Press Release
September 2, 2020

Transcript of interview of Senate President Vicente C. Sotto III with
Arnold Clavio and Ali Sotto in DZBB

On PhilHealth.

Q: Kamusta po kayo?

SP Sotto: Ayaw naming patagalin yan, kung napansin inyo kung may mga committee reports or may mga investigations or inquiries ang mga senate committees, usually it takes a lot of time. It takes about two, three weeks, bago mailabas yung report at kung minsan nga walang lumalabas na report, gawa lang ng draft yung committee report tapos hindi na nakakarating sa floor, yun yung kinaiinis nung iba at saka ng mga kababayan natin. Sinasabi, hearing kayo ng hearing, wala namang nangyayari, mga ganoon ba so after the third hearing, kinolekta na namin yung mga dapat naming makita at lahat ng mga findings, at may mga investigation pa kaming ginawa after that at saka kaya hanggang nung the other night ika nga ay pinaglalamayan namin para matapos yun at napaka haba kasi nung committee report, hindi maiiwasan napaka haba rin nung mga hearings na ginawa so...

Q: Dito sa punto ng IRM, mukhang hindi kayo mahihirapan dahil sa mismong hearings ninyo inamin naman po ni Atty Jojo Del Rosario yung mga puntos kung bakit illegal at invalid yung release nitong IRM na mahigit P14 billion na.

SP Sotto: Maliwanag na maliwanag yun, walang kaduda-duda yun. Kahit hindi ka ika nga ay first year law student, makikita mo kaagad na hindi pwede. Una, illegal. Kasi nga hindi dapat Gamitin yung IRM na yun, yung dating IRM hindi pwedeng gamitin doon sa issue ng Covid. At nung magpasa ng board resolution, magpasa ang board, sinabing pwede for Covid, nagamit na nila.

Q: Sa punto ng petsa?

SP Sotto: Petsa. Nagamit na nila at yung pagkakagamit nila eh bali nga sana kung talagang sa Covid ginamit, eh Covid ba yung nakita ninyong listahan na nilahad namin? Na pati yung mga dialysis centers at kung anu-ano, mga maternity packages... okay lang yun, gusto nating makatulong doon, pero huwag naman yung mga ospital na nangangailangan, recorded sa amin dito, na wala silang binibigay na napakaraming mga pangangailangan, maraming pasyente ng Covid, maraming problema, nangangailangan, hingi ng hingi, follow-up ng follow-up, hindi nabibigyan, buwan ang inaabot. Pagkatapos meron kang in seven days or five days meron kang rereleasan ng P200 million, merong P100 million plus, ang Covid patient, isa lang? Kahit sino naman sa atin dito saan ka kukuha ng...

Q: Pero sa hearing ba nasagot yung tanong mo na yan? Bakit may napapaboran?

SP Sotto: Hindi. Puro dribble ang inabot namin. Hindi ba napanood mo naman yung hearing. Kaya nga kami, later on, sabi ko nga after the third hearing sabi namin, Ayoko na, I am sick and tired of the carnival of lies.

Q: Carousel, inikot-ikot kayo.

SP Sotto: Oo, carousel, yun nga ang word na nagamit ko, carousel of lies. Wala, dribble ng dribble.

Q: Pero yung tanong mong yan, yung comparison sa nangangailangan sa hindi naman nangangailangan, tapos nagkapera, doon na pumapasok yung corruption.

SP Sotto: Oo, maliwanag na yun. Napaka dali ng patunayan ng Department of Justice yun. Kaya nga itong mga findings namin, kung ano man yung sinasabi nila ngayon at sinasagot nila, lahat itong mga findings namin maliwanag ito, ipinasa na namin sa DOJ, at sa Ombudsman, ang recommendation namin, nandoon na.

Q: Ang recommendation ninyo, paano natin babawiin yung pinakawalan na ilang bilyon na IRM kasi nga may punto pa ng liquidation ika mo kahapon, hanggang ngayon wala pa ring petsa kung kailan, kung baga deadline , liquidated na, wala pang protocol or mechanism para marecover yung billions na inilabas, pinakawalan na sa mga HCIs. Anong recommendation ninyo as far as liquidation, mababawi po yung billions na pinakawalan?

SP Sotto: Ang recommendation was for PhilHealth, sa bandang dulo siguro napakinggan ninyo, ang recommendation namin sa PhilHealth ngayon, yung bagong PhilHealth, na kailangan, bawiin nila yun. Magpaliquidate sila sa mga naibigay na at yung mga hindi pa nagagamit ay bawiin. Palagay ko naman ay naiintindihan ng mga hospital yan sapagkat kapag hindi ay mananagot sila. Sa mga recommendation namin wala pa kaming pinananagutan na mga hospital. Pero pag hindi nila ginawa yun, mananagot sila. Ngayon, kung sasagutin nila sa atin, sasabihin nila sa atin na eh kasi nakapagbigay na kami, eh di mas maganda para malaman natin kanino ninyo binigay. Doon lalabas yun.

