain ng ating mga konsyumers bakit 19 million mapupuntasa gobyerno? eh kami nga yung naagrabyado kaya ang ginawa ng ERC para makinabang naman yng pinakamaliliit nating konsyumers, kaya naging dalawang parte ang kanilang penalty, isang 19 million at yung pinakamalaki yung almost 270 million mapupunta yung sa mga maliliit na konsyumer natin kaya makikita nila sa electricity bill nila na makakatipid sila ng almost 1.90 pesos per kWh.

Q: So per 100 kWh yung sa lifeline so 100 pesos ang mababawas?

SEN WIN: Almost mga 2 pesos close to about 2 pesos ang mababawas more or less sa isang buwan, isang buwan lang naman yung binigay ni ERC. Nakita ko na maganda rin yung mekansimo ng ERC kasi yung sasabihin nilang 300 milion na multa ay mapupunta sa gobyerno, walang makikinabang na konsyumers diyan kaya ginawa nila bigyan mo na lang ng diskwento yung mga maliliit na konsyumers para deretsong mararamdaman ng ating mga konsyumers.

Q: Ang nawindang daw kasi yung malaki yung konsumo, hindi naman kalakihan halimbawa ako 200 to 300 kWh, eh ako ho yung nawindang wala naman hong problema na tulungan yung mga lifeline consumers kasi talagang those who have less in life should have more in law pero paano yung talagang nawindang, yung mga nagbayad ng libo-libo?

SEN WIN: Tama ka doon dahil meron mga non-lifeline na naagrabyado dito kaya ang aking perspektibo, tinitignan ko yung lahat as long as ma pe-penalize ang Meralco at as long as ang penalty ay malaki at risonable dahil kung susumahin natin lahat yan, that's about 300 million ang kanilnang penalty kaya yun na lang ang aking tinitignan kasi lahat naman tayo naagrabyado pero tinitignan nila yung kabuoang multa.

Q: Paano kapay nag-resist pa ang Meralco? Kapag nilaban pa nila ito sa korte?

SEN WIN: Una ang payo ko sa kanila wag na nila ilaban kasi para sa akin ito ay isang risonableng pagmumulta sa kanila. Kapag lumaban sila ia-advise natin sa ERC na taasan nila at maghanap pa ng ibang paraan para ma-penalize ho sila.

Q: Sumingil daw ang Meralco at ibang power distributors ng FIT-All charges na sabi ng ERC na huwag singilin yan during ECQ so ano dapat ang gawin sa kanila?

SEN WIN: Doon daw sa hearing may mga prinisenta tayong mga bills, mga electric bills na galing sa ibang mga distribution companies o organizations sa buong Pilipinas at nakita natin hindi malinaw yung pagpapaliwanag, yung iba sumingil ng environmental charge, yung iba FIT-All, iba-iba so syempre yung konsyumers natin sa iba't-ibang parte ng ating bansa hindi naman nalalaman yung direktiba ng ERC kaya dapat gumawa ng hakbang itong mga distribution companies na sila ang magpaliwanag, huwag nilang asahan yung mga consumers natin na sila pa ang intindihin eh responsibildad ito ng distribution companies kaya importante itong pagmulta sa Meralco dahil ito ay sinyales na yung mga iba pang hindi sumunod ay pagmumultahin sila at pwede ring itong bad record para sa kanila pagdating sa pagre-renew ng kanilang franchise. Lalabas at lalabas ito at magiging isang hadlang ito sa kanila.

Q: Ang mga public utilities humihingi sila ng prangkisa sa Kongreso so ang warning nila kapag sila ay hindi pa umayos dahil pandemic pa rin tayo, kapag sila ay umabuso sila pwede i-review ninyo ang franchise ng Meralco?

SEN WIN: Pwede, in fact itong ABS-CBN franchise parang naging benchmark, na yung mga sins of the past, yung mga kasalanan mo dati pwedeng ilabas yan at sa pagre-renew ng franchise pwede kang balikan nito dahil nga public service to eh at hindi porket nakalampas ka ng isang beses eh sa dulo kakalimutan na. so yung mga ganitong pagkakamali pwede maging dahilan ito sa pagkakansela ng franchise, pag re-review ng franchise. In fact, pabor ako na meron periodic review ang franchise. Hindi porket binigay tapos na dahil meron tayong mga distribution utilities na hindi sumusunod sa direktiba ng regulator. Dapat umayos sila dahil nasa pandemya tayo at mga konsyumers natin tulirong-tuliro ngayon kaya tulungan na lang ng ating distribution companies na paintidihin sa ating mga kababayan at dapat patas sila dahil nga ito ay may direktiba na.

News Latest News Feed