Press Release
September 1, 2020

OPENING STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS
Committee on Energy Hearing
September 01, 2020

Magandang umaga po!

Alam natin na maraming mga negosyo ang nagsara. Umakyat na rin 45% ang unemployment rate sa bansa, ang pinakamataas sa loob ng ilang dekada. Katumbas ito ng 27.3 milyong Pinoy na walang trabaho.

Hindi pa rin tumitigil ang pagbuhos ng reklamo mula sa electric consumers sa Metro Manila. Nito lang ay umabot pa sa higit 140 reklamo ang natanggap ng aming opisina. Tungkol pa rin ito sa mga nagtaasang bill noong May at June, na ayon sa kanila ay mas mataas kaysa sa kanilang konsumo.

Gaya na lang ng kaso ng isang medical frontliner kung saan dumoble pa ang konsumo niya matapos ang lockdown period gayong wala naman siya sa bahay at palaging duty sa ospital.

Napakahalaga ng anumang relief na magmumula sa gobyerno at pribadong sektor ngayong bawat Pinoy ay lumalaban para malagpasan ang krisis na bunsod ng COVID-19. Kaya buo ang suporta ko sa initiative ni Chair (Sen. Sherwin) na i-extend ang lifeline subsidy para sa mga maliliit na konsyumer.

In this difficult and trying everyone should stand side-by-side with our consumers. Kaya kaisa niyo rin ako sa inyong panawagan, Mr. Chair na busisiin mabuti ang franchise at tingnan kung sumusunod at nagko-comply ang major industry players sa standards at obligasyon na nakapaloob dito.

Hindi dapat sinasamantala at pinagkakakitaan ninuman mga industriyang ito ang maliliit na konsyumer na ngayo'y dapang-dapa na dahil sa dagok ng pandemya.

Dahil din dito, Mr. Chair, nakikiisa ako kay Senator Imee at sa Chair para sa mas malawak pang gawain ng pag-review ng EPIRA dito sa ating bansa. Maraming salamat Mr. Chair.

News Latest News Feed