Q: Pero hindi ba kailangan ng pondo rin para respondihan itong pandemya na ito?

SP Sotto: Isang pasyente pa lang, P200 million ang nasa iyo?

Q: Itong hospital, ano ba yun, sa Eastern Samar?

SP Sotto: Oo, kung saan-saan.

Q: Yun yung gusto ninyong bawiin?

SP Sotto: Meron sa Bicol, meron sa Iloilo, Samar.

Q: Ang isa sa recommendation ninyo you endorsed itong criminal indictment among others, si Health Sec. Francisco Duque III. Ang sinasabi nga niya, pagkakataon niya to clear his name. Ang rason niya, wala naman siyang papel diyan, hindi naman siya signatory sa board resolution nitong IRM...

SP Sotto: Ang ibig sabihin noon, hindi siya familiar sa Revised Penal Code Article 217 pagka sinasabi niya yun. Basahin niyang mabuti yun.

Q: Malversation of public property.

SP Sotto: Oo, na yung kaalaman lang, or negligence lang. Hindi ba negligence yun, chairman ka ng board? Ayoko na sanang palalain yun, (unclear) nandoon naman sa DOJ, doon na siya sumagot, pero kung kayo ang nagtatanong, ang sasabihin ko nga ay basahin niyang mabuti yung Revised Penal Code Article 217 kasi negligence lang, sapul ka sa malversation, eh ikaw ang chairman of the board eh. Nagpasa kayo ng kung anu-anong mga ano, ibig sabihin pasa ng pasa yung board, wala kang kamalay-malay. Ikaw ang head ng DOH, ang PhilHealth nasa iyo, naglabas kayo ng pera, P14.8 billion, P15 billion nga ang lagay ng media. Sa P14.8 billion, wala kayong publication nung ONAR or Office of the National Administrative Register of the UP Law Center na kasama doon to have an effect of law. Kailangang gawin ninyo yun, hindi ninyo ginawa. Requirement yun, hindi ninyo ginawa. (Unclear) sabihin hindi alam ng board yun?

Q: Ang isa pang sagot na hindi ko alam, hindi nila alam na kailangang magpataw ng withholding tax so kinuha nila sa corporate operating budget nila?

SP Sotto: Sabi lang yun. Ang tingin namin sabi lang yun dahil sa hearing kasi pero tingnan mo, iba ang sasabihin niyan sa korte. Hearing lang kasi yun kaya ginagawang palusot. Pero ito, linawin natin yung sinasabi ko. Pati sila, sa part na yan, tingnan mo. Ano ba yung 217 ng revised penal code? Aside from yung sinasabi ngang malversation of public funds or property. Any public officer who by reason of the duties of his office (unclear) accountable for (unclear) public funds shall (unclear) or misappropriate or shall consent through abandonment or negligence shall permit any or other person to take such public funds or property wholly or partially or shall otherwise be guilty of misappropriation, hindi ba kung tutuusin nga lahat ng nakakaalam ng IRM, dapat kasuhan. Sinabi namin doon sa DOJ, ang recommendation namin, binanggit namin yung mga panagalan na alam naming namumuno doon pero sinama namin all officials and employees who connived or were aware. Ganoon yun. Pag hindi natin nilahat yan, walang mangyayari diyan kahit palitan mo ang leadership niyan, pagka yung mga naiwan, may naiwan kang corrupt. Ubos tayo. Napakaraming matino sa PhilHealth.

Q: Binabanggit mo na ang naging action ng senado ay recommendation. May ilan sa mga binanggit ninyong irekomendang kasuhan ay nababanggit nga yung termino na yan, recommendation lang naman yan. Gaano kabigat itong report na ito ng senadosa DOJ?

SP Sotto: Sa tingin ko mabigat sapagkat nagcocoordinate kami ni Sec Guevarra. Siya mismo sinasabi niya sa akin minonitor niya yung hearing, at hinihingi niya yung kopya ng committee report aside from the investigation nila. Ngayon, kung baga sa ano itong recommendation naming ito would be the catalyst. Why? Merong NBI ang DOJ. Mabubulatlat lahat yan. Ibinigay na namin yung matinding mga bala, yung mga howitzer pwede nilang maungkat, di ba? Ganoon yun. May NBI sila.

Q: May sisimulan na sila. Parang depensa nilang ginagamit yung procurement ng mga IT na computer software at hardware, hindi naman natuloy yun, hindi pa naman aprubado yun, wala pa namang perang nilalabas yan.

SP Sotto: Pero doon mo na makikita yung masamang intent kasi may kontrata na.

Q: To defraud.

SP Sotto: Correct, may kontrata na. Hindi lang nagkabayaran dahil nabuking May kontrata na at saka ilang award na lang. pati yung grupo ng kung sino-sinong inaaward nila ay yun lang lagi. Laging sapul doon sa budget nila yun din yung (unclear).

Q: Nabuko dahil lumiham si board member Cabading kay Pangulo?

SP Sotto: Oo, at saka yung head assistant ni Morales, si Laborte, ay hindi masikmura yung sobrang overpricing, eh IT expert si loko, eh di (unclear) siya.

Q: Sa ulat ng pahayag ni Gen. Morales, ang probe dapat daw mag focus kayo sa hospital at saka doon sa mga professionals, mga doctor na involved sa fraud and you are looking the wrong way daw. Does the probe stop with PhilHealth dahil wala namang mangyayaring fraud kung hindi kakuntsyaba yung mga may tao sa hospital at mga doctor din at mga professionals.

SP Sotto: Correct. Hindi namin isinasantabi yun. As a matter of fact, yun ang laman ng kay Gordon kaya sinasabi niya complementary ito kung tutuusin, at saka wag nilang ilhis ang usapan. Style ng paglihis ng usapan yun, sisisihin mo yung mga doctor at mga hospital, mga doctor nga nagrereklamo. Karamihan ng doctor, lalo na yung (unclear), delayed. Ang sinasabi naman nung PhilHealth ibinigay na namin sa hospital, so yung hospital ang hinahabol. Pero may mga hospital at mg doctor na proven na talagang doon nagsimula yung mga fake na cataract surgeries, ghost dialysis, di ba sa B Braun may nakita na ghost dialysis. Dito sa committee report namin na ito at sa Committee of the Whole, hindi kami naka focus doon. Ang Blue Ribbon ang nakafocus doon kaya wag nilang ibahin ang usapan. Itong focus ng Committee of the Whole is doon sa organization. Yung Blue Ribbon, yung ang sasapul doon sa graft and corruption sa hospital at sa mga doctor na nainvolve.

Q: Yung mga ibang hospital daw ngayon nairereport ng Covid, mini-misreport na Covid-19 kahit hindi Covid-19 para makapag claim as Covid-19 dahil ang lalaki ng mga pakete.

SP Sotto: Ang pinaka malala lately, two or three days ago, si Sen Dela Rosa nagreport agad sa akin. Sabi sa akin, boss, paano ito? Bakit, sabi ko. Yung kamaganak ko, sabing ganoon, nabangga. Sa Mindanao daw nabangga. Nag iiyakan yung mga kamaganak kasi daw nung tumawag daw sa kanya, nabangga daw, patay, pagkatapos daw, habang nandoon, sinwab. Totoo ito, hindi biro ito. Sinwab, pagkatapos maya-mayang kaunti sinabing Covid.

Q: Ang cause of death Covid hindi pagkabangga?

SP Sotto: Oo, may Covid. Hindi sinabing cause of death, sinabi may Covid. Pagkatapos, alam mo na. Pag Covid, P43,000 to P750,000. At ang nilulungkot nila, kaya sila nagmamaktol hindi naman sa babayarin, nagmamaktol sila dahil gusto nilang hugasan, kasi Muslim. Huhugasan daw nila, ililibing nila ng maayos, ang ginawa daw pinasunog agad kinabukasan.

Q: Bawal sa Muslim ang cremation.

SP Sotto: Kaya nga galit na galit. Kaya nagsusumbong kay Sen Dela Rosa yung kamaganak niya.

Q: Kasi alam naman na basta within 12 hours ay dapat kung Covid man, mailibing within 12 hours pero hindi naman required na icremate.

SP Sotto: Oo. Kaya ng in the middle of the pandemic, sinasabi nila, bakit naman hindi na lang asikasuhin ninyo yang pandemic, mas malala kung pinabayaan natin ito.

Q: Yung sa recommendations ninyo sa pag imbestiga ng mga claims dahil sabi na nga, 20,000 daw yung mga kaso nila ng violations sa central office at saka sa region. Yung mga pag imbestiga, kasi may mga fraud legal officers di ba? Puro job order contract yung mga yun, tapos yung pag audit, sabi ninyo ang recommendation ninyo ang COA should be more involved.

SP Sotto: Oo, dapat ang COA should be hands on sa kanila pagka ganoon. Katulad din ng mga ibang offices. Sa senado lahat ng kilos namin kailangan COA. Kailangan nagpapaalam kami sa COA.

Q: Wala bang auditor ang PhilHealth?

SP Sotto: Ang reklamo hindi daw sila pinapayagan, hindi daw sila binibigyan, lagging (unclear) nung dokumento. Yun ang sinasabi ng mga COA doon. Kaya ang recommendation namin dito...

Q: Hirap na hirap ang COA na kumuha ng dokumento pati NBI. Ano ang recommendation doon?

SP Sotto: Correct. Yun na nga kaya nahihilo (unclear) I am sorry, kaya lang kasi kahapon, sobrang haba na nung report ko, hindi nga report mismo yun, yung mismong tinatawag na committee report sa kabuuan, mas mahaba pa yun. Sponsorship speech pa lang yun, kaya lang kailangan ihighlight ko yung mga importante na bakit kami nakarating sa ganoong recommendation. Ngayon yung sa COA, mahaba yun, two pages yun, hindi ko binasa. Kasi nga alam naman ng COA yan, nasa committee report yan pero sinasabi kasi ng COA they are not given access, they are not given full access to the PhilHealth documents.

Q: Paano mo iaudit kung ayaw ibigay sa iyo ang dokumento?

SP Sotto: Oo. Correct, yun ang sinasabing reklamo nila sa kabuuan kaya pag binasa mo pati yung (unclear) nila (unclear) doon pa lang lagot na talaga sila sa COA kaya napakaraming disallowance, napakaraming sinasabing hindi tamang ginagawa, pero wala silang kumpletong dokumento dahil hindi binibigyan ng access.

Q: Nagkaroon kayo ng parang management audit, pati yung SVP for yung legal sector ng PhilHealth dapat five years at least yung experience sa legal practice... is Dante Gierran qualified, given his qualifications?

SP Sotto: Yung qualification na yan, ang tingin ko diyan, debatable yan kasi pag tiningnan mo yung binabasa mo, ang nakalagay diyan, ang nirerecommend dapat ng board sa Presidente ay ganon, yung sinabi mo. Eh ito walang nirecommend ang board sa Presidente, inappoint na ng Presidente ante mano so debatable ngayon yan. Pwede talaga si Gierran kung tutuusin.

Q: (Unclear) hindi lulusot yung appointment kasi hindi naman nirecommend ng board.

SP Sotto: Hindi, hindi nagdaan, nirecommend ng board. Eh kung sila mismo ang papalag ngayon, yung taga PhilHealth ang papalag ngayon, ay bakit kay Atty Del Rosario, nagawa ninyo yun.

Q: You welcome yung appointment niya?

SP Sotto: Oo. Alam mo yung investigative skills nito tapos CPA lawyer itong si Gierran at ang ganda ng record sa NBI, senador na ako nung mag NBI director yan, inabot ko yan, walang masamang tinapay yan, magaling ang record niyan sa NBI kaya kung investigative skills ang kailangan natin dito, management ang kailangan natin dito, sinasabi nga ng iba, dapat daw ang PhilHealth president dapat daw manager, management expert, kung pwede nga daw businessman. Eh dahil nga sa lalim ng mga problema sa PhilHealth, lalo na pag dating sa issue ng corruption, bagay na bagay yung may investigative skills na katulad nito na ika nga ay tiyak na magiingat dahil sa pinanggalingan niya. Alam mo naman ang NBI, araw-araw, umaga, hapon, gabi, napakaraming kung anu-anong reklamo at imbestigasyon ang nangyayari. Piece of cake ang PhilHealth sa kanya I am sure pag dating sa imbestigasyon.

Q: Ano itong tinatawag na hemorrhage, bleeding ng PhilHealth, hopeful ka ba na (unclear) itong hemorrhage na ito ng PhilHealth?

SP Sotto: Siguro dahil napigil natin or napipigil natin or titigilin natin kasi tingnan mo, yung talagang dapat na magastos ng PhilHealth para sa Covid for 2020, nasa P3.3 billion lang talaga ang projection. Bakit nag budget sila ng P28 billion at nagrelease na sila ng ilang buwan pa lang ng P14.8 billion, bakit hindi maghehemorrhage? Ubos. Kawawa naman yung mga kababayan namin, bigay ng bigay, bayad ng bayad or inaawas sa kanila yung PhilHealth nila, pagkatapos yun pala may magpapasasa lang doon.

Q: Panahon ni Ferrer, Morales, imbestigasyon. Panahon ni Gierran kaya?

SP Sotto: Sabi mo nga panahon ni Morales, imbestigasyon. Panahon ni Ferrer, imbestigasyon. Panahon ni Duque... ito ngayon, ang nilagay, imbestigador, hindi ba? Tama yan, (unclear) diskarte ni Presidente diyan.

News Latest News Feed